34 Tainted Love

2.2K 113 20
                                    

Kathleen

"ano nagawa mo ba ang iniutos ko sayo?" tanong ko sa taong nasa kabilang linya.

"opo mam."

"naniwala ba sya?"

"opo at tsaka kahit naman ipa imbestiga nya ang lahat ng yun ay totoo naman talaga kaya wala tayong sabit."

"good. nasan sya ngayon?"

"nandito po sya sa isang bar itetext ko na lang po sa inyo ang address."

"cge. siguraduhin mong walang makakalapit sa kanya ha."

"ok po mam."

"oh, and Zeth..."

"ano po yun?"

"maaasahan ka talaga." pinatay ko na ang cellphone matapos nun.

kailangan ko pang lalong magpaganda para sa babaeng tanging minahal ko sa buong buhay ko.

hinarap ko ang salamin at napangiti sa repleksyon na naririto.

matapos ang paguusap namin ni Ishii sa office nya hindi na naalis sa isip ko ang sinabi nya na nakatali na sya sa taong ni hindi ko kilala.

ilang taon akong nagtiis at nagsikap para pag binalikan ko ay kaya ko na syang ipaglaban sa malupit na kamay ni mr. Fuentebella.

hindi ko makakalimutan ang araw na ang mismong ama ng babaeng pinakamamahal ko ang naglayo saming dalawa.

flashback...

5 years ago...

humahangos ako patakbo sa office ng dad ni Alex. pinasundo ako nito sa driver nya mula sa school.

kumatok ako ng marahan pagtapat ko sa may pintuan nito.

"pasok." boses ng dad ni Alex.

pinihit ko ang doorknob at pumasok sa loob nito. agad kong naramdaman ang lakas ng naka bukas na aircon.

nakita ko ang pigura ni mr. Fuentebella na nakaharap sa bintana at tila malalim ang iniisip.

pumihit ito paharap sa kinatatayuan ko.

"goodmorning tito." bati ko dito.

"goodmorning Kath sit down pls." pormal ang boses nito.

"tito pinatawag nyo daw po ako?"

"oo." tipid na sagot nito.

"may kailangan po kayo sakin?"

"nag propose na daw sayo ang anak ko."

"opo tito." masayang sagot ko dito sabay tingin sa suot kong singsing na binigay ni Alex.

"hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa. gusto kong iwanan mo na ang anak ko." matatag na pahayag nito.

napatayo ako mula sa kinauupuan ko ng marinig iyon.

"what do u mean tito?"

"u heard me. gusto kong hiwalayan mo na si Alexei."

"what?! no! bakit nyo po sinasabi yan?"

"may mga plano ako para sa kanya at makaka sagabal ka sa mga yun."

"hindi! hindi ko po hihiwalayan si Alex! mahal na mahal ko po ang anak nyo!" naiiyak na katwiran ko dito.

tumayo ito at inayos ang tindig. malaking tao ito at may matigas na aura kaya nakaka intimidate tignan.

"Kathleen. hindi mo magugustuhan ang mangyayari sa buong pamilya mo pag hindi mo sinununod ang gusto ko." mahinahon ngunit may pagbabanta sa boses nito.

isa yan sa mga pinaka ayaw ni Alex na naririnig sa dad nya. ang paborito nitong panakot sa mga taong ayaw sundin ang gusto nya.

"ayoko. hindi ko po kaya ang ipinagagawa ninyo."

"alam mo ba kung magkano ang utang ng daddy mo dahil sa pagkakalulong nya sa casino? alam mo rin ba na naka sanla ang kumpanya nyo sa akin?"

"ha? hindi... hindi po totoo yan! hindi magagawa ni dad yan!"

"hmm... actually nagawa na nya. wala na kayong natitirang pag-aari kahit na lupa sa paso."

"hindi po totoo ang lahat ng yan!"

"kailanman ay hindi ako nag sinungaling pagdating sa isang business transaction."

"a-anong business transaction?"

"hiwalayan mo si Alexei at tutulungan kong bumangon ang kumpanya nyo. hindi nyo man to magiging pagmamay-ari ng buo pero atlis bibigyan ko kayo ng 20% share so u and your family won't be dirt poor. pretty good deal right?"

"kaya naming mamumuhay ng hindi sagana. makakaangat din kami mr. Fuentebella sinisigurado ko yan."

"oo. kung mapapangasawa mo si Alexei. pero pag nangyari yun sisiguraduhin kong wala syang matatanggap mula sakin kahit isang kusing."

"hindi namin kailangan ang---"

"oh, common Kathleen. lahat ng tao kailangan ng pera lalo ka na. hindi ba kailangan ng baby sister mo ng operasyon dahil sa kidney failure? paano kaya kung hindi ko ibigay ang extension na hinihingi ng dad mo para mabayaran ang mga utang nya sakin at kunin lahat ng meron kayo? sa tingin mo ba maooperahan pa ang kapatid mo? sigurado rin ako na walang ni isang kamag-anak nyo ang makakatulong sa inyo. tandaan mo yan."

. . . .

umalis ako sa office ni mr. Fuentebella ng hindi parin nakakapag desisyon. masyado kong mahal si Alex pero mahal korin ang pamilya ko.

hanggang sa dumating ang araw mismo ng kasal. ibinigay sakin ni mr. Fuentebella ang litrato ng nakababata kong kapatid na si Charlene na nasa ospital.

doon mismo napag desisyunan ko na dapat ko ng iwanan si Alex pero sa huling pagkakataon ay gusto kong makita ang ngiti nya pag nakita nya kong naglakad papuntang altar kaya ginawa ko yun kahit na alam kong tatalikod din ako at tatakbo palabas ng simbahan.

end of flashback...

"kung noon iniwan kita dahil mahina ako. ngayon sisiguraduhin kong mapapasakin ka. ng buong buo."

pinuntahan ko ang bar na pinag tatambayan ni Alex. agad hinanap ng mga mata ko ito.

nakita ko sya na nasa bandang dulong bahagi ng bar kaharap ang isang table na punong puno ng alak at lasing na lasing.

nilapitan ko sya at umupo sa silyang katapat ng inuupuan nya.

"Alex..." nag-angat ito ng tingin sa pagtawag ko sa pangalan nya.

. . . .

masarap ang gising ko ng matagpuan ko ang sariling kayakap sa kama ang taong mahal na mahal ko.

napangiti ako ng makita ko ang maganda nitong muka. hinaplos ko ang kabuuan nya na kay tagal kong hiniling na muling mahawakan.

makikita pa ang mga marka nya sa katawan na ako ang may gawa.

"Charlotte..." sambit nito habang natutulog.

Ich Liebe Dich (gxg)Where stories live. Discover now