7 Mrs. Fuentebella

2.7K 119 2
                                    

Hoy, best! ayos ka lang ba?"

tanong sakin ng bestfriend kong si sally. nasa san francisco na kami. nauna na sa simbahan ang pamilya at ilang mga kaibigan namin. ngayong araw kasi ang kasal namin ni Ishii. alam ni sally ang lahat kung bakit ako magpapakasal. pati narin ang pagbibigay ko ng anak kay Ishii. nagalit sya dito ng sabihin ko ung mga kundisyon para wag makulong si dad at kuya.

"sabihin nalang kaya natin best sa parents mo ang tungkol dito? im sure hindi sila papayag dyan sa gagawin mo para kasing suicide to e."

"best alam mo naman kung bakit ko ginagawa to diba? yaan mo nalang isipin nila na inlove kami sa isat isa atleast masaya sila para sakin".

"pero best sa tingin mo magiging masaya ka?"

nagbaba lang ako ng tingin at ngumiti ng mapait. tinignan ko ang sarili ko sa salamin. naka suot ako ng gown na gawa pa ni vera wang. suot ko din ang engagement ring na sigurado akong nagkakahalaga ng higit pa sa isang luxurious yacht. tumingin uli ako kay sally. malungkot itong naka tingin sakin.

"ang alam ng pamilya ko matagal na kaming may relasyon ni ishii at itinago lang namin yun. hayaan nalang nating isipin nila na dahil sa pagmamahal kaya kami magpapakasal."

tok! tok! tok!

ma'am nandyan na po ung limo.

lumabas na kami ni sally para pumunta ng simbahan. hindi ako mapakali habang nasa byahe hanggang makarating kami.

"best basta tandaan mo ha? pagnagbago ang isip mo tumango ka lang sakin at itatakbo kita palabas ng simbahan" nakangiting sabi nito.

"sira ka talaga wala ng atrasan to" ngumiti ito at na una ng lumabas ng limo. naiwan ako sa loob at nag-ipon ng lakas ng loob.

"ok i can do this for the sake of my family."

bumaba na ko sa limo. agad tumugtog ang here comes the bride galing sa mga violinists at nagsimula na kong maglakad sa red carpet na naka hatag sa sahig.

agad kong napansin ang magarbong pagkaka ayos ng paligid. parang kasal ng prinsesa ang magaganap sa pagkaka setup ng buong simbahan. pati ang mga bisita ay naka suot ng pang royal family . indeed my dream wedding. lumapit ang dad ko sakin para ihatid ako kay ishii na naghihintay sa altar. habang naglalakad kami nagsalita ito.

"im so happy you found your own princess charming my princess. although i have to admit that i expected a prince to sweep you off your feet" nakangiti at maluha luha nitong sabi.

"me too dad..." naiiyak narin ako alam ko kasing niloloko ko ang lahat ng taong nagmamahal sakin pati narin ang sarili ko. nakita ko si mom na umiiyak si kuya naman ay naka ngiti sakin.

napahawak ako ng mabuti kay dad nung makita ko na si ishii na naghihintay sa harap ng altar. naka suot ito ng white gown at naka hantad ang makinis at maputi nitong balikat. napaka ganda nya talaga. kahit mas simple ang suot nyang gown. hindi ko pa ito nakitang ngumiti sa 3 weeks na pagaayos namin ng wedding.

nahinto kami sa paglalakad nung nasa tapat na kami ni ishii. naka tingin lang ito ng diretso sakin. hindi ko alam kung paghanga ba ang nakita ko sa mga mata nya agad kasi itong nawala. american pastor ang nagkasal samin.

at nung marinig ko ang salitang "you may now kiss the bride" lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

hinawakan ni ishii ang chin ko at itinaas. nung magsalubong kami ng tingin para na naman akong naging tuod at di maka galaw. napatitig ako sa mapupula at nakaka akit nyang labi. habang papalapit ang muka nya sakin ay papalakas ng papalakas ang tibok ng puso ko.

binigyan nya ako ng matamis at malalim na halik. nakalimutan ko na nasa simbahan nga pala kami at pati ang mga taong nanonood samin gumaganti ako sa bawat galaw ng labi nya. nilambitin ko pa ang dalawang braso ko sa batok nya para mas lumalim ang halikan namin.

muntik ko ng ipasok ang dila ko sa loob ng bibig nya ng biglang magpalakpakan ang mga tao. tila bumalik ako sa realidad at agad bumitiw sa kanya. nahiya ako sa mga pinaggagawa ko kaya nag iwas ako ng tingin sa kanya hanggang sa reception.



natapos na ang kasal namin ni ishii. limampung tao lang ang bisita. sa limampu nayon pitong tao lang ang bisita ni ishii. wala na kasi itong magulang at wala ring kapatid. naging maayos naman ang lahat.

masaya ang parents ko para sakin. ang akala talaga nila inlove kami sa isat isa. hindi nila alam 2 taon lang tatagal ang kasal na ito.

pinaliwanag na ni ishii sakin ang mangyayari. 2 taon kami magsasama. 1 year pretending that were a happily married couple para hindi maapektuhan ang image nya sa mga business partners nya. then 1 year para sa process na ipagbuntis ko ang anak namin through in vitro fertilization. egg cells nya ang gagamitin pero hahanap pa sya suitable donor ng sperm. pinatingin nya ko sa doctor kung capable ba akong mag dalang tao.

alam kong pwede naman syang kumuha ng surrogate mother para dalhin ang anak nya. o kaya sya mismo pero hindi ko nalang sinabi ang nasa isip ko. para kasing may iba pa syang dahilan sa mga ginagawa nya. hindi ko alam kung pera lang ba talaga ang utang ng pamilya ko sa kanya.

Ich Liebe Dich (gxg)Where stories live. Discover now