15 The other woman?

3K 121 11
                                    

Charlotte

Pagkatapos ng mga nangyaring kapalpakan ko sa pagsubok na akitin si ishii tatlong araw na syang hindi umuuwi. gusto ko sanang puntahan sya sa company nya kaso sa dami nun hindi ko alam kung saan sya naroon. konti lang kasi ung nakakaalam kung saan sya dahil ayaw nyang mahagip ng media. hindi naman ako naglilibot sa hacienda kasi sya ung gusto kong kasama pag ginawa ko yun kaya naisipan kong makipag bonding muna sa mga friends ko.

Nandito ako kasama si sally sa bahay nila erin at kelly ikwinento ko na sa kanila ang tungkol samin ni ishii as in lahat-lahat at ok lang naman ang mga ito pwera dun sa arrangement namin. saka ko nalang daw ikwento kay sherlynn at david ung totoo para safe. at ngayon pinag-uusapan namin ang maaaring dahilan ng hindi pagpapakita ni ishii sakin sa loob ng ilang araw.



"so ang ibig mong sabihin hindi mo sya nakakausap kahit sa phone manlang?" tanong sakin ni erin matapos kong ikwento lahat-lahat. nasa loob kami ngayon ng kwarto nya naka upo kaming dalawa sa kama at si sally naman lumipat at ngayoy sinisiksik si kelly sa loveseat.

"oo..." nanghihhinang sagot ko dito

"asa..." pabulong naman na sabi ni sally pero narinig ko parin binigyan ko lang ito ng isang matalim na irap.

"hmmm sa tingin ko baka busy lang talaga yung tao malay mo mamaya pag-uwi mo nandun na sya naghihintay sa bahay nyo." supportive naman na pagkakasabi uli ni erin habang si kelly tahimik na nakikinig lang minsan lang ito magsalita pero diresto walang pasikot sikot.

"ako sa tingin ko ahhh sa tingin ko lang naman... palagay ko nasa kandungan na ng ibang eva yun kung saan hindi manganganib ang buhay nya..." nakangising sabi ni sally.

sally pwede ba pinapalakas ko nga ang loob nitong si cha eh...

oh...sorry ha? kasi feeling ko pinapa-asa mo lang sya eh...

sigurado ka ba talagang bestfriend mo tong babaeng to cha?

"ikaw sigurado kabang kambal mo tong si kelly? kasi muka kang kambal sa umay eh!" palaban na sagot uli ni sally.

aba't! ang yabang mong chopstick ka ah!

oh talaga?! hiyang hiya naman ako sa kawayan mong peg! ano kelan ka pwedeng gawing bakod?

"ikaw!" may galit na na bigkas ni erin actually magkamukang magkamuka tong si erin at kelly mestisa ang mga ito maganda ang muka at pang model ang katawan yun nga lang mas maganda ang built ng katawan ni kelly nag tataekwondo kasi to.

"tamo wala kang maisagot hmp!" pangasar uli ni sally

seriously sally kung hindi lang ako pinalaki ng tama ng magulang ko im going to give u the finger right now!

"ohhh?! ikaw erin ahhh... hindi mo naman sinasabi na may pagnanasa ka pala sakin... pero sorry ka kung may isang taong papayagan kong puminger sakin si kelly my labs ko lang yun!" sabay kapit nito ng mahigpit kay kelly na kanina pa tinatanggal ang parang tukong si sally ewan ko ba dito sa babaeng to masyadong lalakero pero ang landi-landi pagdating kay kelly.

"yuck ka talagang babae ka! para namang gusto kong ilapit sayo ang kahit isang finger ko! kung gagawin ko yun ay para ipantusok dyan tonsils mo para manahimik ka! at pwede ba lubayan mo yang kambal ko!mamaya matetano mo pa yan!"

"hindi ko alam na may pagka-kinky ka pala at wag ka ng magkaila rin-rin! baka pag natikman moko sabihin mo finger licking good!"tatawa-tawang sabi ni sally grabe talaga tong babaeng to higad lang ang idol!

"magsi tigil nga kayo! fingeran kayo ng fingeran seryoso ang problema ni cha! idi-divorce na sya ng asawa nya!" seryosong sabi ni kelly.

"ah kels... pwede bang wag mong ilakas ang boses mo ang seryoso mo kasing magsalita eh... mamaya may makarinig sayo sabihin pa may foursome nanagaganap dito." mahinahong sabi ni erin

"at tsaka hindi naman ako ididivorce ni ishii diba best?" nagmamakaawang tanong ko kay sally.

"let's hope best..." seryosong sabi naman nito.

"ha?!" naiiyak kong sabi dito

joke! best naman oa! gagawin ka pa nyang paanakan noh! so hindi pa sa ngayon!

waaahh! mamaaaaa! mamaaaa ko!!!!

"hoy sally magtigil ka nga! pinapaiyak mo sya alam mo namang nana yan eh!" grabe talaga tong si kelly hindi ko alam minsan kung pinagtatanggol nya ko o ano!

. . . . . . .


At dahil sa muntik ng sumabog ang bahay ng mag-asawang engineer na magulang ng kambal dahil sa paga-away nila erin at sally napag-pasyahan naming pumunta nalang sa mall. naglalakad-lakad kami sa mall ng pagdaan namin sa miss J cafe may nakita akong isang pamilyar na pigura na naka upo sa loob ng cafe kahit na nasulyapan ko lang ito at may kalayuan sakin nakilala ito ng puso ko kasi agad itong kumabog ng malakas na parang nakita ang crush nya! tinitigan ko pa itong mabuti at..... hindi talaga ako nagkamali! si ishii nga! kaso may kasama itong babae na hindi ko masyadong makita dahil nakatalikod ito sakin.

"oh best gusto mo ba dyang kumain?" tanong sakin ni sally ng makita nyang huminto ako sa paglalakad

"ha? hindi best ano kasi..." lumapit naman ito sakin at tumingin sa direkyon na tinitignan ko ilang sandali pa itong nakatingin hihilahin ko na sana sya paalis kaso namukaan na nya si ishii....

"oh diba si hot wifey mo yun! sino ung kasama nya?" ng marinig yun ng kambal agad lumapit ang mga ito.

"nasan-nasan ung ishii nayan?" tanong agad ni erin si kelly naman naka tingin lang

"ayun oh!" turo naman ni sally sa loob ng cafe

tara pasok tayo sa loob gusto ko syang makilala

"ah.. rin wag muna ngayon mukang busy sya sa meeting" sabi ko dito

"muka bang meeting yan? eh kung maka haplos sa kamay nya ung babae e mukang getting to know each other yan eh!" sabat uli ni sally

"hindi... hindi sally..." nanginginig ang boses na sagot ko dito

"owssss sige best deny pa more!" pang-asar na sabi uli ni sally.


nagtatalo na naman sila ni erin ng makita ko si kelly na pumasok na pala sa loob at papalapit ito sa mesa nila...ishii???? agad akong tumakbo papasok sa loob.....

Ich Liebe Dich (gxg)Where stories live. Discover now