38 Alex

2.2K 124 31
                                    

Charlotte

"u mean yung ate mo lang ang lagi mong kasama?" tanong ko kay Ishii.

tumango naman sya at parang inaalala ung mga panahong kasama nya pa ang kanyang kapatid.

"oo. sya lang halos ang nagpalaki sakin ng mamatay si mom. sobrang bait nya maalalahanin at lagi nyang sinasabi na ako ang mundo nya" nakangiting kwento nito.

"kung ok lang... pwedeng malaman kung anong... ikinamatay nya?" parang biglang tumigas ang kanyang anyo ng sabihin ko yun. "hindi mo naman kailangang sag---"

"no it's ok... she died in a car accident'"

"i'm sorry..."

"it's not ur fault." tumingin ito sakin sabay himas ng aking pisngi gamit ang likod ng palad nya.

hinawakan ko naman ang kamay nya at sinalubong ang mga mata nya.

"Ich Liebe Dich Meine Frau" bigkas nito na hindi ko naman alam ang ibig sabihin.

"hindi ko pa nga alam ang isinulat mo sa card tapos ngayon tsina-chinese mo na naman ako!" napahalakhak ito sa sinabi ko.

"actually it's german"

"at anong ibig sabihin naman nun aber?"

"hmn... suhulan mo ko para malaman mo"

"ng ano?" bumulong naman ito sa tenga ko.

pabiro ko syang itinulak dahil sa kahalayan nya. hinuli nya ang kamay ko at binigyan ito ng halik na ikinangiti ko naman.

"bihis na muna tayo sa bahay at iikot tayo sa buong hacienda"

"ngayon?"

"kung gusto mo"

"gusto ko! matagal ko ng gustong umikot dito kaya lang hindi mo naman ako na sasamahan"

"kung ganon tara na!" aya nito pero bago kami lumakad paalis ay nagpaalam muna kami sa puntod ng ate nya.

. . . .

"bilis babe pakikilala kita sa lahat ng mga trabahador sa hacienda!" excited na tili nito.

agad ko namang hinagod ang suot kong palda para iunat ito at sinuklay ng kamay ang aking buhok.

palapit kami ngayon sa mga mahahabang kawayan na lamesa na nakahilera kung saan kumakain ang mga kalalakihan at kababaihang nagtatrabaho sa hacienda.

agad silang tumingin sa direksyon namin ni Ishii ng marinig nila ang aming pagdating.

nagsitigil kumain ang mga ito at akma sanang magsisitayo ng senyasan sila ni Ishii na wag na.

nakangiti ang mga ito sa amin at kumaway.

"mam Alex!" nakangiting bati ng matandang lalaki na sumalubong samin.

hinubad pa nito ang suot na balanggot at binigyan kami ng matamis na ngiti na sya sigurong ikinabungi nito.

"mang Tasyo kamusta po kayo dito"

"ayos na ayos po mam Alex! buti po at napadalaw kayo? ang tagal nyo pong hindi na gawi sa bahaging ito ng hacienda ah"

"oo nga po. pagpasensyahan nyo na at medyo busy"

"ok lang po yun mam... sa dami ba naman ng iniwang responsibilidad sa inyo ng inyong ama naiintindihan namin kayo"

"salamat po at kamusta nga po pala si Andromeda?"

"maayos po ang kundisyon at miss na po kayo"

"miss ko na rin sya" napasimangot ako ng marinig ko ang sagot ni Ishii na yun.

Ich Liebe Dich (gxg)Where stories live. Discover now