41 Pain of betrayal

2.4K 126 40
                                    

sa mga erors bahala na!

☆¤=============¤☆
☆¤========¤☆

3rd person's pov

"hello babe!" masiglang bati ni Ishii sa kadadating lang na si Charlotte sa kanyang opisina.

naka suot ito ng school uniform at may dalang bag. tumayo sya sa swivel chair at sinalubong ito ng mahigpit na yakap.

"natanggap ko kanina ung flowers na pina-deliver mo ang ganda-ganda" nakangiting imporma nya sa asawa.

"kinilig naman ako dahil unang beses mo ko binigyan nun. ang sweet-sweet talaga ng babe ko..." hahalikan nya sana ito sa labi ng iniiwas nito ang sarili.

"babe...?" wala itong imik.

umatras sya ng konti mula sa pagkaka yakap kay Charlotte.

"may problema ba?" nag-aalalang tanong nya dito.

siniyasat nya ang reaksyon ng asawa at napansin ang seryoso nitong muka at madilim na aura.

galit na itinapon nito ang hawak na  bag at binigyan sya ng blangkong ekspresyon.

bigla syang kinabahan sa inasal nito dahil lagi itong nagbibigay sa kanya ng matamis na ngiti tuwing makikita sya kabaligtaran sa ikinikilos nito ngayon. 

may dinukot si Charlotte na kung ano sa bulsa sabay hagis sa sahig.

"anong...?" sinundan nya ng tingin ang bagay na ito na gumulong sa sahig at huminto sa paanan nya.

ung wedding ring na inakala nyang nawala na. 

"kelan pa?" tila nanghihinang bigkas nito.

"babe..."

"kelan pa Ishii...kelan mo pa ko pinagmumukang gag*!"

"a-anong pinag sasabi mo?"

"alam mo kung anong sinasabi ko! wag kang magtanga-tangahan!" sigaw nito sabay tapon sa kanya ng hawak nitong usb.

napayuko naman sya sa hiyang naramdaman ng mapagtanto kung ano ang ibig nitong sabihin.

alam nyang ginawa na ni Kathleen ang ipinanakot nito sa kanya.

tumingin sya sa asawa.

nagpapahid na ito ng masaganang luha na walang patid na naglalandas sa magkabila nitong pisngi.

lalo syang na-guilty pagka't sya ang dahilan ng mga ito.

"i'm sorry... babe hindi ko sinasadya..." ngumiti ito sa kanya ng mapakla at tinitigan sya ng matalim.

"hindi mo sinasadya? alin dun? ung pag-alis mo ng damit nya? ung pagtanggal mo ng panty at bra nya? ung pag patong at pag pwesto mo sa nakabuka nyang mga binti?"

"Babe..."

"Oh... wait... baka ung sunod-sunod mong pag-ungol habang ginagawa nyo ung kawalangyaan nyo! ano?! alin dun ang hindi mo sinasadya? bakit hindi ba sya masarap?!"

"hayaan mo muna kong magpaliwanag..."

"ginagawa naman natin yun diba? bakit hindi pa ba ko sapat at kailangan mo pang maghanap sa iba?"

"babe hindi ganun yun. sapat ka na sakin"

"talaga...? bakit pala nagawa mo yun sakin? sa araw pa talaga na iniwan mo kong mukang tanga sa dapat ay first date natin? hindi mo ba naisip na hinihintay kita nun habang nagpapakasasa ka pala sa kama ng babaeng yun?"

"magulo ang isipan ko nun..."

"bulls*it! sa tingin mo tatanggapin ko ang dahilan mong yan?"

"alam kong hindi sapat na rason yun. walang sapat na rason para pagtaksilan kita. dapat kinausap kita imbis na nagpadala sa nararamdaman ko"

"ano bang mga bagay ang itinatago mo pa sakin huh Ishii?" hindi nya yun masagot dahil hindi pa ito ang tamang panahon.

mas magiging kumplikado ang lahat kung sasabihin nya na kapatid nito ang kanyang ate.

"bakit hindi mo sinabi sakin na ex fiancée mo pala si Kathleen? mahal mo pa ba sya?"

"wala na syang halaga sakin kaya kinalimutan ko na kung anong meron kami. ikaw na ang mahal ko ngayon at ayun ang importante. ikaw ang nagpapasaya at nagbigay ng sigla sa buhay ko... pls. maniwala ka..."

"hindi ko alam kung dapat pa kitang paniwalaan matapos ng ginawa mo. mahal kita Ish mahal na mahal at sobrang sakit na makita ung taong mahal mo na pinagtataksilan ka. sobrang sakit..."

"lahat gagawin ko mapatawad mo lang ako. pls. babe..."

"sabihin mo sakin na hindi ikaw ung nasa video. sabihin mong hindi ikaw yun at maniniwala ako sayo. hindi mo yun magagawa sakin diba?" hindi sya nakasagot sa hinihiling na iyon ng asawa.

"sabihin mo! hindi ikaw yun di ba? nagsisinungaling si Kathleen diba? gawa-gawa nya lang yun... diba? pls. Ishii..." pakiusap nito habang hindi na mapigil ang pag-iyak.

"i-im sorry..." tanging sagot nya dito at hindi naring napigilang umiyak.

*PAK!* 

isang malakas na sampal na nagpapanting sa tenga nya ang iginawad nito.  

"sorry?! hindi sapat ang sorry mo!"

"pinagsisisihan ko na ung mga nagawa kong yun maniwala ka. napaka tanga ko para gawin yun sayo"

"bakit hindi mo sakin sinabi agad?"

"natakot ako. natakot ako na baka pag nalaman mo ung totoo ay biglang magbago ung pagtingin mo sakin. na baka masira kung ano man ang meron tayo ngayon"

"sa tingin mo ba hindi yun nasira nung araw na pinagtaksilan mo ko?"

"babe..."

"wag mo kong matawag tawag na babe!"

"babe i'm sorry..." hingi parin nya dito ng tawad.

hahawakan sana nya ito sa balikat pero umatras itong palayo sa kanya.

"wag na wag mo kong hahawakan! nandidiri ako sayo!" sigaw nito.

"Charlotte pls. hayaan mo naman akong magpaliwanag. mahal kita---"

"F*ck you! hindi mo magagawa sakin yun kung mahal mo ko kaya wag na wag mong sasabihin yan!"

"ayun ung totoo! mahal kita at pinagsisisihan ko ung mga mali kong nagawa sayo. gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako" galit na kinuha nito ang bag nya at lalabas na sana ng pinto ng yumakap sya sa likuran nito.

"pls... pag-usapan natin to" pagsusumamo nya sa asawa.

hinawakan nito ang magkabila nyang brasong nakayakap at pwersahan itong binaklas.

"ayoko munang makita ang pagmumuka mo. kung ano man ang dahilan na meron ka sa ginawa mong yun tandaan mo hindi yun sapat para sirain mo ang pangako nating binitawan sa harap ng altar na magiging matapat tayo sa isa't-isa" matapos sabihin yun ay tuluyan na itong lumabas at binagsak ang pinto.

ano bang katangahan itong nagawa nya?

☆¤=================¤☆
☆¤==========¤☆

wala talagang 4-ever!  💔

Nyahahahaha 😂😂😂

Fish tayo...😙😘😚

Ich Liebe Dich (gxg)Where stories live. Discover now