HGG [1]

722K 6.8K 1.1K
                                    

Author's Note.
EDIT: 6/02/15
This is a work of mine when I was the age of 13 so I apologize for any mistakes, grammatical and typo errors, and the lame plot. I don't plan on editing this story because of my reason that I want to see myself grow. Nosebleed much haha. Anyway, gusto ko lang po makita ang improvement ko so wala po talaga akong planong i-edit ito. Paumanhin na lamang po sa mga nagbasa, nagbabasa at magbabasa :)

Prologue

Meet Janine Park, the leader of the strongest girl gang in the Gangster World. But somehow, someone wanted them DEAD.

They hid in the small part of Philippines where she knew they won't be found. They hid their identities and tried to live a normal schoolgirl's life. Boring and plain.

But she was surprised to find out the strongest gang in the Philippines is studying in her school. Their gang was missing a QUEEN and immediately, she participated. But was even more surprised when she found out that the infamous GANGSTER KING is a member of that gang.

A KING AND A QUEEN? Will they accept the challenges they would have to face together and rule the GANGSTER WORLD?

Chapter 1

"Watch out First! We've been spotted!" mahinang sigaw ni Second sa akin.

Sumenyas na lang ako na magtago sila habang ako naman ay sumandal sa punong pinagtataguan ko habang hinahawakan ng mahigpit ang isang mahabang kadena.

Napabuntong-hininga ako. Nakakapagod pala to. Sila ba, hindi napapagod?

Hinahabol muli kami ng mga 'assassins'.

Lumabas lang kami mula sa bahay namin para magpahangin pero ang dapat na sandaling pagpapahangin namin sa labas ay nauwi sa isang mahabang laro ng tagu-taguan.

Napasilip ako at may nakitang assassin na palinga-linga sa paligid. May hawak itong katana.

Mukhang na-sense ako ng assassin na ito dahil bigla siyang lumapit sa puno kung saan ako nagtatago. Paikot-ikot pa ang tingin nito na para bang nag-aalinlangan siyang lumapit.

Pero sa huli ay pinagpasyahan niyang lumapit. Nang sumilip siya sa may likod ng puno ay agad ko siyang sinalubong ng suntok sa mukha.

Napaatras naman siya dahil sa impact ng suntok ko. Hinawakan niya ang katana niya and swung it at me.

Umilag naman ako bago ipulupot ang kadena sa katana niya at sikmurain siya dahilan para mabitawan niya ang katana.

Hinawakan ko ang katana ng mahigpit sa hawakan nito at tinutok sa assassin na nakahiga sa sahig.

Sa takot ay tumayo na siya at tumakbo palayo. Napangiti ako. Finally!

Napatingin naman ako kina Second at nakitang knock-out yung ibang assassins. Nako, ang brutal talaga kahit kailan.

Nag-thumbs up siya sa akin at winagayway ko lang ang kamay ko sa kanya. Hay.. makauwi na nga. Kapagod tong araw na to.

***

Napatingin ako sa bintana ng bahay namin. Lock na namin kasi ang bahay kasi inutusan ko ang mama ko na i-lock ito.

Medyo mataas yung bintanang aakyatin ko pero sanay na rin naman ako.

Bumwelo ako mula sa sahig at tumalon tsaka kumapit sa may bintana. Dahan-dahan kong binuksan ang bintana at lumusot mula sa butas.

Pagkapasok ko ng bahay ay isinarado ko na ang bintana at bumuntong-hininga. Pinagpag ko ang damit ko at lumabas na ng kwarto kung saan ako pumasok.

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon