HGG [18]

161K 2.9K 110
                                    

Chapter 18

Janine's POV

"Ang cute ni First matulog~"

"Insan~!!"

"Waaaaah! Wag mong gisingin!!"

"Gisingin niyo na! Male-late na tayo!!"

"Diba laban niya ngayoon??"

"O-em! Makikita ulit natin si First in action!"

"Makikita ko si insan in action!"

"Waaaaaaaaah~ Pano kaya lumaban si Queen??"

"Ang ingay niyo! Pwede ba?!" sigaw ko sa kanilang lahat. Napadilat ako ng mata. Hmm? Bakit andito silang lahat sa kwarto ko? Pati si Riza andito din?

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanila. Walang akong pake kung may muta-muta pa ako sa mata o may panis na laway. Magiging cute naman ulit ako mamaya eh.

"Hehe! Wala lang! Tambay lang. " sabi ni insan.

"Bes! 9:00 na! Malapit na mag-lunch! Malapit na laban mooo!!" biglang sabat ni bes.

Napalaki mata ko. Ampotek! 9 na?! "Bakit di niyo ko ginising?!!?" sigaw ko sabay tayo at pumuntang banyo.

Anak ng kalabaw naman oh. May pasok pa ngayon ah?

Binilisan kong maligo at magbihis ng uniform. Pero syempre, wala na sila sa kwarto ko nun.

Tss.. mga walangya talaga. Nagawa pa talaga nilang tumambay sa kwarto ko eh.

Bumaba na ako at nakita ko silang lahat na prenteng-prente na nakaupo sa sofa at nanonood ng t.v.

"HOY! MAY PASOK PA TAYO!" sigaw ko.

"Ang ingay mo bes! Shh ka lang!" suway sa akin ni bes. Yung totoo? May pakielam ba sila kung may pasok ngayon?

"Bat ganyan ang suot mo?" tanong sa akin ni Lindsey.

"Duh! Kasi papasok ako sa school?" sagot ko.

"Magpalit ka na lang ng P.E uniform natin Queen!" sabat ni Riza.

"Bakit ba?" naguguluhang tanong ko.

"Duh! Laban mo ngayon tapos nakapalda ka? Shunga lang?" sabi ni Lindsey.

Tinanggal ko ang isa kong sapatos at binato kay Lindsey. Nakailag naman siya pero malas lang at natamaan ang kakambal niyang si Ruth.

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon