S.C [1]

168K 2.8K 81
                                    

Special Chapter 1- Riza's Special Chapter

[Next day na po ito, yung dumating na yung pinsan ni cutie ;)]

Riza's POV

"Kyaaaah! Dumating na si King and Queen!!" fangirl1

"There perfect for each other!! Isang maganda at isang gwapo!!" fangirl2

"Eww! Ang panget ni Queen eh!" etchuserang froglet1

"IKR. Mas maganda pa tayo kaysa sa kanila right?" etchuserang froglet2

"Girls! Sugurin ang mga etchuserang froglets!!!" fangirl1

Andito na daw si Queen? Nakangiting tumayo ako sa upuan ko at itinabi ang librong binabasa ko.

Pagkalabas ko ng pinto ay may biglang humila sa buhok ko at tinapunan ako sa mukha ng..orange juice.

"Yan! Yan ang nababagay sayo! Wag na wag ka ng didikit sa Queen!"

"Tama! Mahiya ka nga! Ipinagsisiksikan mo ang sarili mo sa mga magaganda! Akala mo gaganda ka rin? Hinde! Mas lalo kang pumapanget!"

"Pag nakita ka pa namin na lumalapit sa Queen, lagot ka samin Nerd!"

At umalis na ang tatlong babaeng nasa harapan ko. 

Hindi ko mapigilang mapaluha. Ipinagsisiksikan ko nga ba ang sarili ko kayna Queen? Ayaw ba nila sakin? Nandidiri rin ba sila sa akin?

Pinunasan ko ang luha ko at dumiretso na lang sa locker room. Kailangan kong magpalit ng damit.

Natandaan ko tuloy nang binasa ako ni Queen. Sabi niya hindi daw niya sinasadya. Hindi nga ba?

Pagdating ko doon ay binuksan ko na ang locker ko. Sinalubong agad ako ng mabahong amoy. Pagtingin ko sa loob ng locker ko ay.. may patay na daga na nakalagay dito.

"Hahahaha!! Tamang-tama para sayo! Para hindi ka lang magmukhang daga! Mag-amoy daga ka rin!" 

At patuloy sila sa tawanan nila. 

Sinarado ko ang locker ko at umalis na sa locker room. Buset na luhang to. Hindi ko na napigilan ang pag-agos nito mula sa mata ko. 

Humagulgol ako sa isang tabi. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga tao. Kailangan kong ilabas ang nararamdaman ko. 

Eto ang dahilan. Eto ang dahilan kung bakit gusto kong maging gangster gaya ni Queen. Para maipagtanggol ko ang sarili ko. Para hindi na nila ako saktan. Ayoko na, ayoko ng masaktan, either physically or emotionally. Parehas kasi na masakit eh.

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon