HGG [27]

152K 2.5K 173
                                    

Chapter 27

Janine's POV

"Hi Ellaine, Crisha, Andrea, Riley, Paris, Lindsey at Ruth!" bati ni Dixon sa mga kasama ko. Ngumiti naman sila ng pilit.

"Sweetheart..kilala mo ba yan? Sino siya?" tanong ni Prince kay bes.

"Hindi ka ba nakikinig? Sabi niya, siya daw si Dixon Chang, childhood bestfriend ni bes" sagot naman ni bes.

"JANINE!"

Nanigas na naman ako. Bwiset. Bat kasama niya pa ang mga ito?

"E-eh..hi" sabi ko.

Niyakap ako ng tatlong dumating.

"Sabi na nga ba at nandito ka sa Pilipinas! Akalain mong tama yung internet?" sabi ni Jean. Babae po siya at isa siya sa mga kasama ni Dixon ngayon.

"Hoy babae! Sa inyo kami tutuloy ngayon ha?" sabi naman ni Claire na isa rin sa mga kasama ni Dixon ngayon.

"Psh. Andito ka lang pala. Antagal ka na naming hinahanap" sabi naman ni..err.. ni Grey na isa rin sa mga kasama ni Dixon.

"HOY MGA TAO! Pwede mamaya na yung yakapan? Nasa gitna kayo ng kalsada oh!" sigaw ni bes.

Ako naman ay biglang yumuko at umangkas sa motor ko. "Uwi na tayo" sabi ko sabay pinaharurot ito palayo. Ewan ko kung nakasunod sila sa akin o hinde. Bahala sila diyan.

Ang apat na baliw na iyon ay mga close friends ko rin. Mga gangsters rin sila, syempre. Si Riza lang talaga ang kaibigan ko na hindi gangster.

Close kaming lahat (sila at ang DCG) at sila minsan ang tumutulong sa amin kapag may gangster problem. Like nung wanted nga kami. Sila ang nag-suggest sa akin na magtago sa ibang bansa. Pero hindi ko nasabi sa kanila na sa Pilipinas kami magtatago.

Hindi ko na sinabi sa kanila dahil ayaw ko silang madamay sa gulong to. Kaso masyado talaga silang pakielamero eh! Nadagdagan tuloy ang problema ko.

Pero wag muna sila ang pag-usapan natin ngayon. Let's talk about the plan I made for Prince and bes!

Bukas na magi-start ang plano ko and I hope it works

****

Ellaine's POV

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanila. Walang sumunod kay bes pauwi. Nandito kaming lahat sa tabi para kausapin itong mga ugok na ito.

"Hinanap namin kayo" sagot ni Dixon. Hindi siya nakangiti ngayon. As in, seryosong-seryoso siya. Hindi alam ni bes ang ganitong side ng childhood bestfriend niya.

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Where stories live. Discover now