HGG [40]

142K 2.5K 281
                                    

Chapter 40

Janine's POV

Nagising ako sa sobrang lamig. Yung totoo? Nagi-snow na ata sa Pilipinas eh.

"Ne ne, ate Jan, hug me!" sigaw ng isang batang makulit sa akin. Mukhang nagising rin siya dahil sa sobrang lamig ah.

"Ang lamig naman. Umuulan ba?" inaantok na tanong ko. Binuksan ko na ang mga mata ko at nagulat nang nakitang naka-on ang aircon.

Biglang nag-init ang ulo ko habang hinuhulaan ko sino ang taong nagbukas ng aircon habang natutulog kami. Langya talaga.

Wala akong nagawa kundi tumayo para patayin ito. May narinig naman akong humahagikgik sa may pintuan. Mukhang alam ko na kung sino ah.

"Hoy Charles. Lumabas ka nga diyan. Ikaw ang may pakana neto noh?" asar na tanong ko sa kanya. Lumabas nga siya sa pinagtataguan niya at binelatan ako. Tapos ay nagtatakbong lumabas ng kwarto.

Bigla namang pumasok sa kwarto si King na bagong ligo at kasalukuyang sinusuot ang kanyang polo. Gulp.. ano ba namang scene to.

Dali-dali akong tumakbo palabas ng kwarto at papunta sa cr. Nakakagulat nga dahil handa na ang mga isusuot ko para ngayon. Saan naman nakakuha si King ng uniform na pangbabae?

Pagkatapos maligo (nagtagal pa ako dahil sinisinghot ko pa ang amoy ni King sa banyo) ay mabilis akong nakapagbihis at sabay kami ni King na umalis ng condo niya.

Nyahaha.. kinikilig talaga ako. Iniisip ko ang sarili ko na inaayos ang necktie ni King at nag-goodbye kiss sa kanya at sa mga anak namin bago siya umalis para sa trabaho niya.

Waaaaah! Keleg mats!

Naramdaman ko na lang na may pumipisil ng pisngi ko. Inalis ko ang kamay niya at nakasimangot na tumingin sa kanya.

"Problem? Nagmumukha kang tanga kakangiti dyan" sabi niya sa akin.

"Wala po, Wang" sagot ko sabay smile. Napansin ko naman ang pamumula niya. Ang kyot!

Naisipan ko bigla na asarin siya kaya hinawakan ko ang kamay niya. Nagtataka siyang tumingin sa akin pero nginitian ko lang ulit siya at sumandal sa balikat niya.

"Hey yeowang"

"Hmm?"

"N-nothing"

Ano bang meron kay King ngayon? Mukhang may gustong sabihin sa akin kaso hindi niya masabi.

Nagkibit-balikat na lamang ako at sabay kaming naglakad. BIRUIN MO YON. Nilakad namin ang mula sa condo niya hanggang sa eskwelahan! Mukhang nakalimutan niyang mag-motor eh.

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon