HGG [53] The last chapter

126K 2.4K 288
                                    

Chapter 53

Ellaine's POV 

"Hahahaha! Oo nga eh!! Naalala ko pa yun!" natatawang sabi ni Lindsey.

Andito kami sa bonfire, nagkwe-kwentuhan. At pinapaalala sa isa't isa ang mga kashungaang ginawa namen -_-

"Nung.. hinahanap ni Ella yung cellphone niya tapos halos sirain na lahat ng gamit, nasa bulsa lang pala niya" sarkastikong sabi ni Riley.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin. Baket ba? Hindi lang naman ako ang may ganoong experience eh!

"Yung pinakauna nating makilala ang isa't isa ang pinaka-treasured na memory ko eh" nakangiting sabi ni Andrea.

Lahat kami ay nakatingin lang sa kanya. Pinakauna naming makilala ang isa't isa?

Sa Gangster World Arena kami nagkakilala lahat. It was the time when the G.W was recruiting new members.

And kaming dalawa ni Janine are in. May tatlong laban ka na kailangan mong ipanalo. Sa isa sa mga laban kong yun ay yung kambal, Lindsey and Ruth. 

 Sa kanilang dalawa ako nahirapan. Aba! 2 vs. 1 eh. Pero sa huli, nagawa ko namang talunin sila.

Mas naunang bumagsak si Lindsey kaysa kay Ruth nun. Si Ruth ang mas magaling lumaban sa kanilang dalawa.

"Tapos nung may nagbato ng banana peel doon sa stage, nadulas si Ruth -_-" pagkwe-kwento ko.

Bigla naman siyang sumimangot. "Madaya eh! Ako dapat ang panalo, hindi ikaw!"

Napatawa ako. "Ikaw lang talaga? Inaabandona mo na ang kakambal mo?" natatawang tanong ko.

Doon ko lang napansin si bes na papalapit sa amin. Ewan ko.. mukhang normal naman siya kaso.. may kakaiba eh.

"Okay ka lang bes?" naga-alalang tanong ko.

Ngumiti naman siya sa akin. "Oo naman bes! Kaso.. medyo masama pakiramdam ko eh. Pwede bang umuwi na muna ako?"

Nagdadalawang-isip na tumango ako sa kanya. "O sige bes. Ikaw na muna bahala dyan ah? Gusto ko lang muna umuwi" sabi nito. Her voice broke and that proves na may mali nga kay bes.

Baket? She was hurting again. Anong nangyare?

Pero hindi ko na siya pinigilan. Maybe she needed some time alone. Hahayaan ko muna siya.

Pinanood ko lang siyang sumakay sa van at maya-maya'y umalis na rin ito.

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon