HGG [16]

172K 2.9K 52
                                    

Chapter 16

Janine's POV

Lunch na namin!

"Hey guys. I heard may underground gang fights daw sila sa *toot* street. Gusto niyong pumunta?" sabi ni Lindsey habang nakaupo kami ulit dito sa garden.


"Lindsey. Anong parte ng 'normal na estudyante' ang hindi mo naiintindihan??" mahinahon na sabi ko habang may kagat-kagat na tuna sandwich.

"Edi..mag-disguise tayo! Dali na Jane! I missed gang fights " pagmamakaawa niya.

"Oo nga First!" sabi ni Ruth. Hindi ba talaga nila naiintindihan na ayaw ko pang mamatay?

"Anong sabi ko tungkol sa pagsasabi ng codenames?" tanong ko kay Ruth. Nag-peace sign na lamang sya.

"At ikaw naman Lindsey. Kailan pa naging Jane ang nickname ko?" tanong ko naman kay Lindsey habang nakataas ang kilay.

"Ngayon lang! Duh. Ang cute kaya! Kaysa sa name mo. Eww.. " maarte niyang sabi.

Tinignan ko siya ng masama. "Gusto mo nito?"

"Masarap ba yan? Pag masarap syempre gusto!"

"Bukas na ang laban mo Queen!" biglang sabat ni Riza.

Napabusangot ang mukha ko. "Bakit mo pinaalala? Nakakainis ka naman Riza eh!" sabi ko.

"Hehe! Officially Queen ka na kapag natalo mo silang lahat. Sa pagkakaalam ko eh kailangan mo lang naman silang matamaan" sabi ni Riza.

Tss.. bibigyan ko sila ng tig-iisang decoration sa mukha.

"Hay.. It won't be long till we will be found" out of the blue na sabi ni Paris. 

"Wag mo na ngang isipan yan! Tiwala lang. Hindi tayo mahahanap" sabi ko.

"So Jane..about the undeground gang fights?" nakangiting sabi ni Lindsey. Sinimangutan ko lang siya.

"NO." sabi ko. 

"Andaya! Dapat pala asa Korea pa tayo. Mas gusto ko pang makipaglaban dun" sabi ni Lindsey.

"Edi bumalik ka dun kung gusto mong mamatay" sabi ni Riley.

"Ikaw mauna, ikaw nakaisip eh" sabi naman pabalik ni Lindsey.

Habang nagbabangayan sila ay biglang dumating sina Ace, Prince, Jack at Joker.

"Sweetheart!!" sigaw ni Prince habang papunta kay bes. Si bes naman ay tumayo at nagpahabol kay Prince.

"Sweetheart! Tumigil ka nga!" sabi ni Prince.

"Ikaw ang tumigil! Wag mo kong habulin!" sabi naman ni bes.

"Eh tumatakbo ka eh! Wag kang tumakbo!" sabi ni Prince.

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon