HGG [10]

175K 3.1K 106
                                    

Chapter 10

Janine's POV

"Okay! Malapit na tayo sa offense attacks. May gusto lang akong i-try" sabi ko at naglabas ako ng panyo.

"Hala.. anong gagawin ni First?" tanong ni Lindsey

"Kakain ata? Tss! Common sense kambal! Malamang, magbla-blindfold!" sarkastikong sabi ni Ruth

"Hey! Don't you away away. Bad eh!" panunumbat ni Andrea

"Uggghhh!!" angal ni bes sa kaconyohan ni Andrea.

"Anong gagawin mo siyam?" nagtatakang tanong rin ni oppa

"Gusto ko lang i-try! Gusto kong malaman kung gumagana ang sense of hearing ko at sense of sensing. Sense of sensing? Meron ba nun? Bwahaha.. okey. Basta! Sumugod kayo! Susubukan ko lang kung mararamdaman ko ang bawat galaw niyo" sabi ko.

Eh bakit ba? Gusto ko lang naman talagang i-try eh

Sumugod nga sila pero ang problema, hindi ko maramdaman ang mga galaw nila. Naririnig ko lang. Tama. Kung susuntok sila, naririnig ko yung hangin. 

So far so good. Naiilagan ko naman sila kahit papano. Pero nahihirapan pa rin akong maramdaman ang mga galaw nila. Kailangan ko ng concentration

Nagulat ako ng maramdaman ko ang suntok. Haluuuu~ Nasuntok ako!

"Ay! Sorry siyam. Akala ko mararamdaman mo eh. Peace tayo." 

Boses ni oppa yun. Bakit siya nakisali sa training? Psh, nakakainis. Nasuntok tuloy ako

"Ambilis mo sumuntok oppa. Di ko na-feel. Lagot ka sakin kapag nagkapasa to" sabi ko. Pagkatapos ay sinenyasan ko sila na sumugod ulit.

Narinig ko naman ang mga yapak nila. Huminga ako ng malalim at nag-concentrate. Lumakas lalo ang pandinig ko.

Pinakiramdaman ko ang paligid at unti-unti ay nararamdaman ko na ang presensiya nila. Huwaw! Ang lalim ng tagalog. Taglish na nga lang! 

So ayun nga, naiilagan ko na lahat ng mga atake nila. Nang maramdaman ko ang bagong presensiya. Tss..si oppa siguro to.

Nailagan ko ang suntok niya at maya-maya ay siya na lang ang umaatake. Ang bilis!! Ano ba siya? Superhuman?

Pero kahit na mabilis ang mga atake niya ay nararamdaman ko naman kaya naiilagan ko o di kaya'y nasasalo ko. 

Hah! Improving na talaga aketch! I'm proud of myself!

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon