S.C [5]

96.5K 1.3K 35
                                    

Special Chapter 5 <Crisha and Joker's Special Chap>

Author's POV

Hi guys! Mukhang mahihirapan ako sa isang to ah? Paano ba kasi, tahimik naman ang dalawang to. Like, tahimik silang nagloloving-loving? Gosh! Haha. So eto, pagpasensyahan niyo na sa kabaliwan na naisip ko :P

***

Mag-isang naglilibot sa mall si Crisha Smith. Isa siyang tahimik na babae na gusto laging mapag-isa except sa mga times na kasama niya ang tinuturing niyang mga kaibigan.

Akala nila, masungit siya. Actually, mabait naman talaga siya..lalo na sa mga taong mabait sa kanya. Hindi lang siya sanay na magpakita lang ng mga emosyon niya.

Ibang klaseng babae si Crisha. Not only na isa siya sa mga malalakas na gangster, ay isa rin siyang heir sa isang organisasyon.

Ngunit hindi lang isang ordinaryong organisasyon ang tinutukoy ko dito. Isa itong organisasyon kung saan ang mga assasins sa iba't ibang mundo ay nagtitipon-tipon dito.

At alam na alam naman ng mga magulang niya na mortal na magkaaway ang mga assasins at gangsters.

Ngunit hindi siya pinakinggan ng mga ito. Pagkaabot niya sa taong 20 ay siya na ang mamamalagi ng organisasyong iyon, sa ayaw niya o sa hinde.

From: Ma

Crisha, I want you to go home tonight, just this once. Your dad and I have a surprise for you!

 

Nakataas-kilay na tinitigan ni Crisha ang kanyang cellphone. Hindi siya makapaniwala na tinext siya ng kanyang ina.

Nagtataka niyang tinitigan pa ang kanyang cellphone, na para bang hinihintay na may humabol na "Wrong send, honey." na galing sa kanyang ina ngunit walang dumating.

Napabuntong-hininga na lamang siya at itnago na ang kanyang cellphone. Pagkaangat na pagkaangat ng kanyang ulo ay napansin niya agad ang isang lalakeng kilalang-kilala niya.

Si Joker.

Nahpatuloy lang siyang maglakad sa mall na para bang walang nakita at nakahinga naman siya ng maluwag nang malaman niyang hindi rin siya nito nakita.

Dumiretso siya sa Starbucks upang bumili ng malamig na inumin at tumambay.

Napabuntong-hininga siya habang iniisip ang mga reaksyon nila Janine kapag nalamang nawawala na naman siya.

Mabilis niyang kinuha ang binili niya pati ang sukli at nagmamadaling lumabas ng Starbucks.

Ngunit sa pagmamadali niyang yon ay nakabangga niya ang taong kanina niya pa iniiwasan.

Pero imbwes na mag-sorry ay tinignan niya lang ng masama ang lalakeng ito habang nakapoker-face lang si Jett na nakatingin sa kanya.

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon