HGG [25]

155K 2.5K 58
                                    

Chapter 25- Wedding Reception

Janine's POV

Pagdating sa HIGANTENG bahay ni ate Maika ay bumaba na kaming lahat sa van. OA ko ba nung sinabi kong higante?

Eh kasi! Mas malaki pa sa bahay namin sa Korea yung bahay ni ate Maika eh! Edi siya na! Siya na talaga!

"Woah.. Ang laki" manghang sabi ni bes.

"IKR. Sarap siguro tumira diyan?" sabi naman ni Lindsey.

"Oy! Isarado niyo nga mga bibig niyo!" sita ko sa kanila. Ang OA talaga. Nakanganga ba naman?

"Tara na't pumasok! Tomguts na ko eh! Di kaya ako nag-breakfast" sabi ni Riza at nauna ng pumasok. Aba! Mas makapal pa pala fes ni Riza kesa samin.

Sumunod na rin kami kay Riza papasok sa HIGANTENG bahay.

Wala pang tao pagpasok namin doon. Ehh..scratch that. MAY tao na pala pagpasok namin doon. 

Nakita kong nag-aayos ng instruments sila insan sa isang gilid. OMO! Marunong sila? Bakit ngayon ko lang nalaman?

"Insan! Bat di mo sinabing kumakanta ka?" Siya kasi yung parang lead singer eh. Yung gangmates niya yung sa drums, guitar at piano. Siya rin may hawak na guitar.

"Bakit? Tinanong mo ba?" sarkastiko niyang sabi.

"Sabi ko nga. Pshh.. sunget" bulong ko. PMS ka ngayon insan?

"Maganda ba boses mo Zan-zan?" tanong sa kanya ni Riza.

"Syempre naman Riri! Ako pa!" nakangising pagmamayabang ni Insan.

"Ows? Totoo ba yan?" sarkastiko kong sabi. Narinig ko namang napatawa sila bes at pati na rin si Riza.

"Teka! Zan-zan? Riri? Anong klaseng tawagan yan?? Tss! Palitan niyo nga! Ang cheesy!" sabat ni Lindsey. Hala! Oo nga noh! Hindi ko napansin yung tawagan nila.

"Ayiiie~ Kayo na ba bebe Riza?" tanong ko. Namula naman siya tapos umiling. Asus! Lumalandi na ang dyosang pren ko! 

Tsaka naman dumating yung BRG. Ang tagal naman nung ibang tao.

"Hi Sweetheart! Gusto mong kumain?" tanong ni Prince kay bes. Um-oo naman si bes at nagpunta sila sa kabilang gilid kung saan nakalagay ang mga foods.

Napansin ko namang nanlumo si Insan. Hay nakow insan! Andyan naman si Riza ah! 

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon