HGG [49]

110K 1.9K 87
                                    

Chapter 49

Janine's POV

"P-princess"

Nagulat ako sa binanggit ni Prince.

"Princess? Ano bang pinagsasabi mo?" naguguluhang tanong ni Ciara ngunit bakas sa mukha nito na kinakabahan siya.

Lumambot ang mukha ni Prince.

"I-i'm sorry. I thought you we're someone...important" nanlulumong sabi ni Prince.

Napatingin naman siya sa akin. "Oh! Prince! Meet Ciara nga pala! Ang kaibigan ko!" pagpapakilala ko naman.

Mukhang nagulat si Prince sa sinabi ko ngunit inilahad niya naman ang kamay niya sa harapan ni Ciara. "Hi. Sorry kanina. I'm Devon"

Ngumiti ng matamis si Ciara. "O-okay lang yun, De..von. I'm Ciara" At kinuha ni Ciara ang nakalahad na kamay ni Prince.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Prince at marahas na pinagmasdan ang isang munting pulseras na suot-suot ni Ciara.

"B-bakit to nasayo?" gulat at takot ang ekspresyon sa mukha ni Prince.

Ngunit hindi nakasagot si Ciara. Mukhang natulala lang siya at luluha na.

Teka. Ano bang nangyayari??

"S-si Xavia lang ang meron nito. Bakit nasayo to?"

Umiiyak na si Ciara ngayon. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero may pakiramdam akong hindi maganda ang kalalabasan nito.

"Prince! Jan! Bat ba ang tagal niyo ha?? Alam mo bang pagod na pagod na a....ko."

Napalingon kaming lahat kay Jack na kakarating pa lang at nanlalaki ang mga mata nito.

"Princess!" gulat na sambit nito.

Napatingin ulit si Prince kay Ciara at tinitigan siya.

"Huy! Anong ginagawa niyo dito lahat?" natatawa pang sabi ni Ace ngunit tumigil rin siya ng masilayan niya si Ciara.

Kilala ba nila si Ciara? Bakit hindi ko to alam?

"C-ciara.. Kilala mo ba sila?" nanginginig na tanong ko.

May hinala na ako eh. Kaso.. ayaw kong paniwalaan ang natuklasan ko.

Umiling-iling si Ciara habang umiiyak. "H-hindi ko sila kilala" sabi nito at tatakas na sana ng hinigit siya ni Prince para sa isang mahigpit na yakap.

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon