HGG [45]

131K 2.2K 217
                                    

Chapter 45

 <Christmas Special>

Janine's POV

"Okay class. Ngayon na kayo magbubunutan para sa magiging exchange partner niyo for Christmas. Remember, you should keep it a secret para mas maging exciting! And isa pa, wag na kayong mag-iinarte sa mabubunot niyo ha!" sabi sa amin ng adviser namin bago maglibot-libot sa klase para makabunot kami.

.... I only wish for one thing. Obvious naman ata diba?

Sana si King ang mabunot ko! Hihihi..

Turn ko na para bumunot at tahimik akong nagdadasal sa isip ko na si King sana ang mabunot ko...

Nakakuha na ako ng papel at hindi ko alam na hindi pala ako humihinga nang bumubunot pa ako.

Napalalim tuloy ang buntong-hininga ko.

Napatingin ako sa papel na hawak ko. Nahugot na naman ang paghinga ko habang dahan-dahan kong binubuksan ang papel.

Sana si King. Maawa na kayo. Gusto ko siyang sorpresahin.

Dominic de Vera  [[A/N: Pa-special mention lang ang maganda kong classmate. Wushuu~ XD]]

Biglang napawi ang ngiti sa mukha ko. Ouch.

Baket?

Hindi na sila naawa sa akin.

Huhuhuhu.

Napayuko na lamang ako at tahimik na nagmukmok.

Maya-maya ay naramdaman ko na lang na may nangalabit sa akin. Napalingon ako sa kanya ngunit malungkot pa rin ang ekspresyon ng mukha ko.

Nakita kong natawa si bes sa mukha ko.

Grabe naman. Anong klaseng bespren to? Kung sapakin ko kaya?

"Pfftt.. wahahahaha! Anong mukha yan bes? Lugi ka ah?" pang-aasar niya sa akin.

Inisnab ko na lamang sia.

"Aba! Hindi lang nabunot si King ganyan na. Eto makipagpalit ka sakin. Mas maganda ang nabunot ko" nakangiting saad niya sa akin sabay abot ng papel niya.

"Tsk. Ayoko. Sigurado namang hindi si King yan......eh." Napalaki ang mata ko nang bigla niyang binuksan ang papel at ang pangalang KEIFER JARRET ang nakalagay doon.

Hinablot ko ang papel na nasa kamay niya at itinapon sa kanya ang papel na nabunot ko.

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Where stories live. Discover now