11. Chains and Clones

32.8K 1.4K 47
                                    

Hinagisan ako ng isang matulis na punyal ni Alec bago nagsalita. Bumuo ng nakakabinging ingay ang tumilapong punyal sa semento. "Move," narinig kong utos nito nang hablutin ko ang punyal kasabay ng pagsulpot ng siyam pang katulad nito sa kanyang harapan, "isang daplis sa bawat sampong Alec. Isang daplis lang at kusa nang mawawala ang bawat ako na masugatan o mapuruhan mo." He mentioned with his handsomely intimidating look.

Ito ang pangalawang beses na paghaharap namin ng lalaki. Sa pangalawang pagkakataon, nakaramdam ako ng takot para sa sarili ko. Hindi umuubra sa kanya ang controll chain ability ko dati. May kung anong malakas na pwersa na nagtataboy sa pinapagapang kong chain palapit sa sampo nitong clones noong huling nagkaharap kami.

Kailangan kong malaman kung anong kakayahan meron siya at nagagawa niyang labanan ang kakayahan ko. Kailangan kong malaman ang sikreto ng sampong clones nya.

Nakapwestong patrianggulo ang sampong Alec paharap saakin. Ganoon din ang formation nila no'ng araw na sinugod ni Pea ang lalaki. Isang Alec ang nasa harap at pinakadulo, nasa likod nito ang dalawa, kasunod ang tatlo at sa likuran o ang base ng triangular formation ang apat.

"Uhmp!" Isang pigil na impit ang kumawala saakin nang mabilis kong pagapangin ang aking controll chains palapit sa nasa harapang lalaki. Ilang saglit lang ang inabot no'n.

Nakita ko ang pagtalbog pabalik ng chaining ability ko. Ibig sabihin, ang nasa dulo ang may kakayahang i-shield ang iba pa. Kung hindi ako nagkakamali. Mula sa isang neon yellow chain na pinagapang ko sa lupa, hinati ko ito sa tatlo at tinangkang atakihin ang dalawang nasa likod nito.

"Holly shit." Naibulong ko nang tumalsik din ang dulo ng aking controll chains. Itinaboy din ng kakayahan ng dalawang nasa likod nito ang makapangyarihan kong kadena.

"Those chains won't get you any further," seryosong tugon ni Alec na nasa gitna mismo ng triangular formation.

Hindi ako sumuko. Pinagapang kong muli ang mga kadena sa mga nasa likuran o nasa base ng triangle. With high hopes, halos magngitngit ang mga ngipin ko nang sugurin ko sila ng mga gumagapang kong kadena na ako lang ang nakakakita. Napakuyom ako ng palad nang naitaboy din ng mga nasa likurang Alec ang aking kadena.

Wala nang chance. Hindi kayang ipenetrate ng aking controll chain ang kahit ni isa sa kanila. Lagot na! Dadaanin ko na lang sa pisikalan uli.

Susugod na ako.

Mabilis kong kinuyom ang aking mga palad kasabay ng halos palundag kong pagsugod sa unang Alec na nasa pinakadulo ng trianggulo. Nang makakuha ako ng buwelo ay saka ako lumundag ng mataas at walang alinlangang pinatulis ang aking mga tuhod paharap. Either he takes my knuckles and my dagger or my knee-cup.

As I landed down, the guy who was in shocked changed his pace. Napansin ko ang pag-atras ng kanang bisig nito at mabilis na pagkuyom ng mga kamao niya. Umikot ito paangat upang salubungin ako. Susuntukin niya ako!

Mabilis kong binago ang posisyon ng aking katawan pabagsak sa nakahambalang kamao ni Alec. Idiniin ko ang pwersa sa aking mga paa at umikot na parang isang balerina habang pabagsak sa lalaki. I somersaulted instantly. Ihahampas ko sa kanya ang mga bisig ko.

The moment I expected my legs to be hitting his shoulders, I felt a pang on my left femur. Nahawakan ako ng lalaki. Nagkatinginan pa kami nito bago ko naramdamang hinigpitan niya ang kabig sa aking mga binti at inikot ako ng malakas saka tinapon pabalibag pabagsak sa semento.

Nabasa ko na ang gagawing iyon ng kalaban, kaya nang maihagis ako nito ng malakas sa sementadong ring ay kaagad kong naibuwelo ang aking kanang palad pasalampa sa semento. Bahagyang kumirot ang balat sa aking palad dahil sa malakas na friction na nabuo dito pero ininda ko 'yon at itinuon sa kung papaano ko hahatiin ang aking bigat patungo sa aking mga bisig at sa pang itaas na parte ng katawan ko pababa.

Deathbound [Published Under Cloak Pop Fiction]Where stories live. Discover now