49. Plan B

15.4K 808 70
                                    

Hundreds of chains came out of my body and eventually subdivided into thousands. Each pointed tip moved fast like a bullet thrown in the air. The horizontal motion of the chains made me target the alius who are vulnerable to my attack. Hindi ako maaaring magkamali sa pagkakataong ito. Hindi ako pwedeng mabigo.

"Alison, the second and third rows of the last two layers are prone to your attack. They have no defense or tracking ability to avoid your chains!" Narinig kong bulong ni Quattro sa aking utak. Alam kong kanina pa niya napagana ang kanyang tracking ability.

Sheryl did well with these tactics.

The chains landed on each susceptible alius of Bartsville. Mabilis pumulupot ang mga kadenang iyon sa kanilang mga utak at puso. As I clasped my hads, the alius control and lock was confirmed successful.

"Allen! Reid! Sheryl!" Charles shouted from behind. Ang pagtawag na 'yon ng all-knowing prince ay hudyat na magsisimula na nag ikalawang yugto ng planong pagpapabagsak sa ika-siyam at ika-sampong hukbo.

Sa paglipad ni Allen sa ere ay kaagad namang sumunod dito sina Reid at Sheryl na tila hinila ng mga hibla ng hangin palapit saakin. Sabay-sabay kaming lumipad palapit sa mga kalaban. Allen was behind me while Reid was on my right side. Sheryl used her power of illusion to hide me from those possible hidden alius behind the tenth layer.

Rambu, Rita and the rest of the channels gathered in the middle of the bricked wall. Levi sent Zia inside the palace and as he stood behind the channels. Lahat sila nakaalerto sa posibleng pag-atake.

Isang malaking bato naman ang hinagis ng Bartsville para wasakin ang kaharian ng Claremur. Mabuti na lang at nagawang kopyahin ni White Rose ang nag-aapoy na batong iyon na siyang sumalubong sa atake ng kalaban sa ere. The collision resulted into a strong blast in the atmosphere na nagmistulang isang fireworks display sa gitna ng digmaan.

"Do your part Allison. Do not get distracted," narinig kong untag ni Allen sa aking likuran.

Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Kasabay ng paglapat ko ng enerhiya sa mga kadenang nasa katawan ko, nagsimula akong kontrolin ang lahat ng mga kalabang alius na sakop ng mga chains.

"Kill a weaker alius of Bartsville!" utos ko sa isip. Hindi ako nabigo. Ilang segundo pagkatapos kong sabihin ang aking utos ay sinugod ng mga kontroladong alius ang kapwa nila taga Bartsville.

Nagulat ako dahil sa sabay-sabay na pagpapakawala ng kanilang lakas at kakayahan para gapiin ang mga mas mahinang alius. The command was made to make sure that the alius under my control can kill a weaker opponent. A kill will be definite and could lessen the number of the army. The scene became chaotic. Nadudurog man ang loob ko habang pinapanood ang mga nagpapatayan sa harap ko ay mas pinangunahan ako ng kagustuhan kong protektahan ang mga mahal ko sa buhay.

"You really are the core Allison," seryosong sambit ni Reid na nakamasid lang sa mga kaganapan.

Ilang sandali lang ang sagupaan ng mga taga Bartsville. May mga ilang alius na hindi ko kontrolado ang nanatiling nakatayo. Pero mas madami ang mga kontrolado ng mga kadena ko. Walang pag-aalinlangan kong muling inuutos na pagtulungan ng mga controlled alius ang mga natitira.

The strategy did not fail me. In less than one minute, all uncontrolled alius were dead. Tanging ang mga nasa kontrol ko na lang ang nanatiling buhay at tila mga puppet na sumusunod lang sa kagustuhan ko. All of them, staring at me like I am their master.

Seeing their faces cut through my conscience. Nahirapan akong utusan ang mga bisig kong hilain ang mga kadena at tapusin na rin ang mga buhay nila. I coudn't kill them.

Deathbound [Published Under Cloak Pop Fiction]Where stories live. Discover now