32. The Puzzle

22K 1K 48
                                    

Levi is in hesitant as I step towards the cave's entrance. Pigil ang hiningang lumapit ako sa gitna ng mausok na bungad ng yungib. I have to do it. It has to be me first before any of my friends get hurt.

Tahimik ang paligid. Tanging ang paghakbang ko sa mabatong lupa at ang malakas na kabog ng aking dibdib ang naririnig. Pakiramdam ko'y unti-unti nang hinihila ang hininga ko habang papalabas ako ng kweba. Nang masinagan ako ng liwanag mula sa labas ay itinaas ko ang kamay ko bilang senyales ng pagsuko. I do not care appearing weak. I don't care if others might see me weak and coward. The greatest position I'm in right now is to surrender. I can lose just my ego and save lives, find answers to the puzzle that remains abstract. "No attacking! My hands are empty!" malakas kong sigaw. Hindi parin napapawi ang kaba sa dibdib ko.

Unti-unti akong humakbang palapit sa kinaroroonan ng grupo. My chains are at the boundaries. I can extend them fast and  catch an open body once a betrayal happens. Atleast I got to kill maybe one or even two before they could kill me if my instinct goes wrong. But for now, a surrender is a must. Kailangan kong malaman ang kasagutan sa nagpakilalang channel na konektado daw sa core, which is me. Curiosity kills the cat. My life maybe at risk but no answers can be given without taking any risk. I might die, we all might, but I don't want to die seeing question marks in my last sight with my last breath. I don not wat to die with questions unanswered.

"Alison?" tawag saakin ng lalaking posibleng isa sa mga alius na nakilala ko. Pamilyar ang boses nito ngunit hindi ko pa siya mapagsino dahil hindi pa tuluyang nawawala ang usok sa paligid. Hanggang sa maramdaman ko ang paglapit nito na tila sinisigurong ako nga ang nakikita.

Bigla'y naramdaman ko ang tila mga patalim na hinahagis sa hangin para maitaboy ang mga usok. Wala akong makitang patalim sa paligid at tanging mga tunog lang ng paghiwa sa hangin ang naririnig. Pamilyar na pamilyar ang technique na 'yon saakin. Ang air shot at air slice na minsa'y pinamangha ako noong ako'y nasa Alpha pa lamang. Iisa lang ang kakilala kong may kakayahang bumuo ng ang flying blade gamit ang hangin.

"Alison!" The guy's tone has certainty now. Kung kanina'y parang nagdadalawag isip pa ang tono niya, ngayo'y sigurado na siya sa nakikita. "Alison!" Muli nitong  tawag saakin. Hindi niya napigilang humagulgol kasabay ng mahigpit na pagyakap niya.

"A-allen," sa wakas ay nasambit ko. Niyakap ko ito at nangilid na rin ang mga luha sa mata ko. Allen is like a brother to me. Siya ang pinakamagiliw sa lahat ng mga kaedaran kong alius sa Alpha noon. Naroon parin ang inosente nitong mga mata sa kabila ng makapal na balbas nito sa mukha at mahabang buhok at benda sa ulo.

"Allen!" Narinig kong sambit ni Levi sa likuran. Mabilis itong nakarating sa kinaroroonan namin at kaagad na yumakap sa kaibigan. Kitang-kita ko ang galak sa mukha ng lalaki nang makita si Allen. "T-the kids? Ivy and the other kids?"

Lumungkot ang itsura ng lalaki. Tila sinaksak ng punyal ang dibdib nang maalala ang mga bata. Bigla akong kinabahan sa naging reaksyon ng lalaki. "I left them in an island after tricking the soldiers. Ivy was abducted by the government pero hindi siya pinadala dito dahil nalaman nila ang kakayahan niya. Brit and Zia, h-hindi ko alam kung nasaan sila. Allan and Sheryl were with them."

"Kuya Allen!" tawag naman ni Sheryl na nagmamadaling lumapit sa lalaki. Yumakap ito at maluha-luha nang ikwento sa lalaki ang pagkamatay ni Allan at pagkadakip nina Brit at Zia.

The time I told Allen that Brit and Zia are fine with the Claremur's royalty ay napawi ng bahagya ang sakit sa mukha nito. After hearing Allen that the other kids are left alone in the island, the greater the desire I have to escape Delta. Zack, Syra and Ivy are in Alpha and I must save them before it's too late. Pinangako ko kay amang Lucas na aalagaan ko sila at ayaw ko silang biguin.

"Alison," muling tawag saakin ni Allen, lumapit ang tatlo pa nitong kasamahan na pawang hindi pa nakapag-ayos ng sarili sa loob ng ipang araw. "There is someone you need to meet."

Humarap saamin ang isang matabang mama na may kaitiman, na nagpakilalang si Rambu at isang babaeng nagngangalang Rita na nasa edad tatlompu na nagpakilalang asawa ni Rambu. Kayang kontrolin ni Rambu ang mga usok sa paligid pati ang mga kaulapan sa kalangitan samantalang kaya namang kontrolin ni Rita ang mgaa buhangin sa paligid. Dito na sila sa isla nagkagustuhan at naging mag-asawa. How ironic, a love made in the land of chaos and death. Parang nakapa ko ang sitwasyon ko ngayon habang pinagmamasdan ko silang dalawa. They seem happy and inlove despite of what's around them. Why can't I?

Isang patpating mama na may matinis na boses ang humakbang palapit saakin. Marahil siya ang lalaking kanina'y kumausap saakin gamit ang sarili kong mga kadena. Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang maramdaman ko ang sobrang lakas ng koneksyon mayroon kami. Parang bago pa man ako magkamulat sa mundo ay may binuo nang mga pisi na nagdudugtong sa aming mga utak at puso. It felt like we are part of the missing pieces of a puzzle. Kaya ba tinawag niya ang sarili na channel at ako ang core?

Maaliwalas ang mukha ng patpating lalaking na tantiya ko'y may taas na limang talampakan at limang pulgada. Manipis ang buhok nitong naninilaw at may mga matang parang sinubok na ng panahon. "Ako si Quattro. Dating bihag ng Waguner at ngayo'y isang galang alius. Rebelde kung tawagin ng mga taga Alpha." Iniabot nito ang kamay saakin. Nagdalawang isip pa akong makipagkamayan dahil baka kontrolin muli nito ang mga linya sa utak ko. "A channel is never a threat to the core Alison. Lagi mo sanang tandaan." Pagpapaalala pa nito.

"He's safe Ali. Si Quattro ang kumopkop saakin noong tumakas ako sa Waguner." Pangungumbinsi ni Allen.

Nagtiwala naman ako kay Allen. Napalunok pa ako bago ko inabot ang kamay ni Quattro. The moment our hands collided, biglang nagdilim ang paningin ko at tila isang malakas na magnet ang nagdikit sa mga ugat namin. We were like nerves in a single system. Kasunod no'n ay tumambad sa madilim na tanawin ang pagsabog ng kalawakan. Umikot ang mundong kinatatayuan ko at nagsimulang gumalaw ang mga palaneta. Narinig ko ang boses ni Quattro sa gitna ng gumagalaw na kalawalan. Find the core within you Alison. Find your core and you will see the missing pieces.

Noong una'y nalito pa ako sa ibig sabihin nito. Hanggang sa sinubukan kong hanapin ang sinasabi nito. I ended up feeling the sting in my heart. Dinama ko ang iisang binubulong ng puso ko. My brain seems to connect with my chest. Ang bilis ng mga naging pangyayari. Muling umikot ang mundong kinatatayuan ko at bumalik sa normal. Tumigil sa paggalaw ang kalawakan na nasa itaas hanggang sa maaninag ko ang nakatayong si Quattro sa harapan ko. Between us is a projected blueprint of Delta na hindi ko malaman kung para saan. Umikot-ikot sa harapan ko ang projected blueprint na mula kay Quattro. That's one of the five pieces na sinusubukang sirain ng anim na kaharian Alison. Pinipigilan nilang magtagpo ang limang piraso at ang core sa pamamagitan ng quarterly clash. The quarterly clash is not the clash that we perceive. It is a quarterly hunt which involves killing you and the five channels. Kaya bago pa man mahuli ang lahat, kailangang mahanap na natin ang apat pang channels para malaman na natin kung ano ba talaga ang kahulugan ng blueprint na yan. If one of the four remaining channels die, you have to wait for another year of deportation from Alpha. I have waited ten years just to meet one core. Finally nagkakaroon na ako ng pag-asa na baka this time, ikaw ang makakapagbuklod saamin. Ikaw ang makakapagbigay sa mga katanungang ilang taon kong hinanapan ng sagot. Kung para saan ang lahat ng kakayahang ito at bakit konektado ka saakin at sa apat pang channels. Kung sino ang lumikha saatin?

Magtatanong pa sana ako kay Quattro na kasama ko sa ibang dimension. Pero biglang tila unti-unti nang gumuguho ang dimension kung saan kami naroon. Sinikap kong paigtingin ang koneksyon namin pero nakaramdam ako ng panghihina at pagkahilo. Namalayan ko na lang na nakabitaw na ang kamay ni Quattro at nasa haral na uli ako ng yungib ng kweba.

"Now that you have one piece of the answers your needing Alison, are you ready to find the other four?" seryosong tanong ng lalaki na hindi ako bininitawan ng titig.

Bahagi ito ng panaginip ko simula pagkabata. Isang panaginip na naulit ng naulit hanggang sa lumaki ako. Ngayon ay magkakaroon na ng kasagutan ang lahat. Tumango ako. Walang pagdududang hindi ito patibong. Si Quattro ang isa sa limang sagot sa mga katanungan ko. Kailangan ko silang mahanap. Kailangang maunahan namin ang anim anim na kaharian bago tuluyang mapaslang ang natitirang limang channels.

###

PS, ang next update po ay medyo SPG. If you are mature enough to read the next part, scroll further. Don't tell me I didn't warn you.

Deathbound [Published Under Cloak Pop Fiction]Where stories live. Discover now