37. Flipped

20.8K 933 58
                                    

Fighting the chaos created by doubts and questions that linger inside our head is exhausting; but living under the shadows of fear and doubt is forever a misery.  Seeking the uncomfortable, risking the what's vulnerable within us, finding the answers to our fears, in the end we find comfort. I shall find mine. 

There's been an internal conflict that has happened as I ran, together with my crawling chains, towards the hostages. Parang ang paghakbang ng mga paa ko palapit ay ang pagtaya ko sa aking buhay para sa mga piraso na bubuo sa kasagutang matagal ko nang hinahanap. Hinihila ako pabalik ng aking agam-agam na baka may mangyaring masama kina Alec pero mas nanaig ang kagustuhan kong bigyan ng liwanag ang madilim na sulok ng aking pagkatao. 

Laman ng isip ko ang bakbakan nina Sheryl at Dark Rose habang tumatakbo ako kasama ng mga kadena.  Kailangan ko silang pagkatiwalaan. Kaya nila. Kaya na nila, bulong ng utak ko. 

Sa pagbabaliko ko sa sitwasyong kinakaharap namin, nakita kong handa na ang aking mga kasama. Reid was forming a huge ball of bomb made from the several atoms he had gathered everywhere. Allen was controlling the wind and was getting ready to throw an air slash forward. Naramdaman ko pa ang pagdaan ng malakas na hangin sa aking mukha na marahil ay kontrolado ni Allen. Samantalang nakadukot na si Pea sa kanyang mga bag na marahil ay magpapaulan ng kanyang mga karayom. Hawak parin ni Quattro ang kanyang sentido habang pasugod. He seemed having a hard time controlling the enemies. Nasa harapan sina Reid at Allen na pawang mabibilis tumakbo. Nasa magkabilang gilid ko naman sina Pea at Quattro habang ako'y pinapalibuta ng apat.

"Take them down Alison!" Malakas na utos ni Quattro na halos hingalin sa pagtakbo. "Take them down before one of them can put us to nowhere!"

Naramdaman kong kabado si Quattro. Tila alam nito ang kakayahan ng bawat isa sa mga kalaban. One of them can put us into a blank dimension? Nilamon ng ideyang 'yon ang isip ko habang papalapit kami sa apat na kalalakihan kasama ang kambal. Mas lalo kong pinaigting ang lakas ng aking mga kadena at sinubukang doblehin ang bilis ng mga ito. 

Nang pagmasdan ko ang mga gumagapang kong kadena'y ilang metro na lang ang layo ng mga ito sa kalaban. Bago pa man tuluyang makalapit ang ma chains ay mabilis na humakbang ang patpating lalaking may bilugang mga mata at maitim na labi. Ibinukadkad nito sa harapan ang mga palad. Nakaramdam ako ng panganib nang magtama ang aming mga mata. 

Bumagal ang takbo ko gayundin ang apat ko pang mga kasama lalo na nang mapansin namin ang paggalaw nito na tila susuntok sa lupa. Bahagyang nayanig ang lupa.

Tama ang naging hinala ko, malakas nitong sinuntok ang lupang kinatatayuan gamit ang kaliwa niyang kamao. Isang malakas na tunog ng nabiyak na lupa ang nabuo. Kasunod no'n ay ang pagbiyak ng lupa paikot sa kinatatayuan nila at ang nakakagulat na pag-angat ng mga malalaking tipak ng lupa na gumapang palapit sa kinaroroonan namin. 

"Dodge back!" Sigaw ni Allen na nakahanda sa papalapit na mga tipa ng lupa. Ikinumpas ng lalaki ang kanang bisig pahalang sa harapan. May nabuong malakas na patalim ng hangin sa harapan nito at bumulusok iyon pasugod sa mga papalapit na tipak ng lupa. Malakas ang eksplosyong nabuo sa banggan ng air slash ni Allen at ng terranial controll ng payat na kalaban. Nahiwa ang mga tipak ng lupa na binuo ng kalaban. Sinundan ni Allen ng ilan pang air slash ang kanina'y pinakawalang counter attack. Sunod-sunod na malalaking patalim ng hangin ang kumawala at sumugod sa kinatatayuan ng lalaking may kontrol sa lupa. 

Tatamaan siya ng technique ni Allen at mahihiwa siya sa pira-piraso! Sigaw ng isip ko. 

Pero hindi iyon ang nangyari. 

Bago pa man tamaan ang lalaki ay humarang ang isang matangkad na lalaki at hinawi ang mga paparating na air slash mula kay Allen gamit ang kanang kamay nito. Nawala ang malalakas na air slash na ginawa ni Allen kasabay ng pag-angat ng dulo ng labi ng matangkad na lalaking may kulay abong buhok. Tila nagawa nitong higupin ang air slash!

Deathbound [Published Under Cloak Pop Fiction]Where stories live. Discover now