21. Almost

27.6K 1.1K 43
                                    

Sunod-sunod na katok. Nakakabingi. Sa bawat kalabog na ginagawa niya sa pintuan ay katumbas ng isang matulis na punyal na tinatarak sa aking dibdib. Wala akong makita ngunit naririnig ko ang bawat pangyayari. Ang kanyang pagsigaw at pagsusumamo na pagbuksan siya ng pinto.

Sunod-sunod ang pagpasok ng ilang karayom sa aking ugat. Mahapdi at parang nanunoot ang sakit sa bawat daanan ng xalium. Kung hindi ako nagkakamali ng bilang, nakasampong syringe na ng tarak si Pea simula nang sinalo niya ako nang muntikan na akong matumba.

"Hold on Ali, don't let it happen. Hindi ka pwedeng mabulag!" mariing sigaw ni Pea na abala sa pagsasayos ng mga aparatong ginamit para agapan ang pagkabulag ko.

Pakiramdam ko'y binabalatan ang buong katawan ko. Tila pumutok ang mga ugat ko sa katawan nang abusuhin ako ang aking kakayahan. Hindi pa umeepekto ang xalium kahit lagpas isang oras na akong tinatarakan ng gamot. "P-Pea, m-mahapdi!" daing kong muli habang hindi parin tumitigil sa pagkalampag ng pintuan si Alec. Halos magwala na ang lalaki sa labas ng kwarto.

"Stay there Ali. Hold on!" 'Yon ang narinig ko mula sa kaibigan pagkatapos ay narinig ko ang papalayong hakbang nito na tila bitbit ang galit na hindi pa humuhupa.

Tutunguhin niya ang pintuan. Naisaloob ko. Pinilit kong gumalaw para pigilan siya pero parang paralisado ang katawan ko. Nakailang subok ako ng bangon pero hindi sumusunod ang katawan ko sa kagustuhan ng utak ko. I felt immobile and useless.

Narinig ko ang biglaang pagbukas ng pintuan kasunod ng pagtigil ng pagwawala ni Alec.

"Nasan siya!?" kalmadong tanong ng lalaki. Napahawak ako sa gilid ng kamang hinihigaan ko. Nag-init ang gilid ng humahapdi kong mga mata.

"Alec, she's not okay and please don't make it worse. So back off!" Pea delivered her words of anger so perfect. Ramdam ko ang galit nito. Galit na dapat ay ako ang nagpaparamdam sa kanya.

"I need to see her." Mas malumanay na pagkakasabi ng lalaki. Parang kong tila nagpipigil ito. "Pea, let me in. As your lord commander, papasukin mo ako at kakausapin ko si Ali."

"Sa tingin mo mas makakabuting makita ka niya ngayon? At this point? Utang na loob naman Alec, kung may natitira ka pang delicadeza, huwag mong ipilit ang mga bagay na mas lalo lang makakasakit sa kaibigan ko. Matuto ka namang rumespeto sa damdamin ng iba!"

"Peatrice please. I just want to see her. Pakiusap. Wala siyang dapat ikaselos!"

Ang mga katagang binitiwan ni Alec, dinig na dinig ko at inuulit-ulit ng gising kong diwa. Nagsisimula nang mamanhid ang buo kong katawan ngunit ramdam ko padin ang hapdi ng aking mga mata dahil sa namumuong mga luha na hindi ko na napigilan.

Pain demands to be felt. It's a universal truth. Like love, pain is a universal feeling. It's always the opposite feeling associated when you fall inlove. Marahil ay 'yon ang nangyayari saakin ngayon. Kahit ilang beses ko pang itanggi, parang sinasampal ako ng realidad na nasasaktan ako hindi lang ang aking katawan kundi pati na ang king kaluluwa. Nasasaktan ako dahil mahal ko na siya. Mahal ko na siya at ang sakit-sakit.

"Alison!" malakas pang tawag ni Alec mula sa labas kasabay ng pagkalampag niya ng malakas sa pintuan. Pinagsarhan na marahil ito ni Pea dahil alam ng babae na ayaw kong makita ako ng lalaki sa ganitong kalagayan, nabubulag at malapit nang malagutan ng hininga.

Paulit-ulit na parang isang mapanakit na sumpa ang pagtawag ng lalaki sa pangalan ko. Naramdaman ko pa ang pagdaloy ng malapot na likido mula sa aking mata, ilong, at tainga pati na sa bibig. Hanggang sa ang kakaunting liwanag na nasisipat ng nanlalabo kong mga mata ay tuluyan na akong nilisan, wala na akong naramdaman. Kasunod no'n, hindi ko na marinig pa ang nanaghoy na si Alec –ang lalaking minahal ko, sinaktan ako ngunit mahal ko parin kahit nasa bingit na ako ng kamatayan.

Deathbound [Published Under Cloak Pop Fiction]Место, где живут истории. Откройте их для себя