19. Raiders

32.5K 1.2K 178
                                    

Natapos ang meeting with the royalties dala ang nakakakabang balita na posibleng pagsisimula ng looting at quarterly clash. Pagkatapos ng anunsyo ng palasyo na kailangan nang buuin ang teritorial defense at offense kinabukasan, tulala parin ako pagbalik ng aking quarters habang si Pea ay wala paring tigil sa pagpapaliwanag sa kung anong posibleng mangyari sa susunod na mga araw. Nagmistulang isang boses lang ang lahat habang kami'y naglalakad kasabay sina Sheryl, Souk at Reid. Naririnig ko ang boses ni Pea pero wala ni isang detalye ang rumehistro sa aking utak. Blanko. Nagpatuloy ang paglalakad namin habang nag-uusap ang mga ito pero nanatiling okupado ang aking utak ng iisang bagay -ang quarterly clash.

Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang chain of events na kusa nang binuo ng malikot kong pag-iisip. Ang looting, ang first and second attacks, ang endpoint -kamatayan ko o kamatayan ni Levi at ang mga kasama nito. Gayong napamahal na saakin ang kaharian ng Claremur, wala na akong balak bumitaw sa pangakong poprotektahan at ipaglalaban ko ito katumbas ng aking buhay. My flesh and blood before the realm's total destruction. Natigil ako sa paglalakad nang sumagi sa isang sulok ng puso ko ang isang posibilidad.

My choice. I am free to choose whatever option I think best; but am I free from the consequences of the choice I make? Am I even ready for these consequences? Paano kung darating ako sa puntong nasa gitna ako ng dalawang options at sa bawat option na pipiliin ko ay may masasaktan? May mawawala? Kakayanin ko ba? Handa ba akong pakawalan ang isang bagay na maaaring dumurog sa buong pagkatao ko? Papaano kong sa huli'y tanging ang pagsisisi ang kakapitan ko dahil nagkamali ako ng pinili? Handa na ba ako?

Sabi nila, we are defined by the choices we make. Am I ready to be defined weak? A loser or a broken glass perhaps?

"Alison? You okay?" Pea cut thru my deepest thoughts. Nasa unahan ko ito kasama ang iba pa na tila nag-aalala na rin sa inaasta ko.

Sa tingin ko'y kanina pa nila nahahalata ang pagkabalisa ko.

How can I pretend to be okay when I myself accept the fact that I am not okay? Sa bawat ngiti at pagpapanggap na ginagawa ko, mas lalong lumalalim ang sugat -ang sakit. Mas lalo akong nasasaktan sa kalagayan ko, naming lahat.

"Let it easy Ali. Don't think too much. Don't even create a problem that isn't even existing just yet," ani Pea na halatang apektado sa inaasta ko.

Napaisip ako. Tama siya kahit papaano. Siguro nga'y masyado lang akong nag-aalala sa problemang hindi pa naman sumusulpot. Masyado akong nag-iisip sa mga posibilidad na hindi pa naman nangyayari. Masyado na akong paranoid.

"Ate, huwag mong pinipressure ang sarili mo. Let's enjoy the moment while it lasts. Habang may panahon pa tayo lubus-lubusin na natin," nakangiting tugon naman ni Sheryl na mas lalong umaliwalas ang mukha simula nang dumating ito sa kaharian ng Claremur.

"Enjoy today and never worry about tomorrow," mahina kong bulong sa sarili. Tila nahimasmasan ang ligalig kong diwa at natauhan sa gustong iparating ng mga kasama ko. Humakbang ako palapit sa kanila at nagsimula namang maglakad ang mga ito, hinintay ako ni Pea habang nakalayag ang isa nitong bisig paakbay saakin. Nagpatuloy kami sa kwentuhan habang naglalakad nang tawagin kami ni Alec.

"Allison," his voice nonchalant. Nang lingunin ko'y seryoso ang tingin nito habang nakasukbit ang kamay ng kasama nitong magandang dalaga.

"P-princess Kristel, magandang gabi po," I bowed fourty five degrees para magbigay galang sa prinsesang halos ayaw kumawala kay Alec. Ganoon din ang ginawa nina Pea.

"Ali, ikaw pala ang kinukwento ni Alec saakin. I'm so glad to finally meet you," nakangiting sabi ng babae na hindi ko maramdaman ang sincerity. Lalo nitong pinulupot ang mga kamay sa matipunong braso ni Alec.

Deathbound [Published Under Cloak Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon