38. Double Source

21K 941 104
                                    

"Alison! Alison huwag kang magpalinlang!"  isang boses babae ang narinig ko sa aking utak. Sa tinig nito'y tila pagmamay-ari iyon ng isang babaeng nasa edad biente anyos pababa. 

"Sino ka?" tanong ko sa boses sa aking utak. Nakakulong parin ako sa dimensyon ng kawalan habang unti-unting hinihigop ng lugar ang aking enerhiya at lakas. 

"We are your other side Alison. Your channels!" Anang lalaki na sa tingin ko ay ang kakambal ng babaeng nagsasalita kanina. 

Napapikit ako sa biglaang pagkirot ng ulo ko. Tila may isang malakas na enerhiya sa paligid na humihigop sa bawat lakas na nananalaytay sa aking mga ugat. Napakalakas niya! 

"I am bringing you to where you should be Alison. Ilang segundo na lang ay mawawala ka na sa balat ng Delta," muling nagsalita si Nowhere Guy sa aking utak. Hindi ko na malabanan ang pwersang pinakalat nito sa paligid upang higupin ang lahat ng lakas na meron ako. 

Nangatog ang tuhod ko. Kasunod no'n ay nanlamig ang buong katawan ko at isa-isang sumibol ang malamig kong pawis. Tila kinakain na ng mga insekto ang aking sikmura at nagsimula nang manikip ang aking dibdib. Hindi ako makahinga! Hindi ko na maramdaman and pintig ng aking puso at nililisan na ako ng sarili kong buhay. Ganito ba? Ganito ba ang nararamdaman ng mga naging biktima ko tuwing pinapasok sila ng mga chains ko? Kinakarma na ako...

"Alison, don't end it like this! We have a task to accomplish. Maraming umaasa sa'yo! Fight the prince of Owassu. Ran your chains and search for our heartbeat! Do not quit!" histerikal na pagkakasabi ng babae. Ramdam o ang pagmamakaawa nito sa kanyang boses. Tama siya, may mga sagot pa akong dapat hanapin. Hindi dito natatapos ang laban ko. 

"Connect your chains to ours Alison," usal ng lalaki sa kambal, " we are siblings of heart if not of blood. Run your chains and let's fight this together!"

Halos matumba ako sa kinauupuan. Tinangka kong itukod ang dalawa kong braso upang mapigilan ang pagbagsak ng aking katawan ngunit sadyang malakas ang hila ng lupa at masyado nang mahina ang katawan ko. Humampas ang kanang pisngi ko sa malamig na lupa. Nakaramdam ako ng kirot. Naramdaman ko ang pagsaklob ng malamig na hangin sa aking katawan kasunod no'n ay ang pagdaloy ng mainit na dugo sa aking ilong. Sinubukan kong pagmasdan muli ang paligid kung saan ako naroon. Nabigo akong makita ang tunay na dimensyon --tanging puting kapaligiran ang tumambad sa mga mata ko. This is nowhere. I am nowhere. I have always been lost. This is my place now. I wish this whole life is as real as the hallucination I'm into right now. 

Pabagsak na ang talukap sa mga mata ko. Unti-unti nang kinukumutan ng malamig na hangin ang buo kong katawan. Ilang saglit na lang ay mauupos na ang init na sumisimbulo sa nananatili kong pag-asa para mabuhay nang may marinig ako.

"Alison." 

Guni-guni ko lang ba ito o siya ang naririnig ko? 

"I am just around watching you over Ali. For as long as I know you can handle a situation, I am just observing." Anang boses lalaki sa aking utak. Ilang araw ko din siyang hindi nakita at narinig. Simula nang saktan ko siya, akala ko'y tuluyan na niya akong iniwan. 

"L-levi? W-Where are you?" hirap kong sambit habang nakahalik sa puting sementong kinaroroonan ko. Gumapang na ng ilang pulgada ang dugong nagmula sa ilong at bibig ko. 

"Listen Alison, I need to be distant enough for you to find yourself and spread your wings. I had to be. It's a struggle but I am not letting it go easy. Get up now!  The kids, and all you friends have never given up. I have never given you up." I heard him sighed deeply. It sounded painful. "Ramdamin mo sa puso mo ang lahat ng pagmamahal na meron ka. Your heart is your strength Alison. Don't die! I won't even let you."

Deathbound [Published Under Cloak Pop Fiction]Where stories live. Discover now