28. Torn

24.8K 1.3K 249
                                    

"Anything that I can be of help just to make you smile tonight?" bulong ni Alec saakin. Naramdaman ko ang mainit na hininga nito sa puno ng aking tainga. Kanina pa siguro nito nahahalata ang labis kong katahimikan.

Nasa iisang paikot na lamesa kaming mga bihag ng Bartsville. Tahimik na kumakain si Souk sa tabi ni Reid na abalang nanonood sa mga kaganapan sa malawak na function hall ng kaharian. Tahimik namang nakamasid si Sheryl na kanina pa marahil nagtataka sa inaasta ni Levi. Hindi ko pa nakakausap ang dalaga tungkol kay Levi dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dito. Hindi ko rin mabasa ang saloobin nito sa mga nangyayari dahil hindi ko magamit ang aking mga chains.

Malakas ang tugtugin at masayang nagsasayawan ang mga taga Bartsville. Kakatapos lang ianunsyo ng kaharian na may mga bago silang bihag mula sa Claremur. Puno ng tawanan ang paligid at nagsisimula nang mag-ingay ang mga kubyertos sa paligid pero parang wala ako sa puntong kinaroroonan ko dahil sa sobrang lalim ng nilalakabay ng utak ko. Kataka-taka na hindi nila ianunsyong ako ang core; na nasa Bartsville ang core. Isa sa mga bumabagabag saakin ang usapin na ito- ang pagiging living trophy ko at pagiging target ng lahat. Hindi ba't nasa kanila na ako at kulang na lang ay patayin ako para madeklara na silang panalo sa buong taong clash? Bakit hinahayaan pa nila akong mabuhay at makasalamuha nila kung ako nga ang core? Anong mga bagay ang nakatago sa alias na 'yon?

Isa pang bumabagabag sa isip ko ang heneral na si Carlisle Gramaj. Ayon kay Alec, pinaslang ng kahariang ito ang huling core sampong taon na ang nakakaraan. Pero bakit nasa Alpha siya at kasalukuyang pinamamahalaan ang deportation ng bawat nahuhuling alius at mga kriminal? May kakayahan siyang mabuhay uli? Binuhay siya ng teknolohiya? Posible. Pero malakas ang kutob kong may sikreto ang heneral na 'yon. O baka may gusto siyang ipahiwatig kaya ako binigyan ng sulat? Tama. Ang sulat niya bago ako pinadala dito. Nasaan ang sulat na 'yon? Kailangan kong mahanap ang sulat ng heneral.

"Ali, Levi at three o'clock," senyas ni Alec na muling bumulong sa tainga ko. Kung sa malayuan ay parang humahalik na ito sa pisngi ko.

Pasimple kong sinulyapan si Levi sa gawing kanan. Naka-tuxedo ito at maaliwalas ang mukha dahil bagong ahit ang balbas. Sumulyap ako kay Alec na matiim ding nakatitig saakin. Nginitian ako nito at inayos ang suot niyang tuxedo saka giniya ang kamay para yayain akong sumayaw.

"I don't dance!" Umiiling-iling kong sabi. Hindi ko alam kung nahalata ang pamumula ng mga pisngi ko pero napansin ko ang pagluwang ng mga ngiti ng lalaki.

"I can carry you. I can sway us with the music," napalunok ang lalaki na tila hinahanda ang sarili sa magiging sagot ko.

Narinig kong tumawa si Reid kasunod nina Souk at Sheryl. Mukhang may idea ang mga ito sa mga pangyayari.

"Huwag nang pakipot Alison! Babastedin mo ba si Alec sa harap namin?" nang-aalaskang kantiyaw ni Reid na itinaas pa ang hawak na kopita para makipag-toast kina Sheryl at Souk. "Mabuhay ang bagong kasal!"

Tawanan ang tatlo na mas lalong ikinainit ng pisngi ko.

"Okay, huwag kang magrereklamo kapag naapakan ko paa mo ah?" nahihiyang sabi ko kay Alec na pinipigil na ang pagtawa.

Inabot nito ang kamay ko saka hinila ako para mapalapit ang mukha ko sa mukha niya. Muling bumulong ang lalaki sa tainga ko, pero sa pagkakataong iyon ay halos halikan na nito ang pisngi ko. "I can carry you all throughout the music and you can just pretend you're swaying with me. You're gown won't betray you anyway. I will never betray you and let you fall and get hurt."

Deathbound [Published Under Cloak Pop Fiction]Where stories live. Discover now