46. Claremur

22.8K 865 46
                                    

Kalahating oras bago ang itinakdang palugit ng kaharian ng Claremur. Nakatayo ako sa pinakasentro ng bricked wall na isang daang talampakan ang taas. Nagsilbi itong pananggalang ng kaharian sa loob ng maraming taon laban sa iba pang kahariang nagnanais lumusob at sakupin sila. Ilang beses na itong nasira sa paglipas ng hindi mabilang na quarterly clash pero nananatili pa ring nakatayo sa kabila ng lahat. Gaya ng Claremur.

Ito ang pinakaunang kahariang itinayo sa Delta ilang dekada na ang nagdaan. Ito rin ang isa sa pinakamalakas sa mga sinaunang kaharian noong araw. Ayon sa salaysay nina King Paul at Queen Theodora, nagsimula ang pagbagsak ng Claremur nang magpadala ang Alpha ng mga artipisyal na alius sa Delta. Ipinadala ang mga ito sa mga karatig kaharian. Nagsimulang umangat ang Bartsville at Chelsee dahil sa bilang ng mga makapangyarihang artipisyal na alius na napabilang sa kanilang hukbo. Bartsville and Chelsee started to emerge among other kingdoms. The two expanded their territory and even fortified their army. Sa mga nakalipas na quarterly clash, tanging ang Chelsee at Bartsville ang natitirang nakatayo pagkatapos ng digmaan. Claremur would always expect it's downfall every quarter and rose again with its remains.

Now Bartsville wants Chelsee into ashes. At para maisakatuparan nila ang planong ito, sasakupin nila ang kahariang kinatatayuan ko para matalo ang kahariang ilang dekada na nilang katunggali. King Paul and Queen Theodora would not want to be conquered and used as Bartsville's first later of defense. Mas gusto nilang mamatay ng may dignidad at prinsipyo.

That's what we want too. Lahat kami ay sumang-ayon na ipaglalaban namin ang kaharian hanggang kamatayan. Thus, the annihilation was temporarily set aside. For two reasons: I was not sure doing it yet and Claremur needs our help. It was my safest place in the land of death afterall.

Napatingala ako nang mapansin ko ang pagbalot ng isang malaking force field sa buong kaharian ng Claremur. Marahil ay pinagana na ni Brit ang kanyang kakayahan. Kasama ng bata ang kambal na sina Rachel at Russell na pawang may kakayahang doblehin ang kanyang enerhiya at lakas. The kingdom will have an unlimited shield against the foes.

Nasa pinakamataas na tore ng kastilyo si Zia kasama ang prinsesa at si Allen. Per Sheryl's calculation of the probabilities of this war, mas maiging nasa mataas na posisyon ang tatlo dahil sa kanilang kakayahang manipulahin ang paggalaw ng mga bagay. Kristell can control gravity, Zia can control anything visible while Allen controls the wind.

Sa kanang bahagi naman ng mataas na pader si Sheryl, Reid at ang mag-asawang sina Rita at Rambu. Nasa likuran ng mga ito ang tatlo pang alius na may kakayahang kontrolin ang mga bubuyog at iba pang insekto.

Nasa kaliwang dako ng bricked wall si Quattro, White Rose, at Levi.

Ilang metro naman mula sa harapan ng kaharian ay nakatayo si Levi, Souk at dalawa pang alius na pawang mas sanay sa close combat. Napapalibutan sila ng mga hukbo ng Claremur na nahahati sa tatlong layer of defense. Nasa likuran nila ang pinakahuling hilera -ang mga elite alius ng kaharian. Sana ay may laban kami. Dahil kung tutuusin ay kakapiranggot lang ang mga ito kumpara sa army ng Batsville. Kinabahan ako para sa amin.

Sa tabi ko ay si Charles, at ang hari at reyna. Sinadya ni Sheryl na ilagay ako sa gitna upang makontroll ko ang kahit na sino man ang nasa paligid sa oras na kailangan. Ganito nga yata talaga ang pagiging core -sentro ako ng kaligtasan o ng panganib.

"I am seeing good things with this Allison, so do not stress yourself thinking that danger is ahead of us," narinig kong sambit ni Charles. Alam kong may kakayahan ang lalaking tanawin ang mga probabilidad sa bawat kilos o galaw sa hinaharap pero hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala. Isang napakalakas na pwersa ang susugod saamin at ito ang unang beses na haharap ang karamihan saamin sa isang quarterly clash. Laban pa sa pinakamakapangyarihang kalaban.

"Allison," utas ng hari na nasa aking harapan, "kapag dumating sa punto na manganib ang buhay namin ng reyna at may pagkakataon kang iligtas ang prinsesa at ang mga bata, pakiusap. Huwag kang magdalawang isip na gawin ang sa tingin mo ay mas nakabubuti para sa kanila."

"Huwag mong pababayaan si prinsesa Kristell. Alam kong hindi naging maganda ang pakikitungo niya sa'yo, pero minahal niya sina Zia at Brit." Humarap saakin ang reyna na mablis humawak sa kanang palad ko. Tila nagmamakaawa ang mga titig nito. "Isama mo si Kristell.

Tumango ako. Wala akong makapang salita sa ngayon dahil hindi ko rin alam kung ano ang susunod kong maging hakbang. Bahala na!

"Princess Kristell will be safe your highness." Charles responded on my behalf. Mukhang sigurado ito sa sinasabi.

Naputol ang usapan namin nang isang malakas na sigaw ang narinig mula sa isang kawal.

"Fire Archers! Lit your arrows!" Dinig kong sigaw ng isang kawal na nasa taas ng pang-ibabang pader. Napansin kong nakasenyas na ang mga kamay ni Alec bilang chief commander ng hukbo. Nakahilera sa great wall ng Claremur ang mga na nakasuot ng makapal na baluting gawa sa metal. Halos lahat ay nakahanda na.

"Ready your bows!" Sigaw ng leader ng elite longbowmen sa pinakamataas na watch tower. Sabay-sabay na hinanda ng mga archers ang kanilang naglalakihang mga pana at palasong nasindihan na ng apoy. The rattling of the bows hitting the high stone enclosure was heard. Napakuyom ako ng palad nang mapansin ko ang karagatan ng hukbong palapit sa kaharian. Ang Bartsville.

"Nock!" Hudyat uli ng pinuno. All arrows are creaking as placed on the bowstrings ready it for shooting. All of them, pulled and stretched as if breaking the knocking point, the bows bend.

Death is coming. Nagsimula nang magsitakbuhan ang mga kabayo sa dibdib ko. Naramdaman ko ang pag-agos ng pawis mula sa aking noo pababa sa aking pisngi. Mangyayari na ang isa sa mga kinatatakutan ko.

"Mark!" The archers raised their flamed arrows. Mas tumindi ang kaba ko. Halos hindi na ako huminga habang hinihintay ang huling sigaw ng pinuno ng longbowmen.

Tanaw ko mula sa bahaging iyon ng Claremur ang papalusong na pwersa ng Bartsville --an intimidating army that could kill us anytime.

"Draw!" Nakakabinging sigaw ng kawal. Mas lalong naglangitngit ang pagkakahila ng tali ng mga pana. Sumunod na nakita ko ay ang sunod-sunod na paglipad ng mga pana patungo sa libo-libong hukbo ng Bartsville.

Maraming natamaang kawal ng kalabang kaharian pero hindi naging sapat iyon para mapigilan sila sa paglusob. Nagpakawala ng ikalawang ulan ng mga arrows ang Claremur hanggang sa umabot sa ikatlo pero nanatiling determinado ang kalaban.

"Reid, Allen, Zia! Ready!" malakas na sigaw ni Alec na marahil ay nasabihan na ni Sheryl na siyang may plano sa pagkakaposisyon naming lahat. Tumango naman ang tatlo nang tawagin ng lalaki. "Everyone, stand by. Reid, throw the nanobombs!"

Inihagis ni Reid ang hindi mabilang na maliliit na bomba.

"Zia, control the bombs and let them float!" muling utos ni Alec. Pansin kong kabado rin ang lalaki.

Lumutang ang mga maliliit na bomba sa ere nang itaas ng batang si Zia ang mga kamay. Pigil ang aking paghinga habang pinapanood ang mga kaganapan.

"Allen, on three, manipulate the wind to throw the bombs towards the target"

Tumango si Allen. Nakabukas na ang dalawang palad nito.

"One, two... THREE!"

###

Deathbound [Published Under Cloak Pop Fiction]Where stories live. Discover now