17. Bounced Back

28.3K 1.3K 72
                                    

"Throw it!" halos bulyawan ako ni Alec habang nasa training room kami. Nabingi ako sa sobrang lakas ng sigaw niya. Pang-ilang sigaw na nya 'yon nang hindi ko matamaan ang dummy target na sumusulpot sa dimensional projector. Nakailang palya na ako sa pagbato ng napakabigat na boomerang blades.

Nanggigil ako sa huling bato ko sa sandata nang lumitaw ang dummy target sa aking kaliwa. Magkasunod kong iwinasiwas ang dalawang boomerang pero hindi parin tumama ang kahit ni isa sa mga ito. Sa sobrang lakas ng bato ko, ganoon din ang lakas ng balik ng dalawang boomerang na halos hindi ko nasalo.

Ilang araw na akong nagsasanay ng tamang pagbato at pagsalo ng sandatang ubod ng bigat.

"Pang isandaang dummy na 'yon Alison, ni isa wala ka pang natatamaan?" nagsusungit na naman ang lalaki. Nakapameywang ito sa harapan ko at halatang napagod na rin sa kakasigaw sa bawat missed at wrong throw na nagawa ko. Pinagpawisan na rin ito kagaya ko at halatang nauubos na ang pasensya.

Napatukod ako sa magkabilang tuhod at hinayaang hingalin ang katawan ko. Tantiya kong tig isang kilo ang bigat ng mga boomerang na 'yon at higit sa isandaang bato ang nagawa ko. Nangalay na ang mga braso ko pati ang sikmura ko'y kumikirot na rin sa sobrang lakas ng tapon at balik ng mga sandata. Hindi ko sinagot ang lalaki. Hinayaan kong mamahinga ang katawan ko hanggang sa unti-unting humupa ang paghingal ko.

"Hindi ka lang ba sasagot diyan?" asik nito na tila kanina pa naghihintay ng sagot ko.

"Anong gusto mong isagot ko? Look Alec, I'm trying?"

"You're not doing it right. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo ang tamang posisyon sa pagbato ng boomerang? A boomerang is always thrown overhand. Never, ever throw your boomerang side-arm. It will climb straight up in the air, then swoop back down and hit you, break in half! Always throw overhand!" he explained like we were starting back to zero. Nakailang ulit na siya sa overhand throw na 'yon.

"I'm taking all what you say. I snap my wrist at the end of each spin. Nagagawa kong paikutin ang boomerang pero mahirap itarget ang dummy lalo na kung papaikot ito!" Napasinghal na rin ako. Pakiwari ko'y gusto niya kaagad na matutunan ko ang accurate throw and spin ng boomerang.

"It's our third day Ali! Dapat may natatamaan ka na!" sigaw niya na mukhang hindi magpapatalo saakin. "After that, kailangan mo pang matutunan kung papaano ili-link ang chains mo sa boomerang bago tumama sa target. This is just the basic."

"Oh tapos? Napakadaling sabihin no? Pero mahirap gawin!" huminga uli ako ng malalim saka nagbuga ng malakas na hangin para maibsan ang naninikip kong dibdib. Tatlong araw na akong personal na tini-train ni Alec. Tatlong araw na rin niya akong nabubulyawan. Tatlong araw nang bingi-bingihan ang tainga ko. Namamaga na nga ang mga palad ko kakabato at kakasalo sa napakabigat na boomerang. Sadyang mahirap lang talaga ang pinapagawa niya lalo na't minamadali niyang mamaster ko ang pagbabato ng sandatang sya mismo ang gumawa. "Shit!" 'yon lang ang nasabi ko bago ko tinalikuran ang lalaki at mabilis na tinungo ang pintuan.

"Where do you think you're going?" narinig kong sabi nito na tila kumalma ang boses.

"Somewhere quiet!" sagot ko nang hindi siya nililingon. Hindi ko na narinig pa ito nang mahawakan ko ang knob ng pintuan. Walang alintana akong lumabas saka isinara ng pabalibag ang impyernong training room na 'yon.

Pinag-iinitan ako ni Alec! Ilang araw na rin akong nagtitimpi pero sobra na. Sagad na sagad na ang pagtitimpi ko kaya kailangan ko na munang umalis sa training dahil baka siya ang hagisan ko ng boomerang.

Nakasalubong ko pa si Pea kasama sina Souk at Sheryl na may dala-dalang mga fruit basket. Halatang masaya ang mga ito kaya pinigil ko ang inis na konti na lang ay sasabog na. Pinilit kong nginitian ang mga ito para ikubli ang inis ko sa lalaki. Magpapalipas muna ako ng oras sa kagubatan. Magliliwaliw at mag-iisip.

Deathbound [Published Under Cloak Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon