42. Missing Pages

18.8K 992 129
                                    

I realized I cannot outrun my demons anymore. So I might as well turn about-face and give them hell.

"Rachelle, Russell and Charles take Cassie." I ordered as I clasped my fist together. "Trick her and do your best to stop her from disappearing."

"Aye aye Alison." Charles agreed. Sa tono nito'y tila wala siyang pinangangambahan sa kung anong posibleng mangyari. Has he been expecting this to happen?

"I will take down Kevin the unbreakable, Alison." Reid volunteered. Mukhang kanina pa nito planado ang gagawin sa kalaban.

"Allen, deal with the masked guy. Pea and Quattro, pagtulungan niyo ang lalaking may hawak na ax." I almost whimpered thinking na baka hindi nila kayanin ang kalaban. But I have no time to doubt this time. I need to trust my friend. "Be careful guys. These are no easy enemies."

Pea came to me tapping my back. Bakas sa mukha nito ang hindi maipaliwanag na kalungkutan at pangamba. "Ali, always remember that everything I have done --with or without your notice- is for you and the rest of us. If something happens to me, please take my bag and keep it."

Bumakas sa mukha ko ang pag-aalala dahil sa narinig kay Pea. Napahawak ako sa kamay nitong nakapatong sa aking balikat. "You will live. It would definitely break my heart kapag may nangyaring masama sa'yo, sa inyong lahat."

"I wish I could tell you more Alison. Please be careful. Princess Katrina won't make it easy for you." She warned me with her voice broken.

Naputol lang ang masinsinang usapan namin ni Pea nang muling magsalita ang prinsesa ng Bartsville. "Both of you will die. I will make sure of that kaya tama na yang iyakan!"

Sumambulat sa aking mga mata ang pagbuo ng bola ng kuryente ni Katrina. Tumaas ang isang sulok ng mga labi nito at itinaas ang kaliwang kamay. "Die!"

Nagmistulang banta ang salitang 'yon ni Katrina. Ibinato nito sa gawi namin ang mga hawak niyang bola ng kuryente.

"Dodge!" nakakabinging sigaw ni Quattro.

My body took a sudden forward thrust with my arms outstretched. Sumampa ako ako sa isang damohan bago sumabog ang binagsakan ng isang electric ball ni Katrina. I saw the others safe as well. Allen and Reid automatically ran for a kill -- Allen against the masked alius and Reid towards the unbreakable Kevin.

Hinabol naman ng alius na may malaking katawan at hawak na palakol si Quattro kasunod ni Pea habang si Cassie ay bigla na lang nawala. Ilang segundo habang pinagmamasdan ko sina Charles, Rachelle at Russell ay nagsimula nang umatake si Cassie. Una nitong pinuntirya si Rachelle na kaagad bumalibag ang katawan sa lupa. The three cannot definitely see her. They're in trouble.

Nagsimula kong pinagapang ang mga kadena patungo sa kinaroroonan ng tatlo kong channels para hulihin ang lapastangang si Cassie pero naantala 'yon nang mamataan kong inihagis ni Katrina ang isa pa nitong electrocuting ball. I saw it landing to my left side kaya gumulong ako pakanan. Hinintay ko ang pagsabog ng bumagsak na bola ng kuryente. Nakailang metro na ako kakagulong pero walang malakas na eksplosyon ang narinig. Nang lingunin ko ang kanina'y pinanggalingan ko'y tumambad sa harapan ko ang paparating na atake ni prinsesa Katrina. Bago pa ako makapalag ay naramdaman ko na sa balat ko ang magkahalong lamig, init at hapdi ng kuryenteng dumikit saakin.

Napasigaw ako ng sobrang lakas. Nanuot sa mga kalamnat ko hanggang sa buto ang sakit na dulot ng pangungoryente ni Katrina. Parang hinigop ng atakeng 'yon ang kalahati ng aking lakas. Hindi ko maigalaw ang mga kamay at binti ko.

Naabutan ako ni Katrina na nakatihaya sa lupa. Tumambad sa harapan ko ang nakangisi niyang mukha. The next thing I saw was the sole of her boots stepping into my face. Solid. Vexed. Hindi ako nakapalag. Hindi pa bumabalik sa dati ang nakuryente kong katawan.

Deathbound [Published Under Cloak Pop Fiction]Where stories live. Discover now