22. Happenstances

25.1K 1.1K 54
                                    

He sat down... Right there –infront of my pretentious eyes. His eyes consoling and trying to check if I was fine. Napatiim bagang ito nang wala akong naging reaksyon sa pag-upo niya sa harapan ko. Nakuyom nito ang mga palad at yumuko na parang hindi nito maatim na tignan ang kalagayan ko. Base sa reaksyon nito, tila alam na niya ang gusto kong iparating –na nabulag ako at hindi ko na nakikita ang bawat kilos niya.

"A-Alison," basag ang tinig nito nang muli akong tignan, nangingilid ang mga luha nito habang sapo ng dalawang palad ang mukha, hindi makapaniwala sa nakikita. "What happened?"

Diretso ang tingin nito na tila kinakabisa ang bawat detalye ng aking mukha. Nanatili ako sa kinauupuan na parang isang monumento -isang batong sumisimbulo sa alaala ng nakaraan.

Hindi ako sumagot kahit na alam kong hinihintay nitong umimik ako. Mahirap man pigilin pero kinailangan kong patayin ang damdaming nagsusumigaw sa aking dibdib. Kontrolado ang bawat buntong hininga ko upang hindi niya mapansing apektado ako sa nangyayari. Nakatulong ang pagpipigil ko upang hindi na madagdagan pa ang nangingilid na likido sa aking mata. Hindi na ako iiyak. Hindi ko na siya iiyakan. Wala na akong dapat iyakan. Kailangan kong magpakatatag para sa mga plano ko.

"Alison, please say something." Tila nagsusumamo niyang sabi habang nakatakip ang isa nitong palad sa ngumangawa niyang bibig. Bumigay na ito sa kalungkutang nag-uumayaw sa buo niyang pagkatao.. "Please say something."

Napalunok ako. Bigla kasing may bumikig sa natuyot kong lalamunan. "The last thing I can remember was pain and I don't want to look back and get hurt again. Sapat naman na siguro ang nangyari saakin para matauhan ako." I released a sigh, intentionally deep and strong so that he could notice. "I have had learned my lessons Alec. On who to trust and who's not to."

Nakita ko ang pagkagitla sa mukha nito. Tila kaagad niyang nakuha ang ibig kong sabihin kahit na hindi ko ito sinabi ng diretsahan. Mabilis nitong pinunasan ang mga tumulong luha sa kaliwa niyang pisngi gamit ang likod ng kanyang mga palad. Namumula parin ang mga mata nito kung saan tanaw ko ang magkahalong emosyong dinadala nito. "Alison, tell me what really happened."

Napakapit ako sa laylayan ng suot kong roba. Muling nabuhay ang galit sa aking damdamin dahil sa pagmamaang-maangan ng lalaki. Stop playing the victim. Stop fooling around. Sigaw ng utak ko.

"Please tell me what happened," pag-uulit nito. He was acting so innocent about what could possibly brought me into this situation.

"I collapsed because I was exhausted using my ability to its limit. Hindi kita mahanap sa parameters na kinalalagyan ko kaya inextend ko ang takbo ng aking chains. You weren't in the forest. Dala ng pagod, I was hallucinating. I saw two huge snakes tagled. I was petrified. Hanggang sa mawalan na ako ng malay," I paused to gather some air. Masyado akong nadala sa kwento ko. "Thanks to Pea, I didn't have to fall broken."

"I was there Ali. Nandoon ako. One of my clones is using the power of invisibility kaya hindi mo ako nahanap. I was testing how far have you mastered your skills and it w-"

"Nangyari na ang lahat ng nangyari Alec. You tested my mastery. I failed and now I think I'm blind."

"No! You can't be blind. B-Baka may paraan pa."

"Pea is the only healer I know in this hell. Ayoko nang umasa." Bigla akong napatayo. Kamuntikan pa akong matumba dahil sa paninibago ng mga binti ko dala ng matagal na pagkakaupo. Kaagad naman akong nalapitan ni Alec at mabilis nitong nahawakan ang likod t braso ko.

"Here, you're fine." Mahinahong bulong niya saakin. "I'll walk you to your room."

Kumalas ako mula sa pagkakahawak niya. Hindi ko gusto ang sensasyong dulot no'n sa katawan ko. "Don't touch me Alec. I don't need your help."

Deathbound [Published Under Cloak Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon