18. Tempt Me Not

32.4K 1.3K 236
                                    

I felt him. Again. I saw him for a split second. It was too fast but long enough to bring back the memories we shared together. Ang pinagtataka ko lang, ang dating nararamdaman ko'y tila nagbago, nabago na- parang nabawasan at hindi na ganoon kasidhi. Anong nangyari? Anong nabago?

Napatitig ako sa kisame habang nakaupo sa gilid ng kama. Wala akong makita kundi ang blankong kisame na napipinturahan ng puti. Pero maraming tanawin ang lumalabas sa puso ko. Maraming ala-ala na parang nangyayari pa lang sa pagbabalik tanaw ko. Kung paano kami pinakilala ni Levi sa isa't isa. Nanariwa sa utak ko ang unang pagdadaupang palad namin, hanggang sa training na lagi kaming magkasama, our adventures and misadventures na siya mismo ang kasangga ko. We grew up together as my feelings towards him grew fonder. I grew up with him. Lahat ng alaala naming dalawa nasa puso ko.

Ngunit bakit ngayong nakita ko na siya, tila hindi na buo ang nararamdaman ko para sa kanya? Bakit parang may isang sulok sa aking puso na hinihila ako palayo sa mga alaalang 'yon. Natulala ako sa mga binubulong ng puso ko. Buo ang kagustuhan ng utak kong si Levi parin at hihintayin ko siya hanggang sa handa na kaming pareho para ipagpatuloy ang nasimulan namin. Pero ang puso ko -isang traydor- na taliwas sa sinasabi ng utak ko. Tila may isang damdaming gustong kumawala sa aking dibdib at gustong ipagsumigawan na handa na akong lumimot at humakbang palayo sa mga alaalang ilang taong kinupkop ng puso't isip ko. Na si Levi na dating nilalaman lang ng puso ko ay pwede ko nang kalimuytan. Pero pinipigil ako ng alaala sa aking utak. Si Levi parin. Si Levi lang wala nang iba, walang ibang lalaking maaaring magmay-ari nito. Walang iba... walang Alec?

Si Alec. Kailan pa ba nagkaroon ng puwang si Alec sa puso ko? Pati na rin sa buhay ko? Napahiga ako pabalik sa kama kung saan ako dinala ni Levi. Sa puntong iyon ay nahimasmasan ako sa kung anong bumabagabag sa loob ko. Kung bakit parang hati na ang puso ko. Akala ko noon, kapag nakita ko si Levi, muling aapoy ang nararamdaman ko sa kanya pero mali ako. Tila niyapos ng damdamin ko para kay Alec ang kalahati ng apoy na matagal nang nasindihan. Ginulo nga ni Alec ang mundo ko... pati ang puso ko.

Tang ina mo Alec! Napamura ako ng di oras. Buong akala ko'y hinalikan lang ako nito dahil gusto niya akong lituhin at pigilan sa pag-alis ko. Pero bakit parang sariwa pa saakin ang pagdampi ng mga labi niya? Bakit parang may epekto ang lahat ng ginawa niya? Bakit may dating ang lahat ng kilos niya, ang lahat ng sinasabi niya? Kailan ba nagsimula ang gantong nararamdamann ko para kay Alec? Since when did he matter? Since we first met? Since he kissed me?

Hindi ko namalayang padaanin ang mga daliri ko sa aking mga labi. Biglang sinakop ng isip ko ang mga malamlam na berdeng mata ni Alec, ang mapupula niyang labi, ang matipunong katawan at mabangong sabon na gamit niya.

Oh shit! No! Napailing-iling ako. Pinilit kong iwaksi ang tagpong iyon. Naguguluhan ako!

Babangon na sana ako nang biglang tumunog ang malaking pintuang bakal ng kwarto! Wala na akong panahon para takpan ang sarili ko na nakapanloob lang. Tila nabato ako dahil sa magkahalong gulat at hiya. Sino ang lalaking pumasok? Oh shit no!

"A-Alison?" ang boses na kanina pa laman ng isip ko. Siya ang biglang pumasok!

"Shit! Bastos!" sigaw ko. Nahihimasmasan ako sabay takip sa sarili ng makapal na comforter.

"Huh? What is wrong with you? Ako pa ang bastos?" he answered defensively. Nangungunot na ang noo nito habang tinatanggal ang suot na leather jacket na parang wala ako sa kwartong 'yon.

"Anong gagawin mo? Hoy anong binabalak mo? You know you can't just easily take me down to this bed right? Subukan mo at wawasakin ko yang puso mo?" singhal ko na halos tumalsik na ang laway. Nanlilisik ang mga mata ko sa sobrang yamot sa bastos na lalaki.

Natigilan sa pagtanggal ng combat boots si Alec habang nakaupo sa may bedroom chair. Napaawang ang bibig nito at tila hahagalpak na sa tawa dahil sa naisip. "Assuming ka rin no Alison? You think I came here on purpose just to r-rape you? Oh well, you can hitch my will and command me to rape you but on a normal state I won't ever do that. Ever, until you're one hundred percent mine. So stop reacting like you're too vulnerable," kumawala na ang kanina pa nagbabadyang hagalpak nito. Halos malukot ito sa sobrang lakas ng tawa. It sounded almost sarcastic.

Deathbound [Published Under Cloak Pop Fiction]Where stories live. Discover now