The Rivals

6.5K 157 4
                                    

Maine's POV

Huminga muna ako ng malalim bago ako lumapit sa may bulletin board.

Ito na ang pinakahihintay ko! Malalaman ko na kung sino ang nakakuha ng pinakamataas na score sa major examination namin.

Kaya mo yan Maine! Tandaan mong nakasalalay ang kinabukasan mo sa ranking mo!

Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa isang papel na nakapaskil sa board sa pag-asang ang pangalan ko ang makikita ko sa pinakauna.

Pero...













...halos gumuho ang mundo ko nang makita ko...







...hindi ang pangalan ko kundi ang pangalan ni Alden na nakasulat sa number 1.







Nooooo!!! Hindi pwedeng mangyari ang bagay na 'to! Paano na yung dare namin???










Flashback...

Pagkauwi ko ng bahay, dumiretso ako sa kusina para kumain ng meryenda. Inuwi ko ang isaw na binili ko sa kanto para dito kainin. Marami kaming ginawa sa school kaya kailangan ko ng stress reliever.

Pero sa halip na mawala ang stress ko, parang mas lalo pang kumulo ang dugo ko nang makita ko si Alden na kumakain sa dining area.

Sino si Alden?? Well, sya lang naman ang epal sa buhay ko. Six months ago nang tumira sya dito sa'min at nag-transfer sa school.

Wala kaming any relation sa pamilya nya. Matalik na magkaibigan lang ang parents nya at parents ko.

He will live here for the mean time while his parents are working for his visa. Sooner or later, susunod na sya sa mga magulang nya papuntang Canada.

At habang inaasikaso nila yun, pinagkatiwala sya sa mga magulang ko. Kailangan nya lang tapusin ang pag-aaral nya ng highschool bago umalis ng bansa.

And I can't wait any longer!

Actually, hindi naman talaga ako galit sa kanya noon. Hindi ko nga sya pinapansin man lang eh. Pero biglang nagbago ang ihip ng hangin nang maungusan nya ako sa ranking. Let's say matalino nga sya, pero hindi ako pwedeng matalo dahil simula palang nung bata ako...ako na ang palaging first sa'min.

Tapos bigla na lang syang darating at aagawin ang pwesto ko? Graduating student na ako and I'm running for valedictorian. At hindi ko kakayaning masayang ang lahat ng effort ko because of that jerk.

Back to the topic. Naabutan ko syang nakikipaglandian sa bunso kong kapatid. Nilampasan ko lang sila at kumuha ako ng plato para ilagay ang isaw. Pinatong ko ito sa mesa at kumain ng isa habang pinapanuod ko sila.

"Ahh! So, ganun lang pala kadali yun Alden. Thank you ha, na-gets ko na yung assignment namin."


Pss. Ang landi talaga ng kapatid ko. Biruin nyo, hindi naman dati yan gumagawa ng mga assignments nya tapos ngayon dahil kay Alden, gumagawa na...para lang magpapansin.

"You're welcome! Bakit nga ba hindi ka sa ate mo nagpapatulong ha? Matalino naman sya ah?"

Tanong nya na may halong pang-iinsulto.

Tumingin silang dalawa sa'kin...

"Eh? Ayoko kay ate...gusto ko sa'yo lang Alden."

Kinikilig na sabi nung kapatid ko. At umakyat na sya papunta sa kwarto nya. Kami na lang ang natira dito ng asungot na 'to. After kong ubusin yung isa, binali-bali ko yung stick na hawak ko habang iniisip kong si Alden yun.

Kumukulo talaga ang dugo ko sa isang 'to lalo na nung insultuhin nya ako sa harap ng kapatid ko.



Nakatingin pa rin ako sa kanya na parang kinakatay ko na sya. Habang sya naman eh wala lang pakialam dun at kumakain ng sandwich.

"Hoy! Layuan mo nga yung bunso ko! Ayokong makitang nakikipaglandian ka sa kanya." sabi ko habang nakaturo sa kanya yung bali-baling stick na hawak ko.



He just look at me with a blank expression.


"I'm not flirting with her. Lumapit sya sa'kin para magpaturo sa assignment nya kaya tinulungan ko."

Something That We're NotWhere stories live. Discover now