Epilogue

3.5K 114 34
                                    

Maine's POV

Binuksan ang pinto ng sasakyan at inalalayan ako ni Coleen na bumaba. Dahan-dahan akong naglakad papasok.



Naririnig ko na ang instrumental ng kantang God Gave Me You.



Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Masaya, excited, kinakabahan, hindi mapakali...basta mixed emotions.




Nakita ko sa loob ang iba't ibang mga taong naging parte ng buhay ko. Mga kaibigan ko, dati kong kaklase, mga kamag-anak ko at pamilya ko.






Ilang hakbang na lang at malapit ko nang makita nang malapitan si Alden. At habang nakikita ko syang nakangiti,bumabalik sa alaala ko lahat ng mga nangyari sa amin ilang taon na ang lumipas.



Naalala ko ang deal namin. Akala ko puro galit at inis na lang ang mararamdaman ko sa kanya. Yung parang wala ng pag-asa pang magkaayos kami.

Pero isang araw, nagising na lang ako na...na in-love na ako sa kanya.

Nakakatuwang isipin dahil ang dami naming pinagdaanan...sa pamilya, sa pag-ibig at sa mismong sarili namin. Pero sabi nga nila 'sa hinaba-haba man ng prusisyon...sa simbahan din ang tuloy'.





At ngayon andito na kami. Andito na kami sa punto ng buhay namin kung saan handa na kaming magsama at bumuo ng pamilya. At sa bawat hakbang ko...pinapakita ko kung gaano ako ka-handang tanggapin sya bilang kabiyak ng buhay ko.





"Hijo, ikaw na ang bahala sa anak namin."

Pagkatapos nyang magmano kay papa, yumakap sya dito.

"Opo."


At kay mama naman sya nagmano.
"Good luck hijo...anak."

Tumawa kami ng mahina dahil sa sinabi ni mama kay Alden. Ako naman ang humalik at yumakap sa mga magulang ko. Hindi nagtagal at binigay na ni papa ang kamay ko sa kanya. At kami na ang naglakad sa aisle.








Halos hindi ako makapaniwalang eto na. Naglalakad na kami ngayon papunta sa forever namin. We're on the way to forever.










Ang pag-ibig...walang pinipili. Siguro nasa sa'yo kung gusto mong umibig pero minsan ang pag-ibig mismo ang pipili sa'yo. Hindi hinihintay at hindi hinahanap. Kasi ito mismo ang darating para hanapin ka...





sa hindi mo inaasahang oras...









sa hindi mo inaasahang lugar...







at sa hindi mo inaasahang tao.






Pero isa lang ang sigurado...







ang pag-ibig ay darating sa tamang panahon.







The End...












Something That We're NotWhere stories live. Discover now