It's Official

2.9K 138 4
                                    

Maine's POV

Late na ako! Dali-dali akong lumabas ng bahay kahit na hindi na ako nakakain ng almusal. 10 minutes na lang bago ang first period namin at hindi ako pwedeng ma-late.

Naglalakad lang ako papasok dahil malapit lang naman ang school namin. Pero nagulat ako nang biglang may tumigil na bisikleta sa gilid ko kaya napatigil ako.

"Sumakay ka na, male-late ka na kung maglalakad ka lang."

Pss. Sino pa nga ba? Eh di ang dakilang epal sa buhay ko. May bike sa kanyang binili si papa para magamit sa pagpasok. Pero ako 'tong sariling anak, hindi man lang mabilhan.

Akala mo naman kung sinong mabait na nag-aalok ng sakay...pero ang totoo, gusto nya lang bwisitin ang araw ko.

"No thanks! I can manage."

"Sige. Pero may quiz pa naman tayo ngayon sa English...baka hindi ka makakuha."

Bigla kong naalala na meron nga pala kaming long quiz.

"Sige, una na ako."

Nagpedal na ulit sya pero hinabol ko sya.

"Teka lang! S-sige na, sasakay na ako."

At umangkas na ako sa bisikleta nya.

***
















Halos lahat nakatingin sa'min nang dumating kami ng sabay sa school. Ganyan na ang reaksyon nila nang makita lang nila kaming magkasabay...eh pa'no pa kaya kung malaman nilang kami na?

Ugh! Erase that!















Pagkarating namin sa loob ng school, agad akong bumaba sa bike nya at naglakad palayo ng walang ibang sinabi sa kanya. Bigla na lang syang sumulpot sa tabi ko...

"Hey! You should thank me for that."





"Why should I? Eh ikaw naman ang nag-alok sa'kin 'di ba? At saka..."

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ko sya.

"...may karapatan akong sumakay sa bike mo dahil girlfriend mo ko!"





At naglakad na ulit ako pero patuloy pa rin sya sa pagsunod sa'kin.

"Talaga lang ha? Then, let's go!"



At bigla nya akong inakbayan. Agad ko naman itong inalis...

"Hoy! Huwag mo nga akong akbayan!"




"Why should I? Boyfriend mo 'ko kaya may karapatan akong gawin yun sa'yo."

He said while showing his ever crooked smile. At muli nyang ipinatong ang kamay nya sa balikat ko. Hindi ko na nagawa pang magreklamo dahil dire-diretso lang sya sa paglalakad habang nakaakbay sa'kin at marami ring estudyante ang nakatingin sa'min.














Dumating kami sa loob ng room na halos lahat ng mga mata ay nakatingin lang sa direksyon namin. Ito naman ang gusto ni Alden 'di ba? Ang guluhin ang normal kong buhay sa school. Well, I'm telling him na hindi nya ganun kadaling magagawa yun...dahil hindi lang buhay ko ang magugulo pati rin sa kanya!



Pareho na kaming pumunta sa kanya-kanya naming upuan. Lumapit naman agad sa'kin ang mga kaibigan ko.



"Maine, may dapat ka bang aminin sa'min ha?"



"Oo nga. Ano yung paakbay-akbay na yun ha?"







"Bakit kayo magkasabay pumasok?"









"Akala ko ba galit ka sa kanya eh bakit parang halos langgamin na kayo?"








Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang sunod-sunod na tanong nila. Masyado silang excited na malaman kung anong meron sa amin.


"Pwede ba? Huwag nyo kong kulitin."








"Maine, umamin ka na kasi!"


Sabay-sabay na tanong nila.










"Okay fine. Kami na kasi." expressionless kong sinabi sa kanilang lahat.









"What?! Kayo na?!"




Biglang tumahimik ang buong klase dahil sa malakas na tanong na yun. Everyone looked at us.


At ang mas matindi pa, narinig yun ng English teacher namin na kapapasok pa lang ng room.



"Sinong sila na?"

Something That We're NotWhere stories live. Discover now