Project

2.6K 131 4
                                    

Maine's POV

Before the day end, pinatawag kami ni Ms. Sydney, English teacher namin sa office nya.

"I know how important for both of you the extra points you'll earn in the special project I gave you. Kaya ko kayo pinatawag para tulungan kayo sa project na yun. Since sembreak na, I prepared a place for you wherein you can have your survey and gather some datas regarding your project."

"Ma'am, saan po ba yun at paano kami makakapunta dun?" I asked.

"You don't need to worry dahil may kakilala akong makatutulong sa inyo. Pwede kayong makituloy dun habang ginagawa ang project. At bukas, ihahatid ko na kayo dun. Is it clear?"


"Yes ma'am."

Tumingin si Ms. Sydney kay Alden na mukhang may malalim na iniisip.

"Alden, is it clear?"


"Ah. Yes ma'am."











The next day, maaga kaming nag-impake dahil malayo raw ang lugar na pupuntahan namin, baka abutin pa kami ng gabi kung tatanghaliin kami. Si Ms. Sydney ang nag-insist na ihatid kami dahil bukod sa sya ang may alam ng lugar, under nya ang special project na gagawin namin.

Nagpaalam kami ng maayos kina mama at papa. Noong una, hindi sila payag pero dahil kinausap sila ni Ms. Sydney at malaki ang tiwala nila kay Alden, pumayag na rin sila.

Hapon na nang makarating kami. Pagkagising ko, namalayan kong nakasandal pala ako kay Alden at ginawa ko pang unan ang braso nya.

"Bakit hindi mo ko ginising? Nakatulog na pala ako sa'yo."

"Sabihin mo...ginusto mo talaga." sabay alis nya ng headphones sa ulo nya.




"Ano?!"



"We're here! Sige na, ibaba nyo na ang mga gamit."

Hindi ko na nagawa pang patulan si Alden dahil pinapababa na kami ni Ms. Sydney sa kotse nya. Kinuha na namin ang mga gamit namin.

"Ma'am, hindi na po ba kayo bababa dyan? Hindi nyo na po kami sasamahan?"

"Hindi na. I know you can do it. I really need to go, matagal pa ang biyahe. Mag-doorbell lang kayo at lalabas sya. If you have any problem, just call me okay?"


Tumango kami pareho. At agad na umalis na si ma'am. Tiningnan ko ang bahay at namangha ako dahil hindi yun mukhang bahay...parang mansyon.

Ang ganda ng design at hindi mo aakalaing bahay-bakasyunan lang.



Ako na mismo ang nag-doorbell at ilang sandali lang ay may nagbukas na ng gate. Isang lalaking mukhang kasing edad lang namin. Parang pamilyar ang mukha nya pero...hindi ko alam kung saan ko sya nakita.

"Kayo ba yung pinadala ni ate?" yun agad ang bungad nya sa amin.

Ate? Ibig-sabihin...

"Kapatid mo si Ms. Sydney?!" parang hindi ako makapaniwala.

"Yeah. I'm Paris...Sydney's younger brother."

Natuwa ako nang malaman kong kapatid pala sya ni ma'am. Kaya pala, magkahawig sila at halata mong nanggaling sa magandang lahi. Pareho kasi silang gwapo at maganda.

"Sydney...Paris...walang dudang magkapatid nga kayo."


"You're Maine, right?"


"Oo. Estudyante ako ni Ms. Sydney, nababanggit nya ba sa'yo?"




Ngumiti sya at yung ngiti nya...ang ganda.

"No. Since then, kilala na kita. Minsan na tayong nagkalaban sa isang contest noon at sobra akong humanga sa'yo dahil matalino ka. And now, we finally met again."

Ahh. Kaya pala, pamilyar ang mukha nya. Siguro nga, nagkita na kami noon pa.


Inabot nya sa'kin ang kamay nya para makipag-shake hands at kinuha ko naman ito.

"I like you." he said without any hesitation.

Nagulat naman ako. Hindi agad ako nakapagreact agad dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot.

"Hehe...I like you too Paris." at ngumiti ako sa kanya.



"But I like you to be my girlfriend."




Eeh? He like me to be his girlfriend? Nagbibiro ba sya?

Bigla syang napatingin kay Alden na parang kapapansin nya palang dito.

"And whose this guy?"



Sasagot pa lang sana ako pero naunahan na ako ni Alden.

"I'm Alden...her boyfriend!"




At naramdaman ko na lang ang pag-akbay nya sa akin.

Something That We're NotWhere stories live. Discover now