Together Forever

2.4K 106 6
                                    

Alden's POV

Titig na titig ako sa mukha ni Maine. Kanina pa kami nasa eroplano at kanina pa rin tulog si Maine sa tabi ko. Yakap ko sya at parang ayaw ko ng malayo sa kanya. I missed her so much.

Bigla syang naalimpungatan at nag-unat muna bago tumingin sa'kin.

"Malapit na ba tayo?"

"Mga five minutes na lang siguro."

Sumilip sya sa bintana at halata mo ang excitement sa mukha nya. Gustong-gusto nya talaga ang mga beaches at pangarap nyang pumunta sa Boracay.

"Alden, excited na ako." nakangiti syang tumingin sa'kin.

Balak ko pa lang sanang sumagot pero may stewardess na lumapit sa'min.

"Excuse sir...pwede po bang magpapicture?" medyo nahihiya pa yung babaeng nagtanong sa'kin.

"Sa akin okay lang pero sa kanya...tanungin mo muna ang asawa ko." tumingin ako kay Maine at tinuro ko sya.

Nagulat sya sa sinabi ko. Pero hindi na nya nagawa pang makapagsalita...

"Ay, sorry sir. Hindi ko po alam na may asawa na pala kayo." at umalis na sya na parang hiyang-hiya sa nangyari.

"Ano ka ba Alden? Bakit mo yun sinabi? Tingnan mo, nahiya tuloy yung babae. Hindi naman tayo mag-asawa ah."

"Magiging mag-asawa na rin tayo kaya masanay ka na. Teka, ano bang gusto mong kasal natin, church, garden o beach wedding?"

"Ha? Ah...ano..."

Parang hindi mapalagay si Maine sa tuwing yun ang pag-uusapan. Napangiti na lang ako.

"Kailangan na ba agad nating pag-usapan yan? Pag-iisipan ko muna, gusto ko kasi maging perfect ang araw na yun. Baka mamaya, kapag sinabi kong beach wedding... magpakasal na agad tayo pagdating natin sa Boracay."

"Sige, bahala ka. Eh ilang anak ba ang gusto mo ha?"

Tumingin sa'kin si Maine. Akala ko nga hindi sya sasagot pero...

"Okay na sa akin ang dalawa. Mas gusto kong babae ang maging unang anak natin."

Tumawa ako. Eh mas mukha pa syang excited ngayon.

"Kung babae...Charmaine ang ipapangalan natin o di kaya ay Maiden. Ikaw? Paano kapag lalaki?" tanong nya.

"Pwedeng Alen or Dane. Pero bahala ka kung anong gusto mong ipangalan."

"Saka nyo na pag-usapan ang pangalan ng magiging apo namin. Mag-ready na muna kayo dahil malapit na tayo."

Pareho kaming napatingin kay mama-este kay tita na biglang sumingit sa usapan namin. Pati sya, hindi mapigilang hindi kiligin sa topic namin ni Maine.

"Opo 'ma, magre-ready na kami." sabi ni Maine.



Maine's POV

Matapos ang mahabang biyahe, finally nakarating na kami sa Boracay. Ang tagal kong pinangarap na makapunta dito. At natupad yun, kasama ko pa si Alden at ang pamilya ko.

Nag-check in muna kami sa hotel bago mamasyal. Pumunta kami ni Alden sa may counter...

"Good morning ma'am, sir!"

"Miss, tatlong room. Dalawang double at isang single."

Nag-abot ng card si Alden.

"Bakit dalawang double? You mean...magkasama tayo sa isang kwarto?"

"Wag kang magpanic Maine, wala namang mangyayari. Besides, malapit na tayong ikasal."

Oh my! Bakit ba sa tuwing ito ang pinag-uusapan namin...hindi ako mapalagay??

Binigay na ng babae ang card ng room namin.

"Let's go!" kinuha ni Alden ang kamay ko at umakyat na kami sa taas.

Habang nasa elevator kami, hindi ko mapigilang hindi tumitig kay Alden. For almost four years na naging kami...ngayon lang ulit kami nagkita at nagkasama.


Dati, para kaming mga aso't pusa dahil palagi kaming nag-aaway. Pero ngayon...kulang na lang langgamin kami.

"Bakit ka nakangiti dyan?" tanong sa'kin ni Alden.

"Ha? Wala, may naisip lang ako."

"Namiss mo ba ako?"

Ngumiti ako...
"Hindi ah!"

"Talaga lang ha?"

"Eh ikaw, na-miss mo ba ako?"
balik kong tanong sa kanya.



Sa halip na sagutin nya ang tanong ko, inilapit nya ang kapit nyang kamay ko sa bibig nya para halikan ito.



Sa tingin ko, hindi na nya kailangan pang sagutin ang tanong ko. Nararamdaman ko kung gaano nya ako na-miss.

Something That We're NotWhere stories live. Discover now