The Return

2.2K 97 6
                                    

Maine's POV

"Syokoy, anong ginagawa mo dito? Akala ko nasa Canada ka?"

"Surprise! Ayaw mo yata eh, sige...babalik na lang ako."

Tumalikod sya at naglakad palayo. Hinabol ko naman sya at niyakap sya mula sa likod nya.

"Ikaw naman. Masyado namang matampuhin ang syokoy ko. Syempre, gusto kong andito ka. Nagulat lang talaga ako dahil kanina lang kausap kita sa phone."

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at humarap sya sa'kin. Hindi ako makapaniwalang kasama ko na ulit ang boyfriend ko after four years.

Oo, kami na ni Alden. Yung syomai at syokoy ang endearment namin. Medyo weird pero yun ang gusto namin. Syomai dahil 'syota ko si Maine' at syokoy dahil 'syota ko si Tisoy'. Ang bilis ng panahon, pero ano nga bang nangyari five years ago?



Flashback...

Umuwi na ako sa bahay pagkatapos kong pumunta sa airport. Pero hindi ko akalaing makikita ko dun si Alden. Nakakatuwa 'di ba? Mukha akong tangang nagdadrama sa airport tapos yun pala...nasa bahay lang si Alden.

"Maine, saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap."

Hindi agad ako sumagot. Niyakap ko lang si Alden nang mahigpit.

"Akala ko...umalis ka na."

Hinawakan nya ako sa magkabila kong balikat para tingnan ako sa mukha.

"Ha? Hindi naman ako aalis nang ganun-ganun lang Maine. Syempre, magpapaalam ako sa'yo."

Napansin ko ang mga maleta na nasa sala. Ibig bang sabihin nyan...aalis na sya??

"Aalis ka na?"

Tumango lang si Alden. Napayuko sya bigla.

"Maine, wala na si mommy."

Ramdam ko ang pagkalas ng kamay ni Alden sa balikat ko. Pakiramdam ko, may kung anong mabigat na dumagan sa dibdib ko. Ang bigat.

Ang sakit makitang nahihirapan si Alden sa pagkawala ng mommy nya. Ang bilis naman yata. Hindi ko man lang nakita si tita.

Alam kong umiiyak na si Alden pero pilit nya itong pinipigilan. Niyakap ko na lang sya para mabawasan ang hapdi ng nararamdaman nya.

Hindi nagtagal at umalis na si Alden. Alam kong nahihirapan sya sa sitwasyon nya ngayon. Kailangan nyang umalis at wala akong karapatang pigilan sya.




After two weeks, bumalik na rin sya para sa graduation namin. Nagkaroon sya ng problema sa academic dahil sa mga absent nya. Hindi nya nahabol ang mga kulang kaya naungusan ko sya.

Siguro kung gaya pa rin ako ng dati...na makasarili at walang pakialam kay Alden...magiging masaya ako dahil naging valedictorian ako.

Pero sa halip na ganun ang maramdaman ko, nalulungkot ako. Mas gugustuhin ko pa ang sitwasyon namin dati. Kahit na nag-aasaran kami at kinaiinisan ko sya dahil sa standing namin sa school, at least alam kong masaya sya. Kumpara ngayon na ang bigat ng pinagdadaanan nya dahil sa pagkamatay ng nanay nya.

Nakatayo ako ngayon sa harap ng mga estudyanteng magtatapos ng high school para sabihin ang speech ko.

"Noon pa man, pangarap ko na ang makuha ang pwestong ito. Bata pa lang ako, sinabi ko sa sarili ko na walang hahadlang sa'kin para maging valedictorian. Pero sa isang iglap lang, may isang taong biglang sumingit sa eksena at inagawan ako ng pwesto. Totoong magaling sya at inaamin kong hindi ko sya kayang talunin. Pasensya na kung sasabihin ko sa inyo ngayon na...hindi ako ang dapat nakatayo ngayon sa harap ninyo at nagsasabi ng valedictory speech. Hindi para sa'kin ang karangalang ito..."

Tumingin ako kay Alden at nakita kong punong-puno ng pagtataka ang mukha nya.

"...kundi para kay Alden. Hindi ko man magagawang ibigay sa'yo ngayon kung ano ang para sa'yo...pero gusto kong malaman mo na lahat ng effort ko para makuha 'to ay iniaalay ko hindi lang sa pamilya ko kundi para sa'yo mismo Alden."





Bumaba ako para lapitan sya at yakapin. Matapos ang speech ko, pumalakpak ang lahat ng tao at hindi rin nila napigilang hindi umiyak.



Something That We're NotWhere stories live. Discover now