Confrontation

2.1K 109 2
                                    

Maine's POV

Hindi ko akalaing marunong palang magluto si Paris ng ilang menu. He prepared some dishes for us. Feeling ko tuloy, it's a dinner date for three. Para lang kaming nasa isang resto.

"Let's have some wine!" dala-dala ni Paris ang isang bote ng wine at tatlong baso.

He opened it and poured in the glass. Inabot nya ang isa kay Alden at kinuha naman ito. Balak pa lang sana ibigay sa'kin ni Paris ang isang baso nang kunin ito ni Alden. At sa halip ay pinalitan nya ito ng baso ng tubig.

"She can't drink. Tubig lang ang sa kanya." kinuha ni Alden ang kamay ko at nilagay dito ang baso ng tubig.

Pareho naman kaming nagulat ni Paris.

"Pero wine lang naman 'to, hindi nakakalasing." sabi ni Paris.

"Wine is an alcoholic drink...may alcohol content pa rin kahit konti lang." Alden said.

"Pero Alden, kaya ko naman. Hindi ba dati uminom na rin naman ako." I complained.

"Pero hindi mo alam kung anong nangyari noong huli kang uminom."



Geez! Wala talaga akong kawala sa isang 'to. Bakit ba ganyan sya? Oo, alam ko namang hanggang ngayon eh hindi ko pa rin natatandaan kung anong nangyari last time. Pero hindi tamang pagbawalan nya ako na parang daig pa nya si papa.

After ng ginawa nya kanina, now he acted like he cares.

Wala akong nagawa kundi ang pagtyagaan ang tubig. Inubos ko ang laman ng baso sa isang buhos lang. Sa tubig na lang ako magpapakalasing.

(Cellphone ringing)


"Excuse me. I need to answer this."

Umalis agad si Alden nang tumunog ang cellphone nya. Sino ba kasi yun? Bakit ayaw nyang iparinig sa'min ang usapan nila? Si Cindy ba yun?!




"Siguro kung nakakatunas lang ang titig, malamang kanina pa tunas ang cellphone ni Alden."

Natauhan ako bigla. Masyado akong nao-occupied ng mga naiisip ko. Hindi ko alam na kanina pa pala ako nakatitig kay Alden. Tumingin ako kay Paris.

"Just admit it...you're jealous of that person."




Bakit ganun? Bakit parang lahat ng kinikilos ko nababasa ni Paris? Ganun ba ako ka-transparent para malaman nya kung anong nararamdaman ko?

"Naiinis lang ako dahil kanina pa sya tinatawagan nun. It seemed very important for him, kanina nya pa rin kasi yun hinihintay. Never naman syang naging ganyan dati pagdating sa phone call."


"You know what Maine, why you don't just tell him your feelings? I think pareho naman kayo ng nararamdaman. Mahal nyo ang isa't isa pero pareho lang kayong indenial."


I laughed.
"Iba ka rin noh. Ikaw pa ang nagpu-push sa'kin na magtapat kay Alden. Karibal mo sya pero nagagawa mo pa akong suportahan sa kanya."



Tumawa rin sya...
"I'm just doing the right thing. What's the point of getting someone when that someone got already what she wants? Mas mahihirapan lang ako kung pagpipilitan ko pa ang sarili ko."



Kinuha ko yung bote ng wine at naglagay ako sa baso ko.

"Tara, inom na lang tayo tutal pareho naman tayong may pinagdadaanan." tinaas ko ito para hingian si Paris ng isang toast.



"Pero Maine, sabi ni Alden hindi ka pwedeng uminom."




"Don't mind him. Konti lang naman eh at hindi ako malalasing sa wine."




Wala nang nagawa si Paris. Itinaas nya rin ang baso nya at nag-toast kami. Pero ilalapit ko pa lang sa bibig ko ang baso para uminom nang- tabigin ito ni Alden. Nabitawan ko tuloy ang baso at nabasag.

"Ano ba Alden? Bakit mo yun ginawa?" galit na sabi ko sa kanya.

I can't help it. He's acting too much.





"Sabi ko hindi ka iinom!"


Tumingin sya kay Paris...
"Bakit mo sya hinayaan? Hindi mo alam kung paano sya malasing!"


"Huwag mong idamay si Paris, wala syang kasalanan dito at saka hindi naman ako nakainom."

Sa akin naman sya lumingon and this time, hindi sya nagsalita. Hinawakan nya ako sa wrist ko at hinila palabas ng dining area. Pilit kong inaalis ang pagkakakapit nya sa'kin pero masyado syang malakas.

"Alden, just let me go...nasasaktan na ako!"

Binitawan nya lang ako nang mapunta kami sa garden ng bahay ni Paris. Humarap sya sa'kin...

"Bakit ka ba nagkakaganyan? Bakit ayaw mong uminom ako? Ano bang problema mo?"


"I'm just protecting you Maine."


"Protecting? Nagpapatawa ka ba Alden? Ano namang gagawin kong masama kapag nakainom ako?!"

Hindi ko mapigilang hindi magalit sa kanya. Okay naman ang lahat ah. Pero bakit masyado syang nagiging OA? Bakit? Hindi ko talaga maintindihan dahil hindi nya sa'kin sinasabi.

"Ano ba kasing nangyari last time? Bakit hindi mo na lang sabihin sa'kin?!"





"I'm just afraid that you'll deny everything kapag may naalala ka. I'm protecting you...because the last time  you drink..."

Something That We're NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon