Begin Again

2.2K 99 4
                                    

Alden's POV

"Alden...wala akong time para makipagbiruan sa'yo ngayon."

Umalis ako sa bike ko at pinarada ko ito sa gilid. Lumapit ako sa kanya...

"Maine, I'm serious...I said I love you!"



Tumawa sya bigla at alam kong pilit lang ang tawa nyang yun.
"Ang gulo mo talaga. Hindi ba sinabi mong kalimutan na natin ang lahat at tapusin na natin ang dare? Tapos ngayon, sasabihin mong mahal mo ako? Do you think I would believe you?"




"Pero Maine hindi pa naman ako tapos nang sinabi ko yun. Sabi ko kalimutan na natin ang lahat at magsimula ulit tayo..." hinawakan ko ang mga kamay nya.

"At sinabi ko ring tapusin na natin ang dare...dahil gusto kong totohanin na ang lahat."





Nakita ko kung paano magbago ang expression ng mukha ni Maine. Her reaction softened, hindi gaya kanina na parang gusto nya akong kainin dahil sa galit nya.

"P-pa'no ako maniniwalang totoo nga ang sinasabi mo? Baka mamaya, pinagtitripan mo lang talaga ako."



"I promise!"

I took her hand and showed her my pinky swear.(pabebe swear)





"If I said I love you...it means I love you...and I do."

Hindi ko na sya hinayaan pang magsalita. I hugged her tightly to let her feel secured and to make her realize that I won't let her go.

This may be the least thing I can do for her this time but I promise that whatever happens...my feelings for her will never change.









.

Kumalas si Maine sa yakap ko at tumingin sa'kin...

"Alden..."





"Bakit?"







"Wala ba tayong balak na sumilong, umuulan na."






Tumingala ako at saka ko lang na-realize na umuulan na pala. Hindi ko man lang namalayan dahil sa higpit ng yakap ko sa kanya...hindi ko na napapansin kung anong nangyayari sa paligid ko.










Isinakay ko sya sa bike ko at naghanap kami ng masisilungan pero biglang lumakas ang ulan kaya nabasa rin kami. Dumiretso na lang kami sa bahay dahil baka mas lumakas pa ito at hindi kami makauwi agad.




Pagkarating namin sa bahay...

"Bakit ngayon lang kayo at saka bakit kayo sumugod sa ulan?" bungad sa'min ni tita.



"'Ma, may ginawa lang kami sa school. Baka kasi mas lumakas pa ang ulan kaya pinilit naming umuwi na kahit mabasa kami kaysa naman magabihan talaga kami." si Maine na ang sumagot.






"Sige na, magpalit na agad kayo ng damit dahil baka magkasakit kayo."





Nauna nang umakyat sa taas si Maine. Habang ako eh paakyat pa lang sa hagdan.

"Alden, hijo..."




Lumingon ako...
"Po?"




"Tumawag nga pala dito ang daddy mo. Sinabi nya ang nangyari sa mommy mo. Anong balak mo ngayon? Aalis ka ba?"






Alam na pala nina tito at tita ang nangyari kay mommy. Alam kong masyado pang maaga bago magdesisyon pero kung talagang kailangan na...wala akong magagawa.



"Sa ngayon po hihintayin ko muna ang progress sa condition nya. Pero kung talagang malala na...maybe that's the time I need to go in Canada."





"Sana nga gumaling na ang mommy mo. I wish for her speedy recovery."







"Tita...pwede po ba akong humingi ng pabor?"








"Ano yun hijo?"






"Please, wag nyo po munang ipaalam kay Maine ang pag-alis ko. Gusto kong malaman nya yun kapag sigurado na ako."









"Sige, ikaw ang bahala."






"Thank you po."









At umakyat na ako sa kwarto ko.





My mom was now in hospital. She's confined last week because of her pneumonia. Yung time na madalas ko syang kausap...yun ang time na sinugod na sya sa hospital. I really feel bad for her condition. Kung noon, nakakausap ko pa sya sa telepono...ngayon hindi na. At sabi ni daddy, baka mapapaaga ang flight ko dahil kay mommy.




For now, hindi ko muna binabanggit yun kay Maine. Nagsisimula pa lang ulit kami at ayokong mabigla sya sa maaga kong pag-alis. Alam kong darating din ang tamang panahon para malaman nya yun.

Something That We're NotWhere stories live. Discover now