Gone

2.2K 109 7
                                    

Maine's POV

"Maine...babalik ako, pangako."

Iminulat ko ang mga mata ko nang muling bumalik sa isip ko ang sinabi sa'kin ni Alden. Tumingin ako sa paligid pero nasa ibang lugar na ako. Sa tingin ko, nasa hospital na talaga ako.

Paano ako napunta dito at si Alden, nasaan sya??

Bumukas ang pinto at nakita ko si Coleen.

"Ate, buti gising ka na."

"Nasaan si Alden?"

"Ha? Umalis na sya-"

Right after I heard those words, automatic akong napatayo.

"Ate, saan ka pupunta? Mataas ang lagnat mo, hindi ka pwedeng umalis!"

Sinubukan nya akong pigilan pero hindi ko sya pinansin. Tumakbo ako palabas ng kwartong yun.

"Ate!!!"

I tried my best to run faster as I can. Kung umalis na sya ngayon for sure maaabutan ko pa sya sa airport.

Alam kong masyadong cliche 'tong nangyayari sa'min ngayon. Isang eksena kung saan pipigilan ng babae ang pag-alis ng lalaki sa airport. Akala nya, umalis na ito but then hindi pala. Sasabihin ng lalaking mahal nya ang babae at hindi nya kayang iwan ito. At ayun, happy ending na.

Pero ang istorya namin ay hindi ganun. Dahil pagdating ko sa airport, wala na talaga sya. Umalis na sya, iniwan na ako ni Alden.

Walang Alden na nagpakita sa'kin.

Ayos lang naman sa'king umalis sya para puntahan ang mommy nya. Pero ang umalis sya nang hindi man lang nagpapaalam...masakit. Alam kong nabanggit na nya pero sana naman ginising nya man lang ako. Kung alam ko lang na paggising ko, wala na sya. Eh 'di sana, hindi na lang ako natulog.

Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng mga luha ko. Kanina lang andyan pa sya at nahahawakan nya ako. Pero ngayon, hindi ko na sya maabot.

Nag-stay ako ng isang oras sa airport. Ayokong umuwi sa bahay dahil alam kong wala si Alden dun. Kahit na ilang oras ko pa lang syang hindi nakikita...nami-miss ko na sya ng sobra.

Please Alden.  bumalik ka na.




























After five years...

"Kinakabahan ako. Hindi ko yata kayang tingnan ang result."

Nakadikit ang phone sa tenga ko habang tinatahak ko ang hallway ng university na pinapasukan ko. Ngayon ko na malalaman kung nakapasa ba ako sa aviation exam na kinuha ko.

Four years ago, nang piliin ko ang course na Tourism. Pangarap ko kasi talagang maging stewardess. Kaya hindi ako nagdalawang-isip na kunin ang course na yun.

Nang makarating ako sa dulo ng building, nakita ko agad ang bulletin board.

"Ano? Nakita mo na ang pangalan mo?" sabi ng kausap ko sa phone.

Dahan-dahan kong in-scan ang mga pangalan sa listahan mula sa baba. Wala pa akong nakitang pangalan ko nang itigil ko ang pagtingin.

"Syokoy, hindi ko yata kayang tingnan. Parang wala naman ang pangalan ko eh."

"Ano ka ba? Hindi mo pa naman nakikita lahat, susuko ka na. Sige na, hanapin mo na ang pangalan mo Syomai. Kaya mo yan!"



Huminga muna ako ng malalim bago muling tumingin sa board. Inisa-isa ko hanggang sa makarating ako sa top 10.

10...9...8...7...6...5...4...3...2...



1...



Waaaah! Totoo ba 'tong nakikita ko? Ako yung nasa 1?


"Syomai, ano? Nahanap mo na ba?"

"Syokoy....ako yung nasa top 1. Nakapasa ako!" halos hindi ko na maitago ang saya ko dahil sa naging resulta ng exam.

Toot...toot...toot.


Tiningnan ko yung screen ng phone ko. Namatay yung linya. Ayy, ano ba yan? Hindi man lang ako nabati ni syokoy.





"Sabi ko naman sa'yo eh, magagawa mo. Congrats!"


Natigilan ako nang marinig ko ang boses na yun. Agad akong lumingon para kumpirmahin kung sya nga.

Alden? Si Alden? Nananaginip ba ako o totoong andito sya? Paano...eh nasa Canada sya 'di ba?



Something That We're NotWhere stories live. Discover now