Hang Over

2.6K 128 2
                                    

Maine's POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa'kin. Iminulat ko ang mga mata ko at nalaman kong nasa kwarto ko pala ako. Biglang sumakit ang ulo ko at hindi ko matandaan kung ano ang nangyari kagabi.

I try to recall everything pero mukhang hindi ko talaga matandaan. The only thing that left into my mind is that...nalasing ako dahil niyaya akong uminom nung kaibigan ni Alden.

Ugh! Ano bang nangyari? What if...





...may hindi maganda akong ginawa kagabi?!



Naku! Huwag naman sana...nakakahiya kapag nagkataon!





Biglang may kumatok sa pinto pero sa halip na buksan ito. Nagtalukbong lang ako ng kumot. Paano kung si Alden yun? Hindi ko alam kung paano ko sya haharapin.

The door suddenly opened pero wala akong narinig na boses. Susubukan ko sanang silipin kung sino ang pumasok pero-

"Alam kong gising ka kaya bumangon ka na dyan."


Si Alden nga! Oh my! Anong gagawin ko? Kakausapin ko ba sya o magtutulog-tulugan lang ako???

Pero hindi ko malalaman ang totoo kung pagtataguan ko sya.

Kaya sige na Maine, harapin mo na sya!


Dahan-dahan akong sumilip sa kumot ko at nakita ko syang nakatayo lang dun.

"Okay na ba yung pakiramdam mo? Masakit pa ba ang ulo mo?"

He sounded like he cares for me.

Inalis ko na ang kumot sa mukha ko at umupo ng maayos.

"Medyo masakit lang ng konti ang ulo ko."

"Bumaba ka na para makapag-almusal ka na at pagkatapos, uminom ka ng gamot."

Lalabas na sana sya...

"Alden..."


Lumingon sya at parang nagtatanong ng 'bakit'.

"Hehe...yung about sa nangyari kagabi...gusto ko lang sanang malaman kung...may...hindi ako magandang nagawa o nasabi."

Nahihiya kong tanong sa kanya.

"You mean...wala kang naaalala?"

Para akong biglang kinabahan sa sinabi nya.

"Wala. Bakit? Meron ba?"





Matagal bago sya nakasagot...

"Wala naman. Maliban nga lang sa..."

"Maliban sa alin?"



"Wala. Kalimutan mo na yun, basta huwag mo na lang ulitin."






At lumabas na sya ng kwarto ko.

***







Bumaba ako para kumain ng almusal. Wala sina mama at papa dahil may pinuntahan daw kanina pa. Kami lang tatlo nina Alden at ng kapatid ko ang andito sa bahay.

"Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?"


Halos hindi ako makatingin ng diretso kay Alden. Pakiramdam ko talaga may mali eh at hindi ako mapapalagay hangga't hindi ko nalalaman.

"Alden..."


Tiningnan nya lang ako na parang wala man lang kaexpre-expression. Masyado syang seryoso kaya naman mas lalo akong kinakabahan sa tingin nya.

"Ano ba kasing nangyari kagabi pagkaalis ni Cindy? Sabihin mo na kasi...please?"



"Bakit ba gustong-gusto mong malaman ha?"



"Bakit ba ayaw mong sabihin?"



Tumayo sya na parang aalis na pero bago pa nya gawin yun, ako na mismo ang lumapit sa kanya. Hinarangan ko sya.

"Sige na Alden, please!"



"Kapag nalaman mo...baka hindi mo lang kayanin. Kaya kung ako sa'yo...huwag na lang."





Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

"Ano bang ginawa ko? Sumuka? Sinukahan ba kita?"


Hindi pa rin sya sumagot.

"Sumayaw? Sumayaw ako? Ahm...ano pa bang posibleng gawin ng isang taong lasing? Kumanta! Siguro kumanta ako?"




Ngumiti lang sya. Yung ngiting nakakaloko. Bigla tuloy akong may naisip.

Pero...





Aaaaaaahhhhh! No way!







Napahawak agad ako sa katawan ko at tumingin sa kanya ng masama.



Bigla syang lumapit sa'kin at akala ko may masama syang gagawin kaya napaurong ako. Pero nilapit nya lang ang bibig nya sa tenga ko at bumulong...




"Asa ka!"





Umayos na sya ng tayo at muling naglakad palayo. Pero tumigil sya at muling tumingin sa'kin.



"Hindi dahil lasing ka...pag-iinteresan na kita."







And he finally turned his back and went upstairs. While he left me dumb-founded here.



Aish! I really hate you Alden! Nakukuha mo pa talaga akong asarin. Ni hindi ko nga alam kung ano bang nangyari kagabi. Wala akong idea.

Something That We're NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon