Goodbye...

2.1K 97 1
                                    

Alden's POV

Kinuha ko ang kamay nya at mahigpit itong hinawakan.

"Maine...may kailangan kang malaman."




Wala na akong panahon pa. Kailangan ko na sa kanyang ipaalam ang pag-alis ko.

"Ano yun?"





"Last week, sinugod si mommy sa hospital dahil sa sakit nyang pneumonia."




"Ha? How was she? Okay na ba sya?"
Nakita ko ang concern ni Maine nang sabihin ko ang tungkol kay mommy.


"Unfortunately, mas lumala ang sakit nya. Hindi pa sigurado kung kelan ang alis nya sa hospital. My dad said na mas lumalala raw ang sakit nya."






Ipinatong nya ang isa pa nyang kamay sa balikat ko para pagaanin ang nararamdaman ko.

"Pero Maine, hindi lang yun ang sasabihin ko sa'yo. Ang totoo kasi nyan...kailangan ko ng umalis papuntang Canada."






Akala ko mabibigla sya sa sasabihin ko pero sa halip, ngumiti sya sa'kin.


"Naiintindihan ko Alden. Kailangan kita pero...mas kailangan ka ng mommy mo. Kaya ko naman 'to...lagnat lang 'to. Sana nga lang gumaling na agad sya, gusto ko syang makita. Kelan ba ang alis mo?"






Napayuko ako.




"Hindi pa ako sigurado pero sa tingin ko, anytime baka umalis ako."




Tumingin ako sa kanya.

"Don't worry Alden. Kaya ko namang maghintay. Kapag umalis ka, babalik ka rin naman agad 'di ba?"




Tumango ako sa kanya. Hinipo ko ang noo nya at medyo mataas pa ang lagnat nya.

"Maine, mas mabuti siguro kung magpahinga ka na ulit para bumaba na ang lagnat mo. Nagpaulan pa kasi tayo kahapon...kaya ayan, nilagnat ka."


Kinuha ko ang kumot para kumutan sya. Pero habang ginagawa ko yun, kinapitan nya ako ng mahigpit sa kamay ko.


"Alden, mangako ka sa'kin na paggising ko...andyan ka pa rin."

Nagulat ako sa sinabi nya. Alam kong payag syang umalis ako pero ramdam kong ayaw nya akong mawala sa tabi nya.

"Maine..."


Kinuha ko ang nakakapit nyang kamay sa'kin at nilagay ito sa may gilid nya.

"...babalik ako, pangako."

Something That We're NotWhere stories live. Discover now