Indenial

2.2K 104 6
                                    

Maine's POV

Lakad dito...lakad doon. Kanina pa ako pabalik-balik sa harap ng kwarto ni Alden. Actually, maaga akong nagising kanina. Masyado akong occupied sa mga bagay na nangyari kahapon. Kay Alden. At pati na rin ang mga napag-usapan namin ni Paris.

Late na pero hanggang ngayon, hindi pa rin lumalabas ng kwarto si Alden. Ewan ko nga ba sa isang 'yon...kung ano ba talaga ang totoong problema nya...namin?

Pinagmasdan kong mabuti ang pinto. Dapat ko na ba syang katukin?

Ah hindi. Alam ko, lalabas din sya ngayon din.




Pero...pa'no kung wala syang balak na lumabas??


Ano kayang ginagawa nya ngayon??

I can't help it. Kaya naman naisipan kong lumapit sa may pinto at idikit ang kanang tenga ko dito upang pakinggan kung ano ang nangyayari sa loob.


Pero biglang bumukas ang pinto at muntik nang bumagsak sa sahig ang katawan ko. Sa halip na sahig ang sumalo sa'kin, yakap ni Alden ang naramdaman ko.



Ilang segundo bago ako nakarecover sa nangyari. Eh hindi ko naman sukat akalaing bubuksan pala ni Alden ang pinto. Ayan tuloy, nahuli nya ako sa akto.


Agad akong lumayo sa kanya nang mag-sink in sa'kin ang nangyari.

"Ah...eh..."




Inayos ko muna ang sarili ko at pati ang magulo kong buhok bago muling magsalita.




"Ahehe...good morning! A-ano kasi..."



Hindi ko alam kung paano ako makakalusot sa kahihiyang ginawa ko.



"...kasi ano..."




"Hindi mo kailangang magpaliwanag. Wala akong pakialam kung kanina ka pa dyan naghihintay sa labas ng kwarto ko." seryosong sabi nya.

Heto na naman po tayo! Umiiral na naman ang kasupladuhan nya. But unlike before, halata mo ngayon ang pang-aasar sa tono ng pananalita nya.

Nilampasan nya ako nang isarado nya ang pinto at naglakad palayo sa'kin.




Sinundan ko sya at sumabay ako sa paglalakad nya.



I try to calm myself. Hindi ako dapat magpatalo sa kanya. I want him to realize that he can't be like that to me for a lifetime.




"Oo. Kanina pa nga kita hinihintay sa labas ng kwarto mo kasi nga late na pero hindi ka pa rin lumalabas. I'm just worried. You know...I'm your girlfriend!" may paglalambing kong sabi sa kanya.




Tumigil sya sa paglalakad at humarap sa'kin.
"You're saying that you're my girlfriend. Pero bakit kung makaakto ka, parang hindi?"



"What do you mean?"



I know he's referring about Paris' gift. Ayoko lang na sa'kin manggaling. I want to hear it from him directly.


"Bakit mo pa tinanggap yung binigay sa'yo ni-"

Bigla syang napatigil at agad na umiling.

"W-wala! Just forget it!"


And he continue to walk. I followed him again while he's heading towards the kitchen.






"Alden, nagseselos ka ba kay Paris?"
I asked him frankly. Ako naman 'tong nagsimulang mang-asar.







He smirked.

"At bakit ako magseselos sa Paris na yun? Bakit? Mahal mo ba sya at dapat akong magselos sa kanya?"







Nagulat ako sa agaran nyang pagsagot. Napalunok na lang ako.

"I don't need to be jealous of anyone because I knew from the start that you only love one person..."







Bigla syang lumapit sa'kin taking all the distance between us. Parang mauubusan ako ng oxygen dahil hinarap nya ang mukha nya sa'kin. Halos magtama ang mga ilong namin.
-_-






"...and it's me right?"

Something That We're NotOù les histoires vivent. Découvrez maintenant