Confused

2.2K 106 1
                                    

Maine's POV

"You love Alden, right?"

Napatingin agad ako kay Paris nang sabihin nya yun.

"You don't need to answer, halata namang mahal nyo ang isa't isa. Hindi ka nya liligawan kung hindi ka nya mahal at hindi mo sya sasagutin kung hindi mo sya mahal. Oo nga...hindi ko naisip yun agad."

He laughed...a bitter laugh.

"H-hindi ko alam Paris." mahina kong nasabi pero sapat lang para marinig nya.

"What do you mean? Alin ang hindi mo alam?"

"Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko. Naguguluhan na 'ko...ang kumplikado ng sitwasyon namin ngayon."

Halata sa mukha ni Paris ang pagkalito sa mga sinabi ko.

"Ang totoo kasi...hindi naman naging kami dahil sa mahal namin ang isa't isa. Would you believe me if I tell you that it's just all because of a dare?!"

Mas lalong kumunot ang noo ni Paris. He couldn't say a word pero alam kong gusto nyang malaman ang lahat.

"We really hate each other....I mean, I really hate him. Naiinis ako sa kanya dahil simula nang dumating sya sa buhay ko, sya na ang palaging top sa klase. Inagaw nya ang pwesto ko. That's why I really want to get rid of him. Nagkaroon kami ng dare na kung matatalo ko sya sa major exam then...aalis na sya sa bahay at lilipat ng ibang school. Hindi ko alam kung bakit ang dali nyang pumayag sa bagay na yun. Para bang sigurado syang hindi ko sya matatalo para isugal nya ang sarili nyang pag-aaral."

"But then, mukhang tama sya. Tinalo na naman nya ako sa major exam. At alam mo yung kondisyon nya? Maging kami! Alam ko namang sinadya nya yun para lang asarin ako. Alam nya kasing galit na galit ako sa kanya kaya kung magiging kami...para na rin nyang ginuho ang mundo ko. Kaya eto it's like we're something...that we're not."



I sighed.



"Haist! Naguguluhan na ako...hindi ko alam kung tama pa ba 'tong nararamdaman ko." napahawak ako sa tapat ng puso ko.




"Sorry Paris! Sorry kung sa'yo ko pa talaga sinabi ang mga bagay na 'to."





Ngumiti sya.
"It's okay. At least kahit hindi ako ang mahal mo...naging honest ka pa rin sa'kin."



"Kung naguguluhan ka sa nararamdaman mo. Then, I'll help you to figure it out."

Hindi ko alam kung paano ako tutulungan ni Paris. Bahala na. Siguro dapat ko lang muna itulog 'to.

***


















Alden's POV

Medyo tinanghali ako ng gising, nawala sa isip kong may lakad nga pala kami. Hindi agad ako nakatulog kagabi dahil sa ilang mga bagay...well I think hindi na mahalaga kung ano man yun.

Mabilis lang akong naligo at nag-prepare ng sarili. Pinihit ko na ang doorknob para lumabas ng kwarto ko pero-

hindi ko inasahang sa pagbukas ko...







si Maine ang bubungad sa'kin! Muntik na syang bumagsak sa sahig but luckily...nasalo ko sya. Nayakap ko sya ng wala sa oras.



Matapos ang ilang segundong nasa ganun kaming posisyon, agad syang dumistansya sa'kin nang magsink-in sa kanyang magkayakap kami.

Umayos sya ng tayo at hinawi nya rin ang ilang hibla  ng buhok na nakaharang sa harap ng mukha nya.

"Ah...eh..."

She really looks nervous right now. Kahit na hindi ko pa sya tinatanong kung anong ginagawa nya sa harap ng kwarto ko...para bang nabasa na nya ang nasa isip ko dahil sa expression ng mukha ko.

Something That We're NotWhere stories live. Discover now