Moments

2.4K 116 10
                                    

Maine's POV

Pagkatapos ng experience namin sa pagtitinda, ipinasyal naman kami nina Angelique at Carl sa isang maliit na farm. Napakaraming mga puno kaya presko ang buong paligid. Hindi pa kami nakakapagpahinga ni Alden nang tawagin kami ni Angelique.

Pinasunod nya kami sa kanya hanggang sa makita namin si Carl na nakatingala sa taas ng isang punong mangga.

"Anong meron dito?" tanong ni Alden kay Carl.


"Umakyat po kasi yung alaga kong pusa sa taas ng puno. Hindi na sya makababa ngayon dahil nasabit sa sanga." paliwanag naman ni Carl.


Pareho kaming tumingala at nakita nga namin ang pusa ni Carl.

"Ate Maine! Gusto pong akyatin ni Carl ang puno pero sabi ko wag na dahil baka mapahamak sya." sabi naman sa'kin ni Angelique.

"Pigilan nyo po sya!"





"Carl, tama si Angelique, delikadong umakyat ka dyan. Buti pa, ako na lang ang kukuha sa alaga mong pusa."

Lalapit na sana ako pero hinawakan ako ni Alden sa kamay.

"Baliw ka ba? Ikaw? Aakyat dyan sa puno?"



"Ha? Oo, ano naman?"



"Sigurado ka? Tingnan mo nga kung gaano kataas yan!" may pang-iinsultong sabi sa'kin ni Alden.

Tiningnan ko nga ang puno. At oo, mataas nga. Hindi naman talaga ako marunong umakyat ng puno though gusto kong itry, natatakot pa rin ako. Kaya lang gusto ko lang namang si Alden ang mag-offer sa'kin ng huwag na! Ako na lang, baka masaktan ka lang!






"Eh mababa lang naman. Kaya ko yan!" matapang kong sagot but deep inside I'm waiting for his offer.





"Talaga lang ha! Sige, akyatin mo na!"







Napalunok ako. So, yun lang yun? Hindi man lang nya ako pipigilang umakyat sa napakataas na puno?


"Carl, Angelique...i-cheer nyo ang ate Maine nyo sa pag-akyat. Para hindi naman sya panghinaan ng loob." dagdag pa nya.



Nakisakay din yung dalawang bata at sinunod nga ang utos ni Alden.

"Go! Ate Maine, kaya mo yan!"


"Ate Maine, iligtas mo na ang alaga ko! Dali!!!"





At muli akong tumingin kay Alden na hindi mapigilang ngumiti.

"What are you waiting for? Umakyat ka na! Don't tell me...natatakot ka at gusto mong ako na lang ang umakyat para sa'yo?"



"Of course not! I can manage this. Alam kong kaya ko!" I said confidently.




Inalis ko ang suot kong doll shoes bago tuluyang lumapit sa may puno.

Geez! At hindi man lang nya talaga ako naisipang pigilan. I hate you Alden! Kasalanan mo 'to!






Kinakabahan akong lumapit sa puno at pinapawisang kumapit dito.

Oh my!!! Parang hindi ko yata kaya!









Alden's POV

Natatawa akong pinagmasdan si Maine na lumapit sa puno. Mukhang seryoso nga sya sa gagawin nya ha...only to prove that she can without my offer.


Dahan-dahan nyang inangat ang paa nya paakyat sa puno. She did her best to climb pero hirap na hirap pa rin sya. Ang lakas pa ng loob nyang gawin ang bagay na yun kahit naka-dress sya. Napapailing na lang ako.

"Go ate Maine!!!" cheer ng dalawang bata sa kanya.

Hindi pa nga sya nakakausad nang bigla syang dumulas. As I expected, napabitaw sya kaya agad akong lumapit para saluhin sya. I carry her like a bride.



Nakita ko ang mukha nya na takot na takot. Namumula sya. Hindi ko alam kung dahil ba sa takot or....dahil malapit na naman ako sa kanya.


"Okay lang na umakyat ka kahit mataas. I'm here to catch you!" I told her intentionally para asarin sya.





Mas lalong namula ang mga pisngi nya na mas lalo kong ikinatuwa. I can't help myself but to laugh. Pero bago pa sya kiligin sa sinabi ko, sya na mismo ang pilit na bumaba.


"Ibaba mo na nga ako!"


Binaba ko na sya pero hindi pa rin maalis sa'kin ang tumawa.


"Kahit kelan, ang corny mo talaga Alden!"


"Pero kinilig ka naman."


"Hindi ah!"




"Weh?"





"Hindi nga. I'm pissed off!"







Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko sya sa magkabilang balikat nya.


















"Don't worry, ako ng aakyat para sa'yo!"

Something That We're NotWhere stories live. Discover now