The Dare

3.6K 140 3
                                    

"Of course you'll deny it. Pero kahit na anong sabihin mo, hindi ako maniniwala."

"Then fine. Wala akong magagawa."

And he just continued his eating.

Ha? So, ganun-ganun lang yun? I hate this. Isa 'to sa mga bagay na kinaiinisan ko sa kanya. Sya yung tipo ng taong walang pakialam sa nararamdaman ng iba. Kahit na galit na galit ka na sa kanya...he'll just ignore you.

"Kelan ka ba aalis dito sa amin ha? Kelan ka lilipat ng school? Bakit ka pa ba andito...umalis ka na!!!"

I really hate him! At kung kailangang ipakita ko talaga sa kanyang ayoko sa kanya...then gagawin ko.

"Alam mo tahimik na ang buhay ko dati pero ng dumating ka...my life became a big mess! Iisa lang naman ang hinihiling ko sa'yo eh...umalis ka na sa bahay namin!"


He just remained calm like I was saying nonsense.

"Kaya ka ba nagiging ganyan dahil sa natatalo kita sa klase?"


Nagulat ako nang sabihin nya yun. Aba at hindi naman pala manhid ang isang 'to! Nararamdaman nya pala kung anong nangyayari sa paligid nya.

"To tell you honestly...oo. Naiinis ako sa'yo dahil simula nang maging magka-kaklase tayo, feeling mo ikaw na ang pinakamagaling sa lahat. Nakukuha mo ang atensyon nila na dapat sana sa'kin."



I looked at him intently.

"I'm not telling this para isipin mong mas magaling ka talaga sa'kin. I'm saying this because I want you to leave our lives. You don't belong here and will never be. Kaya umalis ka na!"





Hindi agad sya nagreact. But I just keep on staring at him as if I was dead serious about what I've said.







"Sige. Aalis ako."








Nagulat ako sa sinagot nya sa'kin. Is it true? Aalis sya?





"Aalis ako...kung matatalo mo ako sa ranking ng major examination natin."












So, may kondisyon ang pag-alis nya? At yun ang kondisyon nya? Nagbibiro ba sya? Of course, kaya kong gawin ang bagay na yun.







Tumayo ako at inilapit ko ang mukha ko sa kanya with a grin on my face.

"Hinahamon mo ba ako? Sa tingin mo ba, aatrasan kita?"












"Sa major examination, sisiguraduhin kong matatalo kita at kapag nangyari yun...aalis ka na dito sa amin."

I said confidently.










"Pero kapag hindi..." he said.









Dumistansya ako sa kanya at tumayo ng maayos.


"Kapag hindi? Anong gagawin mo?"









"Kapag ako ang nanatiling number 1 sa ranking..." bigla syang ngumiti.








At nagulat ako nang sya naman ang lumapit sa'kin hanggang sa ilang inches na lang ang layo ng mga mukha namin.




"...magiging tayo!"










Para akong nabingi sa sinabi nya. What a joke! Naririnig ba nya ang sinasabi nya??




Tinulak ko sya palayo sa'kin.

"What? Magiging tayo? As in...girlfriend-boyfriend?!"





Tumango sya na parang confident na confident sa sarili nya.









"Nababaliw ka na ba? Anong klaseng kondisyon yun?"





"Bakit? Natatakot ka bang baka maging tayo?"







"Of course not! Alam kong ako ang mananalo. Sige, kung yan ang gusto mo."


I said without any hesitation.





End of flashback...

Something That We're NotUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum