The Truth

2.6K 122 23
                                    

Alden's POV

Pumasok ako mag-isa dahil nauna na si Maine. Habang naglalakad sa hallway, halos lahat ng tao nakatingin sa akin. Nakakapagtaka lang dahil hindi naman sila ganyan dati. Anong problema?

Biglang nag-ring yung phone ko, tiningnan ko naman agad ito. At nakita kong may nag-send sa akin ng isang video. I press the 'play' button.



"Alden...please...answer me."

"Tama na Maine. Tigilan na natin ang lahat ng 'to. Tapusin na natin ang dare...simula ngayon...wala ng dare...hindi na tayo magpapanggap na mag-boyfriend at mag-girlfriend."


Nagulat ako nang makita ko ang video. Kuha yun kahapon nang mag-usap kami sa room. Sino naman kaya ang taong kumuha sa amin ng video?? Sa pagkakaalam ko, wala ni isang tao sa room maliban sa'min. At bakit nya ginawa yun? Anong gusto nyang mangyari?

Kaya pala, ganun na lang ang naging reaksyon ng mga estudyante sa'kin nang makita ako. Siguro dahil hindi rin nila inakala ang bagay na yun. Hindi ko naman sila masisisi...pinaniwala namin silang totoo ang relasyon namin ni Maine.











Dali-dali akong nagtungo sa room namin para puntahan si Maine pero bago pa ako makarating doon-nakita ko na sya sa may hallway na pinalilibutan na naman ng tatlong babaeng minsan ng nang-harass sa kanya.

"So...it was just a dare! Sabi na nga ba at hindi totoo ang feelings sa'yo ni Alden. Pinikot mo lang sya!" one of the girls said, their leader I think.









Lumapit ako sa kanila.

"Hindi nya ako pinikot. Walang kasalanan si Maine dahil ako ang nagsimula ng lahat. Kaya wag nyo na syang guluhin pa."







"Wow, Maine's too lucky to have a prince charming! Andito ka ba Alden para iligtas ang iyong damsel in distress?" sa akin naman natutok ang atensyon nilang lahat.



"Pero tama na Alden dahil tapos na ang pagpapanggap na kunwari nag-aalala ka sa kanya. Alam na naming lahat na palabas nyo lang yun."

Ayoko silang patulan dahil lang sa maliit na bagay na 'to pero kung ito lang ang tanging paraan para tigilan na nila si Maine, gagawin ko.

"Totoo yung nasa video, totoong dare lang ang nangyari. Pero itong ginagawa kong pagprotekta sa kanya...hindi na ito pagpapanggap. I really care for her and I promised to protect her."



Balak pa sana akong lapitan nung isang babae pero agad akong umurong.


"Well...I don't believe you. Kahit na anuman pa man ang sabihin mo...it will never change the fact that you fooled us...you fooled everyone. Kaya tigilan mo na ang pagprotekta sa babaeng 'yan. She doesn't deserve you Alden!"







"She does...because I love her! Kaya simulan ngayon, layuan nyo na sya dahil pagmamay-ari ko na sya. No one can touch her without my permission."





Kinapitan ko si Maine sa kamay para hilahin palayo sa mga babaeng yun. At nang madala ko sya sa safe na lugar, agad akong humarap sa kanya.

"Maine, are you okay?"



Nakita kong namumutla sya. Parang wala syang lakas na kumilos. Nilagay ko ang palad ko sa noo nya para i-check ang temperature nya at doon ko lang nalamang nilalagnat pala sya.


"Kailangan mong madala sa infirmary."





Muli ko syang hahawakan nang bigla na lang syang nawalan ng malay. Buti na lang at nasalo ko agad sya. I immediately bring her to the clinic.
***


















Kanina pa ako nakatitig sa screen ng cellphone ko. Hinihintay ko ang tawag ni dad sa update ng condition ni mommy.

Napaangat ang tingin ko kay Maine na natutulog sa kama.

Bakit ngayon pa? Bakit nagkasabay pa silang dalawa? Alam kong mas kailangan ako ng nanay ko pero kailangan din naman ako ni Maine.



Naisubsob ko na lang ang mukha ko sa malambot na kamang nasa harap ko. Hanggang sa-may mainit na kamay akong naramdamang kumapit sa'kin...

"Alden..."




Tumingin agad ako sa kanya at nakita kong nakangiti sya.

"Okay ka lang?"



Umayos ako ng upo at tumango sa kanya.

"Ako dapat ang nagtatanong kung okay ka lang."



Ngumiti sya bigla.

"Medyo okay na pero kakayanin ko. Alden, kung may problema ka man...sabihin mo sa'kin ha."




Masyado bang halatang may problema ako? Dapat ko na bang sabihin kay Maine ang totoo??

Something That We're NotWhere stories live. Discover now