End

2.2K 116 11
                                    

Maine's POV

"Alden!"

Lumapit ako sa kanya nang tumigil sya sa paglakad.

"Please...mag-usap naman tayo."



Humarap naman sya sa'kin pero ni isang expression ng mukha nya, wala akong nakikita. He's just plainly looking at me.

"Bakit mo ba ako pinahihirapan ng ganito? The last time we talked you asked me to just forget everything. Pero bakit?"



"Bakit ganun lang sa'yo kadaling itapon ang lahat ng nangyari? Babalewalain mo na lang ba ang pinagsamahan natin?"


Pakiramdam ko, tutulo na ang mga luha ko. Pero pinigilan ko ito dahil mukhang wala namang pakialam ang kausap ko. Nakatingin lang sya sa'kin na parang wala lang sa kanya ang sinasabi ko.

"Alden...please answer me."


Lalapit pa sana ako pero umurong sya palayo.

"Tama na Maine. Tigilan na natin ang lahat ng 'to. Tapusin na natin ang dare."



Para akong nabingi sa sinabi nya. And that's the moment I realized na dare lang pala para sa kanya ang lahat. Ako lang pala 'tong nag-iisip na totoo ang lahat ng mga nangyari sa'min. Muntik ko ng makalimutan na...it was all about that freaking dare and nothing more special than that!


"Simula ngayon...wala ng dare...hindi na tayo magpapanggap na mag-boyfriend at mag-girlfriend..."





Hindi ko maintindihan kung bakit parang bumigat ang pakiramdam ko. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko at nagbabadyang tumulo ang mga luha ko.

Tapos na ang dare. Wala ng dare.



Hindi ko na sya pinatapos pa sa sasabihin nya. Tumakbo na ako palabas ng school. Gusto kong takasan lahat ng mga sinabi nya. Ayokong makita si Alden.

***












"Hija, kanina ka pa order ng order ng isaw ah. Baka magsakit na ang tyan mo."


Sinubo kong lahat ang natitirang isaw sa stick. At pinilit kong magsalita kahit na puno ang bibig ko.

"Ma-nong...ayaw mo nun...mauubos agad ang tinda nyong isaw. Okay lang na magsakit ang tyan ko...wag lang sana ang puso ko."


Ang sakit. Ang sakit ng nararamdaman ko ngayon.






Dumidilim na pero hindi ako sa bahay dumiretso. Dito ako sa paborito kong isawan tumambay. Kumakain ako ng isaw at halos ubusin ko na lahat ang isaw na nakikita ko sa stall ni manong.


I feel depressed. Bakit ganun? Ako parati ang lugi? Ako ang laging talo kapag si Alden ang kalaban ko? I'm weak! Talo na nga ako pagdating sa class standing tapos...tinalo pa nya ako sa feelings ko.

Ang daya nya talaga! Ang daya nya! Bakit ako ang mas naunang nahulog sa kanya?!

"Kuya, isa nga pong isaw."



Napalingon agad ako dahil sa pamilyar na boses na narinig ko. At laking gulat ko nang makita ko sya-

"Alden?"



Naka-uniform pa rin sya at sa tingin ko, hindi pa rin sya umuuwi ng bahay. Tumingin sya sa'kin, at saka ko lang naalala na galit nga pala ako sa isang 'to.

Bago pa sya magsalita, kinuha ko ang gamit ko at inabot ko ang buo kong pera kay manong para magbayad.

"Manong bayad ko, keep the change."




At dali-dali akong naglakad palayo sa isawan na yun.




"Maine!"


Tinatawag nya ako at sa tingin ko, sinusundan nya rin ako pero wala akong balak na lingunin sya at pansinin. Matapos nyang ipamukha sa'king dare lang ang lahat...magagawa ko pa bang kausapin sya?







Hindi ko na narinig ang boses nya at wala na rin akong naririnig na sumusunod sa'kin sa likod ko. Akala ko talaga, hindi na nya ako susundan pa pero mali ako. Bigla na lang kasi syang humarang sa dinadaanan ko sakay ang bike nya. Napatigil naman ako dahil sa gulat.




"Maine, mahal kita!" he said without any hesitation.





Ano?! Anong sinabi nya??? Nag-iilusyon lang ba ako o totoo ang narinig ko...mahal nya ako??



"Gusto mo pa bang ulitin ko para ma-gets mo?"









Hindi. Hindi totoo ang sinabi nya. Baka nagbibiro lang sya. Bakit naman nya yun sasabihin bigla? Eh 'di ba nga sabi nya kalimutan na namin ang lahat? Oo, tama. Baka pinagtitripan nya lang ako...at hindi na ako maniniwala sa kanya this time.

Something That We're NotWhere stories live. Discover now