Gift

2.2K 115 1
                                    

Maine's POV

"Oo Alden. Iisang tao lang ang mahal ko simula pa noong una. At ikaw yun!"

Yan ang mga katagang gusto kong sabihin sa kanya ng mga oras na yun. Pero hindi ko magawa. Binuka ko ang bibig ko pero walang lumalabas na boses.




"Would you mind if I interrupt you two with that. Kailangan na nating umalis."

Pareho kaming napatingin ni Alden kay Paris na kararating lang. Lumayo kami sa isa't isa na parang nahihiya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo ngayon sa isip ni Paris. We're doing nothing! Right...nothing!

"Ah...buti pa nga umalis na tayo." sabi ni Alden.

"Pero Alden, hindi ka pa nag-aalmusal. Buti pa dalhin mo na 'to. Hinanda ko 'to para sa'yo para makain mo sa biyahe natin."

Inaabot ko sa kanya yung isang tupperware na may lamang fried rice at bacon na nakalagay sa paper bag.

"Hindi na. Wala pa akong ganang kumain."

Lumapit sa'min si Paris...

"Kung ayaw nya. Ako na lang ang magdadala."

Aktong kukunin na ni Paris ang hawak kong paper bag pero- inunahan sya ni Alden na pareho naming ikinagulat.

"Akala ko ba ayaw mo?" mahina kong nasabi.

"Nagbago ang isip ko. Nagugutom na pala ako. I want it." at umalis na sya.

Naiwan naman kami ni Paris dito. Tumingin sya sa'kin na parang nangingiti.

"You see, he's too transparent. Naiinis sya sa'kin dahil nagseselos sya!" he concluded.

At sya naman ang sumunod sa labas. Napangiti na lang ako. Tama kaya si Paris? Is it true? Si Alden nagseselos???

Nakakatuwang isipin na ang isang katulad nyang suplado ay may sensitive side rin pala.
***














Muli kaming hinatid ni Paris. Pagtigil ng kotse, agad syang bumaba para pagbuksan ako- na hindi sa'kin nagagawa ni Alden.

"Thank you!"

Pero bago pa sya muling pumasok sa kotse nya, lumapit muna sya sa'kin at may binulong.

"Just enjoy this day...with him! Bye!"

At tuluyan na syang pumasok sa loob at umalis.









Alden's POV

Pag-alis ni Paris, agad na sumunod sa'kin si Maine sa paglakad. Napansin ko ang hawak nyang isang paper bag. Sa pagkakaalam ko, yun ang teddy bear na binigay sa kanya ni Paris.

At talagang naisipan pa nyang dalhin yun ah. Mukhang gustong gusto nya at ayaw man lang nyang iwan.

"Ate Maine! Kuya Alden!"

Natanaw agad namin ang dalawang batang palapit na sa amin ngayon. Umupo si Maine para lumebel kay Angelique at Carl.

"Buti po bumalik kayo! Akala namin hindi na kayo babalik eh." sabi ni Angelique.

"Na-miss nyo ba kami?" tanong nya sa dalawang bata.

"Syempre naman po!" si Carl naman ang sumagot..




"May ibibigay nga pala ako sa inyo."
Binuksan ni Maine ang paper bag nyang hawak at mula dito ay kinuha nya ang isang bola.

"Para sa'yo 'to Carl!" excited na kinuha ni Carl ang bola.

"Salamat po ate Maine!"

At binigay naman ni Maine ang paper bag kay Angelique. Kinuha ito ng bata at binuksan.

Sobrang nagulat si Angelique nang makita nya ang cute na teddy bear. Kahit ako nagulat, dahil yun ang teddy bear na galing kay Paris.

Pinindot ni Maine ang maliit na button sa gitna ng stuff toy.

"I love you! I love you!" paulit-ulit na sabi nito.

"Wow ate Maine, ito ang matagal ko ng gustong teddy bear. Maraming salamat po!" at mahigpit syang yumakap kay Maine.





Napangiti ako nang makitang masaya ang mga batang tuwang-tuwa sa mga binigay ni Maine. Hindi ko inexpect na may inihanda pala syang surpresa sa dalawa. At mas hindi ko inexpect na kaya pala nya dinala yung teddy bear ay dahil ibibigay nya ito.

Tumayo na sya at tumingin sa'kin.

"Oh bakit? May problema ba?" tanong nya sa'kin.

"Ako? Wala ka bang gift para sa'kin?"

Something That We're NotWhere stories live. Discover now