I'm Jealous

2.8K 139 5
                                    

Maine's POV

"Sinong sila na?"

"Ma'am, sina Alden at Maine po."
sagot ng isa sa mga kaklase ko.

Pumunta na si ma'am sa desk nya.

"Really? Wow, hindi ko akalaing ang dalawang genius sa klase...ay may relasyon pala. I'm happy for both of you."



Ha? Happy? Eh mukhang sila lang talaga ang nasisiyahan sa mga nangyayari. I hate my situation now! Mas gusto ko pang mag-test ng isang araw kaysa mapunta sa ganitong sitwasyon.


"Teka! I want to know kung sino ang unang umamin sa inyo. Sino nga ba?"





"Sya po!"

Sabay na sagot namin ni Alden. Mukhang ayaw talagang magpatalo ng isang 'to ah!


"Ha? Sino ba talaga?"




"Kami pong dalawa pero si Maine po ang nanligaw sa'kin."







Tumawa agad ang buong klase sa sinabing yun ni Alden. Para namang nag-init bigla ang mukha ko.

Tumayo ako at tumingin ako sa kanya...

"Ako po ang nanligaw sa kanya dahil hindi sya marunong manligaw!"




Nagkaroon naman ng konting commotion sa loob ng room. Tumayo sya at mukhang ayaw talaga nyang patalo sa'kin.

"Liligawan ko naman po sana sya kaya lang inunahan na nya ako."




"Hindi kita inunahan. Sadyang hindi ka lang talaga marunong manligaw dahil torpe ka!"





"Hindi ako torpe! Dahil kung torpe ako eh di sana...hindi tayo ngayon."





"Enough guys! Are you sure kayo talaga? Eh bakit parang ang aga naman yata ng LQ ha?"








"Hindi po ma'am. Ganun lang talaga kami mag-usap."






"Okay. Sige na, umupo na kayo. Pero dahil kayo naman ang top ng klase, I'll give you a special project. Kapag nagawa nyo ng maayos...then I'll give you a high grades for that. Okay ba?"




"Yes ma'am."



***








Papunta na sana ako sa terrace para puntahan si Alden. Binigay na kasi sa'min yung special project at sa lalong madaling panahon, dapat ay magawa na namin ito. Pero bago pa ako makalapit sa kanya...nakita ko sila ni Coleen na magkasama. Malamang, nagpapaturo na naman ang kapatid ko.

Nagtago lang ako sa may gilid at sumilip sa kanila.

"Mahal mo ba talaga si ate?"




Nagulat si Alden sa tanong sa kanya ng kapatid ko. Pati ako rin naman eh, hindi ko akalaing itatanong nya yun.


"Ha? Bakit mo naman tinatanong?"




"Kasi...alam kong ikaw ang tipo ng lalaking hindi magkaka-girlfriend kung hindi mo talaga mahal ang babaeng niligawan mo. Kaya gusto kong malaman kung mahal mo talaga sya at hindi mo sya lolokohin."






Ewan ko ba kung bakit parang hinihintay ko yung magiging sagot ni Alden. Ano nga bang sasabihin nya sa kapatid ko?



"Oo naman. Noong una pa lang, mahal ko na ang ate mo. Kaya niligawan ko na sya."




Hindi ko akalaing yun ang isasagot nya sa kapatid ko. Alam ko namang hindi totoo yun kaya hindi dapat ako maniwala sa kanya.




"Talaga? Wag mo syang sasaktan ha. Kapag nalaman kong niloko mo sya, ako ang unang makakalaban mo."



"Oo naman. Ikaw pa!" at pinatong nya ang kamay nya sa ulo ng kapatid ko.






Parang ang close-close nila sa isa't isa. Bakit ganun? Bakit ang bait ni Alden sa ibang tao? Pero pagdating sa'kin parang nagbabago ang pakikitungo nya?

Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong nainggit sa kapatid ko. Wala akong dapat pagselosan! Wala!

Something That We're NotWhere stories live. Discover now