No Worries

2.4K 109 11
                                    

Maine's POV

Pagpasok namin sa kwarto, nilagay lang namin ang mga gamit namin at saka bumaba para kumain ng dinner. Kumpleto ang pamilya ko, si mama, si papa at si Coleen. Sayang lang dahil wala si tito, ang daddy ni Alden.

Pagkatapos kumain, naglakad-lakad muna kami. Napakaganda dito sa Boracay lalo na pagsapit ng gabi. This place was full of lights. Lahat ng tao, walang ginawa kundi ang magsaya. Kabi-kabila ang mga party, mga night clubs at iba't ibang gimik.

Naglakad kami hanggang sa mapadpad kami ni Alden sa dalampasigan. Medyo malayo kami sa mga tao kaya sobrang tahimik at ang hampas lang ng alon ang maririnig mo.

Pareho kaming umupo sa may buhangin.

"Alden, thank you kasi umuwi ka na. Dinala mo pa ako dito kasama ang pamilya ko."

"Pinangako kong babalik ako para sa'yo 'di ba? At saka bukod sa gusto kitang makasama...may special event na parating and I want to celebrate it here in Boracay."

Napatingin ako sa kanya.

"What do you mean?"

"Anong what do you mean? Ibig-sabihin...wala kang natatandaan?"

"Ano bang meron?"

Wala talaga akong naaalalang special event. Hindi pa naman namin anniversary.

"Sa sobrang dami ng mga pinagkaka-abalahan mo...nakalimutan mo na talaga."

"Ha? Ano bang meron Alden? Sabihin mo na sa'kin."

"Wala akong sasabihin sa'yo. Dapat ikaw mismo ang makaalala nun."

"Ano ba yun ha? Sabihin mo na please."

"Ayoko."

"Sige na, please."

Hinawakan ko pa ang kamay nya at nag-puppy eyes sa kanya. I know his weakness, he can't resist my charm.

"Syokoy, sabihin mo na sa'kin."

"Hindi nga pwede syomay. Ang kulit mo."

Kapag nag-aasaran kami, pareho naming ginagamit ang endearment namin sa isa't isa.

"Gusto mo ba talagang malaman?"
sabi nya.

"Oo...kaya sabihin mo na."

Tumayo sya bigla at nagulat ako nang buhatin nya ako na parang bagong kasal.

"Alden, ibaba mo na ako. Ayokong maligo, malamig."

Naglakad si Alden palapit sa dagat. Sabi ko na nga ba at may masama syang binabalak. Ugh! Ayokong maligo ngayon.

Hindi nya ako pinakinggan hanggang sa naramdaman ko na lang na basa na rin ako. Buhat nya pa rin ako kahit nasa tubig na kami.

"I hate you!" inis na sabi ko sa kanya.

"You hate me pero kung makayakap ka sa'kin ngayon, parang ayaw mo na akong pakawalan." tumawa sya.

Hindi naman masyadong malamig ang tubig pero ayoko pa ring maligo. Pero dahil sa kakulitan ni Alden...eto no choice.

Pero ang mas nakakaasar pa ay nang bigla syang lumubog sa tubig. Kapit nya ako kaya pati ako lumubog din. After a few seconds, pareho kaming umahon.

"Bukas na lang ulit natin enjoy-in ang tubig. Bumalik na tayo sa kwarto." sabi nya.

Bago kami tuluyang umalis, binigay ko muna kay Alden ang dala kong towel.

"Teka! 'Di ba dapat ikaw ang gumamit nito, nilalamig ka na." tutol nya.

Something That We're NotWhere stories live. Discover now